Episode 44

2.1K 210 52
                                    

September 15, 2017
7:48am

"Miridil!" pag tawag ni Donato habang naglalakad si Marydale kasama si Edward sa hallways ng eskwelahan isang umaga.

"Donat!" Nakabungisngis na tugon ni Marydale sa kaibigan.

"Pwede ba kitang makausap sandali?" ani Donato, "Iyong tayong dalawa lang sana!" sabay pahapyaw tingin kay Edward.

Halatado sa pananalita nitong gusto munang solohin ni Donato ang dalaga.

"Ay, Edward! Kita na lang tayo sa theater hall. Susunod ako agad." pagsabi ni Marydale kay Edward at nakalingon ito sa kanya.

"Why?" seryosong pagtatanong ni Edward, "Kailangan na natin mag practice. It's too soon already!" dagdag nito na tila ayaw niyang paalisin si Marydale

"Ako na maghahatid sa kanya, she's safer with me." ani Donato, "Tara Miridil!" sabay hawak ni Donato sa kamay ni Marydale upang maglakad na sila papalayo

Handa na sa pagsama si Marydale kay Donato ngunit nabigla siya sa paghila rin ni Edward sa kanya upang hindi ito makaalis.

"Edward?!" pag tawag niya rito na may bahid ng pagkabigla.

"You're staying." madiing tugon ni Edward kay Marydale.

-
10:04am

**Edward was active 2 minutes ago**

Marydale: Edward nasaan ka?

Marydale: Nasaan ka? Pupuntahan kita.

Marydale: Nag-aalala ako sa'yo.

Seen
10:05am

Edward: Diyan kana sa jowa mo

*Marydale is typing**

Marydale: Galit ako sa nangyari kanina pero hindi ko kayo pwedeng pabayaan kayong dalawa. Nasaan ka? May dala akong gamot sa sugat mo.

Marydale: Nandito ako sa roof top pero wala ka naman dito.

Edward: Kung magagalit ka lang din naman dahil sa nagawa ko sa jowa mo then wag kana pumunta

Marydale: Edward naman 😭 Sige na. Nasaan kana

Marydale: Galit ako sa nangyari pero hindi ako galit sayo. Wala akong kinakampihan sa inyo, okay?

Edward: Nasa likod ako ng school. Sa park

Marydale: Pupuntahan kita diyan. Gusto mo food?

Edward: The only thing I want right now is you.

Edward: Pumunta kana dito, mahapdi mukha ko. Dali.

Marydale: Okay 😊

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon