(34): Friday the 13th

885 45 9
                                    

2025 Cavite, Manila Bay Philippines
December 13 - Friday

Santy's POV
7:02;16 am

"Omg! Anong nangyari??" Naalimpungatan ako sa pagtulog nang marinig ko ang napakatinis na boses ni Tana na nasa tabi ko. Naisangga ko pa ang braso ko sa mukha nang maramdaman ko ang liwanag sa mukha ko na nanggaling sa bintana.

"Anong nangyari, Rex?? Is everything okay??" Kumunot ang noo ko. Bakit ba ang ingay ng babaeng 'to?

Bahagya ko siyang sinilip, and there she was nakasilip sa bintana. Napansin ko rin na nakahinto ang sasakyan namin, kaya naman mabilis akong bumangon sa pagkakahiga. Anong nangyari?

Saglit kong iginala ang paningin ko at napansing wala si Rex at Cass sa katabing kama. Wala rin ang iba naming kasama, kaya naman naguguluhan kong sinilip rin ang bintana.

"Anong meron? Nasaan na tayo?" Kunot noong tanong ko kay Tana.

"Oh, you're awake na pala. Na sa Cavite na tayo. And what happened? I don't know rin, eh. Bigla na lang huminto si Rex mag-drive. Siya kasi 'yung nag d-drive kanina," paliwanag ni Tana.

Nakita ko naman si Rex sa labas na mukhang namomroblema, kaya tuluyan na akong tumayo at nagmadaling bumaba ng campervan. Sumalubong naman sa akin si Zerro na papaakyat muli kaya saglit akong napahinto.

"Good morning," nakangiting bati ko. Bahagya niya naman akong nginitian.

"May problema tayo," agad na sagot niya, dahilan para muling magsalubong ang dalawang kilay ko. May kung ano pa siyang itinuro.

"Mahihirapan tayong makadaan dahil sunod-sunod ang sasakyan," saad niya. Lumabas naman ako ng campervan at ganoon na lang ang gulat ko nang makita kung gaano karami ang kumpol-kumpol na sasakyang mga nakahinto mismo sa gitna ng daan. Imposible ngang makadaan ang campervan namin dito, dahil masiyadong occupied ang daan at kami lang ang kakasya kung lalakad kami.

"Ano nang gagawin natin? Hindi natin pwedeng iwanan 'tong campervan dito. Bukod sa wala tayong magagamit na sasakyan kapag nakalampas tayo dito ay mukhang mahihirapan tayong dumaan diyan dahil madalas sa ilalim ng mga sasakyan nakatambay ang mga infected." Narinig ko ang boses ni Yves, na kunot na kunot ang noo. Halatang badtrip at hindi maganda ang gising.

"Mukhang minamalas tayo ngayon ah," rinig kong sambit ni Yakov. Sabay sabay naman kaming napalingon sa kanya na noo'y nakatingin sa langit. Nilingon ko naman iyon at panibagong gulat na naman ang naramdaman ko nang makita ko ang tinitignan nito.

"Patay.." rinig kong saad ni Cass.

Hindi maganda ang lagay ng kalangitan ngayon. Kung kanina ay ayos pa dahil maliwanag pa ang kulay. Ngayon naman ay hindi na maipaliwanag, unti-onti ay dumidilim ang kalangitan at para bang kahit anong oras ay babagsak ang malakas na ulan.

Bigla akong kinabahan. Hindi lang dahil tatahakin namin ang daan na ito nang hindi gumagamit ng sasakyan at walang kasiguraduhan sa kaligtasan namin dahil sa mga infected na maaaring pakalat-kalat sa ilalim ng sasakyan. Kung hindi dahil din sa takot sa kung anumang maaaring mangyari sa oras na bumuhos ang ulan dahil kasalukuyan kaming na sa gitna ng Manila Bay Bridge.

Ang skybridge ang pinakakatakutan ko sa lahat, dahil posibleng bumagsak ito. Lalo pa't mukhang hindi na maganda ang daan dahil puro biak at lubak na ang semento. Sa madaling salita, marupok na at madaling masira.

Lockdown Z [Survival Begins] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon