(35): Infected

896 48 10
                                    

2025 Cavite, Philippines
December 13

Avery's POV
10:16:09 am

I AM trembling. I barely can breathe. Trying to gasped for air. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Pakiramdam ko ay naging pipe ako saglit dahil hindi ako makapag-salita at hindi maharap sina Tita Ana at Yves. Hindi ako matigil sa pag-iyak dahil sa nangyari.

I know, they know. They may not be asking me kung ano ang nangyari pero ramdam ko ang disappointment at galit kay Yves. I don't know about Tita Ana dahil hindi siya nagsasalita. She's just staring sa kawalan, kaya mas lalo akong kinakabahan.

Bakit hindi ko nailigtas si Kiel? Anong silbi ng lakas ko kung hindi ko manlang siya nagawang protektahan?

"Hey, don't blame yourself." Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Zerro, pero lalo lang akong nakaramdam ng galit sa sarili ko at bumigat ang pakiramdam ko.

"N-no, it's my fault. K-kung hindi- kung hindi lang sana-" hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko dahil sa paggaralgal ng boses ko. Pakiramdam ko din ay nawawalan ako ng boses dahil sa sobrang kaba.

"Shh, don't think about it. You'll be fine, hmm?" Napailing ako. No, it won't be okay.

Kiel just died because of me! Yes, he died! Namatay siya dahil sinuway ko ang sinabi niya! Kung sana, hindi ako nagmatigas at naghintay na lang kila Zerro, edi sana hindi siya nahila ng infected na nahulog sa bridge! He just fucking fell at the bridge! Nagawa kong maihagis ang mga infected na dumagan kina Zerro kanina, pero hindi ko akalain na ganoon katalino ang isa sa kanila na matapos kong sipain ay matatangay nito si Kiel papahulog sa bridge.

And that was all my fucking fault! Hindi 'yon mangyayari kung hindi ako nagmatigas at hindi niya rin ako susundan.

"Kumilos na kayo, nasasayang ang oras natin." Si Yves ang nagsalita, malamig ang boses nito. Sumasabay ang lamig ng pagkatao niya sa lamig ng hangin, gawa ng napakalakas na ulan. We're all soaked at the rain dahil lahat kami ay nandito pa rin sa harap ng bridge. Nakababad sa malamig at napakalakas na ulan.

Tumayo si Yves at hindi na hinintay pa ang iba dahil nauna na siyang naglakad. I know she's mad at me and I really felt sorry. Hindi sapat ang mga salitang sasabihin ko sa kanya ngayon dahil alam kong hindi niya rin naman papakinggan iyon. Sarado ang isip at tainga niya sa tuwing nagagalit siya. Siguro ay papalipasin ko na lang muna ang araw na 'to, and give her space bago ko siya kausapin.

I know hindi siya nagtatanim ng galit, pero dapat pa rin akong humingi ng tawad.

I looked at Tita Ana na tumayo na rin sa pagkakaupo. Para siyang wala sa sarili na sumunod sa iba naming kasamahan. Nakayuko lang siya at parang walang gana na naglalakad.

"G-go ahead, I'll talk to Tita Ana." Pinunasan ko ang luha ko kahit pa basa ang mukha ko nang dahil sa ulan. Masakit na ang mata at ilong ko, kaya naman alam kong namumula na ito.

"Will you be okay? You're hurt, kaya mo bang maglakad? Let me guide you, sasamahan na kita. I'll try to explain too," pinigilan ko siya at binigyan ng isang ngiti nang bakas ang pag-aalala sa mukha at tono niya.

"I'll be fine, go now." I gave him an assurance smile.

"You sure?" Tumango ako, bumuntong hininga naman siya.

Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now