Episode 15

2.6K 224 86
                                    

August 26, 2017
6:47am

Marydale: Edwaaaard! Huy may trabaho ako ngayon..Kailangan ko pumasok baka mawalan na ako ng trabaho. sorry talaga. Ihahatid ko na lang ang notes..Sorry talaga 😭

**Marydale is active 16minutes ago**
Seen
7:29am

Edward: I'm at the convenience store. Where are u! U don't like me waiting Miss Entrata 😏

7:36am

Edward: Huy! Mamumuti na mata ko. Bilis na!

Edward: Marydale?!

7:44am

Edward: Nasaan ba iyang lecheng karenderya na iyan?!

Edward: You promised me na itututor mo ako bago mag exam, tapos ganito? Ni wala pa tayong napag-aaralan, sa friday na ang exam ko ah! 😒

8:06am

Edward: Nakakainis talaga!!

Edward: Bahala ka nga sa buhay mo! Pag ikaw may kailangan pwede kita pagbigyan pero pag ako? Aba gusto ko rin grumaduate ah! 🙄

**Edward was active 43minutes ago**

10:37am

Marydale: Edward, sorry talaga pero kailangan ko rin talagang mag trabaho ngayon. Kailangan ko mag ka pera para may maipadala ako sa amin sa Camiguin. May sakit ang Nanay ko :( Kikita ako ng 300 ngayong araw na 'to pati bukas. May 600 ako in total at ipapadala ko iyon sa amin. Hindi naman sa tinatakbuhan ko ang pangako ko na itututor kita pero kailangan lang talaga. Kung gusto mo every after class na lang. 😭🙏


Marydale: Sana maintindihan mo na kailangan ko talaga 'to ngayon. Sorry talaga :( Sana h'wag ka magalit sa'kin. Mas importante sa'kin ang kalusugan ng Nanay ko kesa sa scholarship ko. Pasensya na.

**Marydale was active 2 hours ago**

02:12pm

Edward: After your work see me at the convenience store. I don't care what time it is, I'll wait for you there.

5:17pm

Marydale: Edward, hindi na muna talaga ako makakapunta diyan. Tapos na duty ko sa karenderya pero may part time ako sa balutan ngayon 7pm to 3am ang duty ko. Sorry 😭 Kailangan ko talaga 'to.

Seen
5:18pm

Edward: Ano ba?! Wala ba talagang halaga sa'yo ang scholarship mo?!

Edward: Pag nakatapos ka ng pag-aaral mo you can help your family, hindi ba?!

Edward: Where the heck are you kung ayaw mong pumunta dito sa convenience?!!!

Seen
5:19pm

Marydale: Double ride ako pag pinuntahan pa kita diyan! Nandito ako sa recto, pumunta ka dito. Bahala ka.

Marydale: Kailangan mo malaman na nag-aaral akong mabuti para sa nanay ko pero kung mawala man siya ng wala akong magawa wala rin saysay ang lahat ng pagtitiis kong malayo sa kanya at makitira nalang. Sorry kung hindi mo maintindihan ang sitwasyon ko. Kung ayaw mo na pumasok, desisyon mo na iyan. Sorry talaga.

5:21pm

Edward: I'm just asking where the heck u are! Ang dami mo nang sinabi! Damn.

Edward: Pupuntahan kita. Wag kang umalis diyan, babangasin kita.

Marydale: Ok

-
**Edward is online 13minutes ago**

9:46pm

Marydale: Salamat sa tulong mo today. Paano kita mababayaran? Ang laki ng 5000 😭

Edward: Pay me with your time, Marydale. Just that.

Marydale: Pag-iipunan ko. 😭

Edward: See u tomorrow after ur karenderya work. Have a rest.

Marydale: Salamat talaga. 😭

Edward: Go to sleep! Don't think about replying and staying online or I'll kill you 😒

Marydale: Grabeh! 😓 Good night, sungit. 😬

Edward: Reply pa.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon