Nakatingin dito sa akin dito sa likod si manong. Bumalot sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Napatingin siya sa harap. Awtomatiko rin akong napatingin doon.

Mas lalong kumalabog ang puso ko. Namilog ang aking mga mata nang makita ang naka pahalang na ang sasakyan ni Klenth sa daan na para bang hinaharangan kami. What is happening?

"Manong!" Sigaw ko, natataranta. Mas lalo pa akong nataranta nang makitang bumukas ang pintuan ng sasakyan ni Klenth at lumabas siya.

Dali dali kong niyugyog ang balikat ni manong!!!

"Manong! Tara na!"

Napalingon siya sa 'kin nang nakangiti. Kumunot ang noo ko at pinandilatan siya. Bakit nakangiti si manong? Ang sabi ko, umalis na kami rito! Hindi iyong parang kinikilig pa siya dyan!

"Ayan na ho ang nobyo niyo, Ma'am... Paktay... nahalata niya tayo..."

"Manong, alis na tayo! Bilis!"

"Akala ko ho ba susundan natin siya, ma-"

"Hindi na! Joke lang 'yon, manong!" Halos maiyak na ako.

"Ha?"

"Tsk! Manong tara na!"

"Bakit ho kayo natataranta? May problema ba, Ma'am? Ano pong problema?"

"Basta, manong. Please... Please! Alis na tay--"

Hindi ko natatapos ang sinasabi ko ay bigla nang bumukas ang pintuan sa gilid ko. Kumalabog ang puso ko at para akong nahugutan ng hininga nang makita si Klenth na nakahawak sa pintuan. His eyes immediately met mine. Natigilan ako at parang binuhusan ng malamig na tubig sa kinauupuan.

He's standing right there. I saw amusement in his eyes while looking at me. Ang gilid ng kaniyang labi ay unti-unting tumaas habang tumatagal ang tingin niya sa akin.

"Come out," he commanded.

Napalunok ako. Hindi ko alam ang gagawin. Mananatili ba rito sa loob o susundin siya? Biglang nabuhay ang inis ko sa kanya.

"Good evening ho, Mr. Aspinne..." Hindi ko namalayan na nakababa na pala si manong at hindi ko alam na kilala niya pala. I feel so betrayed?

Tumango at bahagyang yumuko si Klenth sa kaniya. Napatingin ulit siya sa 'kin.

"Yumie..."

"Hindi ako bababa!" Matapang na sambit ko. "Why would I?"

He smirked confidently. Hinarap niya si manong.

"Ako na po ang maghahatid sa kanila, manong. May pupuntahan pa po kami," aniya. Saglit akong humanga sa pinakita niyang galang pero agad din 'yon natabunan ng inis.

Dali-dali akong bumaba sa sasakyan dahil sa sinabi niya. Pagalit ko siyang hinarap habang ang mga mata niya ay nakadirekta pa rin kay manong.

"Hindi ako sasama sa 'yo!" Sigaw ko.

Hindi niya ako nilingon kaya mas lalo akong nainis. Napatingin tingin ako sa paligid at nakita ang ilang sasakyan na umiiwas sa mga sasakyan naming nakaharang sa daan. Ang iba ay bumubusina pa pero agad ring nagpatuloy sa pagmamaneho. Ugh! Nakaabala pa talaga kami sa iba.

"Okay ho, Sir..." Nagulat ako sa sinagot ni Manong. Okay? Anong okay?! "Ang problema lang ho, Ser, baka hindi ito alam ng Mommy niya..."

"I've already texted them," tipid na sagot ni Klenth.

"Sinungaling!" Singit ko. Kinakabahan akong tumingin kay manong. "Manong, hindi niya tinext sina Mommy at Daddy! Baka kung anong gawin sa 'kin nyan!"

"Akala ko ho ba, Ma'am, boyfriend mo siya? Diba sabi mo?" Biglang sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Nakita kong natigilan si Klenth at napatitig din sa driver naming madaldal.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon