Episode 65

3K 228 70
                                    

September 27, 2017
07:21am

Marydale: Donaaaaaat? 😭💔

Seen
07:22am

Donato: Hmm?

Marydale: Nasaan ka, pupuntahan kita! Mag-usap tayo. :'(

Donato: Next time nalang...

Marydale: Donat naman eh, nasa gym ka ba? pupuntahan kita

Donato: Why? Ano pag-uusapan natin?

Marydale: Alam ko nag tatampo ka :(

Donato: Nag-alala lang ako sayo, okay ka naman pala. hehe 😅

Marydale: Donat naman! 😭 Wait ka lang diyan ha, pupuntahan kita. Papunta na ako.

Seen
7:23am

Donato: H'wag na muna hehe final practice na namin eh, kailangan ko mag focus.

*Donato is typing*

Donato: Hindi kita macontact kagabi after ko mabasa ang status mo sa facebook na gusto mo na sa Camiguin ka nalang mangangarap. Dahil sa nag-alala ako pumunta ako sainyo at sabi nga na nag part time ka daw. Hindi ako mapakali kaya hinintay kita makauwi. Iyon pala, okay ka na pala. 👍🏻

Marydale: Gusto ko mag explain 😭

Donato: No need, hehehe okay sa akin basta okay ka 😊

Seen
7:28am

Marydale: Nasa labas na ako ng gym. papasok na ako diyan.

--

"Donat!" pagtawag ni Marydale kay Donato na nakaupo lang sa isa sa mga upuan ng gym. Wala naman itong practice at ang totoo'y nag papalusot lang ito.

"Tigas talaga ng ulo mo!" natatawang tugon ni Donato nang ibinaling niya ang paningin kay Marydale.

Agarang lumapit si Marydale kay Donato, "Mag-usap tayo please? Let me explain!" naiiyak na tonado ni Marydale.

"Explain, what? Wala ka naman dapat iexplain talaga. Why should you?" napangiti siya pero dama ni Marydale ang mapaklang tonadong nakahalo sa bawat salitang binitiwan ni Donato.

"Donat?" napaupo siya sa silyang katabi ng kaibigan, "Kung tungkol kay Edwar---"

"Nilalayo kana niya sa akin, nafefeel ko. Same exact feeling nang inilayo niya ang sarili niya sa akin kasama si Elizabeth. Kaya lang, mas masakit ata ngayon," napayuko si Donato at napahawak sa may dibdib nito, "Masakit dito."

"Donat--"

"Masaya naman tayo noon Miridil, diba?" bumuntong hininga siya, "Masaya tayo noong tayo lang. Almost 3 years, okay tayong dalawa."

"Okay naman tayo ngayon eh, Donat naman!" Napahawak si Marydale sa braso ni Donato at bahagyang inalog ito.

"Pakiramdam ko naging kampante ako sa kung anong meron tayo, akala ko, okay lang na hayaan kita maging malapit sa kanya dahil sabi mo magiging okay ka. Pero, Miridil, iyong ganitong pakiramdam ngayon, naiiwan ako sa ere."

"Donat..."

"Alam ni Edward noon na may gusto ako kay Elizabeth at wala siyang sinabi sa akin na ganoon din siya para sa kanya. Pinaramdam niya sa akin na okay lang at nasa akin ang suporta niya pero bigla nalang nalaman ko mula kay Elizabeth na sila na ni Edward nang 'di ko man lang namamalayan." napatanaw si Donato sa kawalan, "Tinraydor ako nang Edward na 'yun kahit pa tinrato ko siya bilang kaibigan bilang kapatid. Tapos ngayon..."

"Donat..."

"Alam mo naman na seryoso ako sa nararamdaman ko para sa'yo, 'di ba? Nasabi mo sa akin na matuto lang akong maghintay at makuntento na muna sa pagkakaibigan na tanging naibibigay mo kaya ganun ang ginawa ko. Nakampante ako Miridil at 'yon ang mali ko."  natawa ng mapakla muli si Donato.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon