(17): wonderwoman

1.1K 68 12
                                    

2025 Metro Manila, Philippines
Thursday

Santy's POV
— 2:06:14 pm —

It's already past two o'clock in the mid-afternoon pero hindi pa rin bumabalik 'yung apat na kasama ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang maglakad ng maglakad pabalik-balik sa maliit na sala na aming tinutuluyan dahil sa pag-aalala na aking nararamdaman.



"Ang tagal naman nila?" Takhang tanong ko sa sarili at saglit na sumulyap sa screen ng pintuan. Agad kong nakagat ang isang daliri ko nang makitang wala pa rin talaga sila.




"Hindi naman bibilis ang pag-uwi nila kung lakad ka ng lakad diyan." Parang pinipigilan niya ang pagtawa nang sabihin iyon habang may kung anong kinakalikot sa kusina. Hindi ko naman na siya pinansin dahil talagang nag-aalala ako sa mga kasama ko. Asan na ba kasi sila?!




"Oh, upo ka muna." Napalingon ako sa inilapag ni Devoir sa lamesa ng sala, nakita ko naman ang tray na may lamang juice at cookies dahilan para kumunot ang noo ko.





"Saan galing 'yan?" Kunot noong turo ko sa cookies. Hindi ko alam na may ganyan kami kaya hindi ko alam kung saan niya nakuha yon.





"Nakita ko lang doon sa may cabinet hehe, sorry nagutom kasi ako kaya nangialam na ako. Don't worry, tutulong naman ako sa paghahanap ng pagkain sa susunod na umalis kayo ulit." Nakangiting saad niya at bahagya pang inikot ang braso niya. Nakita ko pang nasaktan siya ng kaonti kaya naman naupo nalang ako sa sofa na nasa harapan niya.



Pareho kaming hindi pa nananang-halian dahil wala kaming nahagilap na bigas at pang-ulam kagabi. Puro mga gamot, tubig at tinapay lang ang mga nakuha namin.




"Hindi ka ba nag-aalala?" Biglang tanong ko na ikinalingon niya naman.





"I'm guilty." Saad ko pero hindi ko sinabi ang dahilan at ang ginawa ko kagabi kung bakit siya ngayon narito kasama ko at hindi ang babaeng pinakamamahal niya na si Avery.






"Saan naman? Sa pagligtas sakin?" Tanong niya pa kaya naman napailing ako at tumikhim nalang.






"Yung mga kasama mo." Pag-uumpisa ko at dumiretso ng upo.





"Wala ka bang balak hanapin sila?" Dagdag ko pa dahilan para makita ko kung paanong lumaylay ang balikat niya. Nakaramdam ako ng kaonting kirot dahil alam ko namang ganoon ang magiging reaction niya.





"Meron. Nag-aalala ako sakanila, lalo na kay Avery. Tss. Malamang hindi siya nakainom ng gatas kagabi at nagpuyat nanaman siya." Kunot noong sambit niya at saka sumandal sa sandalan ng couch. Napaiwas naman ako ng tingin.





"Kailan mo sila balak hanapin?" Tanong ko pa.





"May balak ako, pero hindi sa ngayon." Naglapat ang labi niya saka siya saakin tumingin at ngumiti.





"Bakit naman? Mas maganda kung maaga mo silang makikita. Malamang ay nag-aalala na ang mga iyon saiyo." Sambit ko at muling iniiwas ang tingin.



Ang totoo ay wala akong kasiguraduhan kung buhay pa ang mga kasama niya dahil nga doon sa ginawa kong pag-uutos kay Rex sa grocery store. That's why I'm guilty hindi sa ginawa ko, kundi kay Devoir dahil hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan at nalulungkot.





"Mas importante ka sa ngayon." Saad niya na nakapagpatigil saakin. Bahagya pa akong nagulat na napatingin sakanya at saglit na natulala nang dahil sa sinabi niyang iyon. Nakaramdam ako ng kaba at muli nanamang bumilis ang pintig ng puso ko. Isang beses pa akong napakurap at napaiwas ng tingin bago lunukin ang sariling laway.






Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now