(26): Jealous? No.

1.1K 66 13
                                    

Metro Manila, Philippines
Thursday

Avery's POV
11 : 24 : 58 am

“What do you mean apat lang ang pwedeng mailigtas sa atin?” Takhang tanong ko sa kanila. Did I heard it right? Sa aming lahat apat or less lang ang maire-rescue ng military? Bakit?

“I don't know, 'yun lang rin ang narinig ko sa usapan nila kagabi,” sagot ni Tana. Halos lahat kami ay hindi makapag-salita, hindi makapaniwala sa narinig.

“Eh gago pala sila, bakit tinanong pa nila tayo kung ilan tayo kung apat lang naman pala ang kaya nilang iligtas?!” Bulyaw ni Yves.

“Hindi pwede 'yon! Anong silbi nila kung hindi naman pala nila tayo kayang iligtas lahat?! Ano 'to Survival of fittest? Matira matibay, puta pala sila eh.”

“Baka naman pwede nilang balikan 'yung matitira,” sagot naman ni Cass.

Bakit naman kasi apat lang ang pwede nilang mailigtas, unfair naman ata 'yon?

Hinablot ko na lang ang cellphone ko mula sa bulsa ko para tignan kung may signal ba. Naalala ko 'yung sinabi ni Tita na susunduin niya kami ni Zerro, pero sa tuwing naiiisip kong ilang buwan na ang lumilipas at hindi ko pa rin sila naco-contact ay baka malabo na niya kaming masundo at makita.

Agad akong nanlumo kasabay nang pagbagsak ng parehong balikat ko nang makita kong wala pa ring signal hanggang ngayon, ni kahit anong notification ay wala akong natatanggap man lang.

“Ayos ka lang?” Bumaling ang tingin ko sa lalaking tumabi sa akin. Napa-buntung hininga na lang ako nang mapagtanto kong si Zerro ito.

“Inaalala ko 'yung sinabi ni Tita, baka dumating na sila pero hindi nila tayo makita,” nawawalan ng pag-asa na sambit ko.

Napalingon naman ako sa kanya nang maramdaman kong lumapat ang palad niya sa kamay ko. Saglit pa akong natigilan at ilang beses na napakurap nang maramdaman kong biglang pumantig ang puso ko.

Ano 'yon?

Napaiwas ako ng tingin nang mas lalo niya lang higpitan ang pagkahawak sa kamay ko.

“Makita man nila tayo o hindi, sisiguraduhin kong makakaligtas tayo, naiintindihan mo?” Muling lumapat ang paningin ko sa kanya. Sa sandaling iyon ay hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, ngunit ganoon din ang pakiramdam na ligtas ako dahil alam kong narito siya sa tabi ko.

Sa isip-isip ko ay mabilis akong napailing, binubura lahat nang naiisip ko.

Hindi ako sanay sa ganitong pagtrato niya sa akin dahil hindi naman talaga siya ganito, ibang-iba siya sa Zerro na halos apat na taon kong nakasama. Pero aaminin kong namiss ko ang presensya niya sa tabi ko, weird mang pakinggan pero, I feel comfortable around him. Kahit alam kong delikado ang paligid namin at kaonting pag-asa na lang ang meron kami para makaligtas, pakiramdam ko ay ligtas na ako dahil alam kong hindi na ulit siya mawawala sa tabi ko.

“Huwag ka munang masiyadong mag-isip ngayon, mag-pahinga ka dahil kakagaling mo lang sa sakit. Mamaya lalampa lampa ka na naman, ilang buwan pa naman akong nawala sa tabi mo. Baka mas lalo kang naging lampa.” Napatikhim ako nang sabihin niya 'yon.

Gago ba 'to? Ang lakas mang-okray amp, biglang gumaspang na naman 'yung ugali.

“Maayos na ang pakiramdam ko, huwag kang mag-alala. Kayang kaya ko na ang sarili ko.” Sambit ko, saka siya inirapan nang mahina niya akong tawanan.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now