(4): They Enter!

2.3K 152 35
                                    

dedicated to: Mary_Cris18 , Saicahh  , MisterYoos_06




𝙻𝚞𝚖𝚒𝚎𝚛𝚎 𝚁𝚎𝚜𝚒𝚍𝚎𝚗𝚌𝚎, 𝙿𝚊𝚜𝚒𝚐, 𝙼𝚎𝚝𝚛𝚘 𝙼𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊
(𝙵𝚛𝚒𝚍𝚊𝚢)

Avery's POV
—  𝟽:𝟷𝟸:𝟸𝟾 𝚙𝚖 —

HALOS magrambulan na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito nang sunod-sunod naming marinig ang kalampag ng pintuan.




Kaya naman agad na akong tumayo mula sa pagkakaupo at mabilisang dumiretso sa kusina para maghanap ng matalim na bagay. Halos manginig na ang kamay ko nang makakuha ako ng kutsilyo dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko nang lalong lumalakas ang kalabog ng pintuan namin.




Inihanda ko ang sarili ko kahit pa pakiramdam ko ay agad na akong matutumba dahil sa panginginig ng tuhod at kamay ko. Habang si Zerro naman ay halatang kabado rin habang hawak hawak ang baseball bat niya.






"A-anong gagawin natin?" Kinakabahan kong tanong.





"Buksan mo 'yung window glass, bilis!" Sigaw nito at halos manlaki na ang mata ko nang tuluyan ng mabuksan ang pintuan at sunod-sunod na pumasok at sumugod ang dalawang zombies. Walang pag-aalinlangan naman itong pinaghahampas at iniilagan ni Zerro. Habang ako ay parang tanga na hawak lang ang kutsilyo habang nanginginig ang mga tuhod at kamay ko.





"Open the window now!!" Malakas na sigaw ni Zerro at halos hindi na ako magkanda-ugaga sa pagtakbo patungo sa malaking window glass at barabara itong binuksan.





"GRAAAAAUUUGGGHH!!" Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang nakakakilabot na pagmumukha ng isa sa mga infected, sa sobrang takot at panik ko ay kusa nang kumilos ang katawan ko. Naramdaman ko ang pag-angat ng binti ko at pagsipa sa katawan ng infected na ito, pikit mata ko iyung ginawa, matapos no'n ay saka ko narinig ang isang malakas na kalampag na tila ba may nasira.



Kabado, nanginginig at hingal na hingal kong iminulat ang mga mata ko. Doon ay bumungad naman sa akin si Zerro na buong lakas na hinampas sa ulo ang isa pang infected na nakasugod sa kanya, ngunit tila matibay ito dahil nakasugod pa rin kay Zerro, kaya naman ang ginawa ko ay agad kong tinadyakan ito sa dibdib bago pa tuluyang makalapit muli sa kanya.




Ngunit sa pagkakataong iyun ay bumalatay ang gulat sa pagmumukha ko at tila nanigas ang buong katawan ko nang masaksihan ko ang nangyari matapos kong tadyakan ang infected na yun.




P-paanong..



Paano nangyaring ganon kalayo ang pagkatalsik ng infected na 'yun?! Dahil imbis na mahulog ito ng diretso sa ground ay tumalsik at humagis pa muna ang katawan nito mula sa kabilang building at saka ito nahulog sa ground.




Bahagya akong napaatras.




"N-nakita mo ba—" sa sobrang panik at gulantang sa nasaksihan ay mabilis kong nilingon si Zerro, ngunit hindi ko na ito naabutan pa sa likuran ko at nakita ko na lang sa may pintuan na naghihirap itulak ang isang malaking aparador maharangan lang ang pintuan namin na may sumusubok pumasok na mga infect— sandali... bakit wala nang pinto ang pintuan namin?!





Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now