Episode 28

2.4K 214 40
                                    

September 4, 2017
6:01am

Marydale: Good morning, Edward! 😊

Seen
6:04am

Edward: saan kana?

Edward: Nasa convenience na ako. Bilis

Marydale: EH?! 😱 Bakit ang aga mo?

Edward: Diba sabi ko I'll be early?!

Marydale: KAKALIGO KO LANG!! OMG

Edward: HAY NAKU MISS ENTRATA! BILIS KANA DIYAN! 😪

Marydale: HEHEHEHEHEHEHE 😅 okay wait lang! 😊

-
6:21am

Marydale: Edward naka sakay na ako ng jeep. See you!!!! 😁 Tamang tama, gutom ako 😂

Edward: bilis kana patay gutom. 😒

Marydale: Grabeh 😢

Edward: Rereply pa eh!

Marydale: Eh nilalait mo ko eh!

Edward: Oh tapos? Ano ngayon.

Marydale: Grabeh bumili ka nga ng konsensya 😒

Edward: Gusto mo ikaw bilhin ko? BILIS NA DIYAN!! 😠

Marydale: Pa cute naman 😂 Usok ilong kana naman! Lalaki na naman butas ng ilong mo 😂

Edward: Isa pa.

Marydale: HEHEHE PIKON NAMAN 😂 osige na. Malapit na ako sa convenience. Yay!! 😋😋

-

"Oy, Edward! Thank you ah!" tugon ni Marydale habang papasok na sila sa kanilang eskwelahan.

"Geez, ewan ko sa'yo." tanging tugon lamang ni Edward sa dalaga.

Habang naglalakad sila'y napansin naman ni Edward ang tila kakaibang tingin ng mga ibang estyudyanteng nakakasalubong nila. Tila may mali.

'Siya ba iyon?'

'oo nga raw. siya iyon, nagpapaawa para makalikom ng pera. Ginagamit ang pagiging class rep ng section nila. At isa iyan sa mga biktima niya'

'Grabeh ang kapal naman ng mukha niya'

'Talaga! Jusko nakakatakot at ang kapal ng mukha'

Napatingin si Edward kay Marydale na masaya lang naman itong naglalakad.

"Class rep! Pinapatawag ka ni Mrs. Baltazar sa opisina niya!" ani ng isa nilang kaklase

"S-sige. Salamat!" nakangiting tugon ni Marydale sa kaklase, "Edward, pupunta na muna ako sa opisina ni Mrs. Baltazar ha? Kita na lang tayo sa classroom! Baka may mga pahabol pa siyang ipapagawa sa'kin lalo na at completion week ngayon!" pagpapaalam ni Marydale.

Nakasuksok sa magkabilang bulsa ni Edward ang kamay nito at hinarap si Marydale, "Sasamahan na kita, hihintayin na lang kita sa labas." seryosong tugon nito

Bahagyang napanguso si Marydale at nagtaka ito, "Sigurado ka ba?" tanong niya pero matalim lang na titig ang pinukol ni Edward sa kanya, "Sabi mo nga, sasamahan mo ako!" ngumiti na lamang siya't naglakad na lang patungo sa opisina ni Mrs. Baltazar.

-
Inabot ng mahigit isang oras ang naging usapan ni Mrs. Baltazar at Marydale na namumugto ang mata kaya nag-aalalang lumapit si Edward sa kanya.

"What happened?" Agarang tanong niya sa umiiyak pa rin na si Marydale.

Umiling ito,, "W-wala. Pumasok na tayo." ani nito at naglakad ito.

Rinig ni Edward ang bawat hikbi ni Marydale kaya hindi niya maiwasang mag-alala. "You're not okay. Let's go somewhere else!" ani nito at agad hinawakan ang kamay ni Marydale at nag naglakad sila sa naiibang direksyon.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon