(14): A Cat?

1.4K 88 3
                                    



2025 Metro Manila, Philippines
Thursday

Yves's POV
— 12:06:09 am —

MATAPOS ang isang napakahabang biyahe ay sa wakas nakahanap rin ako ng matutuluyan namin ngayong gabi. Tanging ako at si Mama nalang ang natitirang gising habang si Kuya Kiel at Avery ay nakatulog sa biyahe.






"Pwede na kaya dito?" Sinubukan ko pang suyudin ang paligid namin kahit masiyado ng madilim dahil inabutan na kami gabi. Ganoon nalang din ang takha ko dahil parang walang pakalat kalat na mga mababahong alipunga ay- nilalang pala. Ano ba kasing tawag nila doon? Zombies? Kingina ang corny naman kasi. Mas gusto kong tawagin silang aso dahil para silang mga nauulul sa tuwing nakakakita sila ng target.





"Pwede na dito, wala tayong choice. Masiyado na ding late at kailangan na nating magpahinga. Gisingin mo na yung dalawa sa likod at titignan ko muna yung loob ng bahay." Tugon ni Mama at hinablot ang flashlight niya at ang baril na napulot ni Avery sa may parking lot bago siya tuluyang bumaba ng sasakyan.





"Kuya, Avery, gising na." Paggising ko sa kanilang dalawa, hindi naman ako nahirapan dahil isang tapik ko lang ay talagang magigising kana hehe. Bakit? Kasi-




"Ano ba? Bakit kailangan manghampas?" Rinig kong reklamo ni Kuya napaatras naman ako. Luh. Hampas ba 'yon? Tapik lang kaya 'yon! Hina talaga ng gunggong na 'to.

"Ang hina hina no'n eh." Bulong ko pa, pero dahil matalas ang pandinig niya ay narinig niya pa rin talaga. Hanep ng tainga amp.






"Ang bigat ng kamay mo, anong mahina do'n?" Kunot noo niya pang reklamo, napa-make face nalang ako dahilan para lalo siyang maasar.






"Asan na tayo?" Nabaling ang atensyon ko kay Avery na gising na rin pala at ginugusot ang kanang mata.






"Diko alam kung saan 'to eh. Mahalaga may matutuluyan na tayo. Ayos ba?" Nakangiti ko pang tugon sakanya kasabay ng pagkindat na ikinatawa niya naman.



"Thank you for driving." Nakangiting sambit niya, tumango naman ako ngunit agad ding nangunot ang noo ko at bahagyang itinagilid ang ulo ko nang may mapansin akong itim na gumagalaw sa likuran nila.





"Ano 'yan?!" Kunot noong turo ko sa maliit na itim na nakahiga sa likod na couch ng kotse. Pareho naman nilang nilingon 'yon at mukhang nagulat rin sila nang makita iyon.







"Meow!" Mahinang ungol nito habang nakatingin saamin pare-pareho.


"Kingina, bakit may pusa diyan?! Saan 'yan nanggaling?" Nagugulat na sambit ko dahil hindi ko iyon napansin kaninang pag-alis namin.





"Siya 'yon!" Pareho naming nilingon ni Kuya si Avery nang sambitin niya 'yon. Ha? Kilala niya ba ang pusang 'yan?






"Where that cat came from?" Takhang tanong pa ni Kuya kay Avery na kinukuha na ang pusang itim na may-






"What the heck? Woah! Y-yung mata niya.." gulat na sambit ko habang nakaturo sa mga mata ng pusa. Ang isang kulay ng mata niya ay dark red at ang isa naman ay light blue. Wtf? Hindi pa ako nakakakita ng ganoong kulay nang mata ng mga pusa.






Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now