(2): Outbreak

3.7K 199 85
                                    

𝒅𝒆𝒅𝒊𝒄𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐: itzfeizz 𝒂𝒏𝒅 xxienc

2025 Lumiere Residence, Pasig, Metro Manila Philippines

Avery's POV

𝟼:𝟷𝟻:𝟹𝟸 pm


"Kumain kana ba?" Pagbabago niya sa usapan dahilan para hindi ako makatanggap ng sagot mula sa kanya. Nagpakawala na lamang ako ng isang buntung-hininga dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. Ayaw niyang paulit-ulit ang sinasabi kaya naman tumikhim na lang ako.

"Hindi pa, hindi ako nakabili ng stock na pagkain, wala pa kasi 'yung sweldo ko." Kumakamot sa ulo na tugon ko sa tanong niya't naglakad ito papalapit sa refrigerator.

"Kumain ka na."

"Wala na tayong stock na pagkain." Nahihiyang sambit ko.

"Nag-grocery ako dahil alam ko namang inubos mo 'yung mga natitirang pagkain kagabi." Masungit na saad nito kaya napalunok ako.

"Hehe sorry na, sa katapusan ako naman ang gagastos. Promise."

"Katapusan ng ano? Mundo? Tss. Huwag na."

"Anak ng!" Napipikon kong saad nang talikuran na naman ako nito.

"Kumain ka na, pagkatapos pumasok ka na sa kwarto mo at ilock 'yung pinto. Uminom ka rin ng gatas at matulog na." Ma-autoridad na utos na naman nito. See? Para talaga siyang nanay ko, gusto niya lagi ko siyang sinusunod.

Saka ano raw? Gatas? Ha! Mukha pa rin ba akong bata para sa kanya?

Nakabusangot akong naghalungkat ng mailuluto sa mga pinamili niya kanina. At nang makakita naman ako ay agad ko iyung niluto. Ewan, hindi naman talaga ako marunong magluto, puro itlog at hotdog lang alam kong lutuin noong mag-isa pa lang ako. Pero simula nung maging roommate ko si Zerro ay nagsisimula na akong matuto kakapanood ng mga niluluto niya, hindi ko ide-deny na masarap lahat ng luto niya. At kapag sinabi kong masarap, masarap talaga.

"Dinner is ready!" Hiyaw ko mula sa kusina para tawagin si Zerro na ngayon ay nakaharap sa computer niya, pero agad din naman siyang tumayo sa kinauupuan niya at binitbit ang ipad niya papunta sa dining table.

"Uuwi raw si Tita, hindi ko alam kung kailan pero susunduin niya raw tayo dito." Pagpapaalam ko sa kanya tungkol sa sinabi ni Tita kanina. Dating Army si Tita at isa sa mga Emergency Response Team, kaya naman hindi siya mahihirapang ipasundo kami dahil malapit rin siya sa mga Air Force sa bansa nila.

Ang totoo niyan, hindi ko naman talaga kaano-ano si Tita, dahil ang totoo inampon niya lang ako noong sanggol pa lang ako, at mas lalong hindi rin namin ka-pamilya ang Zerro na 'to dahil hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo siya nanggaling dahil bigla na lang siyang sumulpot dito sa apartment na tinutuluyan ko at hindi ko alam kung bakit kailangan pa ni Tita na isama ang lalaki na 'to, pero anong magagawa ko, eh parang anak niya na rin 'to si Zerro. Hindi ko alam kung may magulang pa siya, dahil hindi naman siya nag-oopen up tungkol sa buhay niya.

"Hiindi ako makakasama." Napatingin ako sa kanya nang sambitin niya 'yon.

"Ha? Bakit naman?" Kunot noong tanong ko, bakit naman hindi siya makakasama?

Oo inaamin ko, ayoko siyang isama sa pagsundo ni Tita, pero may pakialam pa rin naman ako sa kalagayan niya, 'no.

"May maiiwan ako," tugon niya dahilan para matahimik ako ng tuluyan. May maiiwan? Sino? Ibig sabihin... may pamilya pa talaga siya?

Lockdown Z [Survival Begins] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon