(20): Is it you?

1.1K 76 11
                                    

Metro Manila, Philippines
December 2025

Yves's POV
— 12:00:38 pm —

MATAPOS naming magpahinga galing ehersisyo ay napagkasunduan na naming dalawa ni Kuya Kiel na umalis ng bahay ngayong hapon.

"Sigurado ba kayo ngayon kayo sisibat? Aba e, napakadilim ng langit at mukhang may paparating na bagyo. Pwede namang ipagpabukas niyo nalang iyan." Kunot noong saad ni Mama habang bitbit pa si whitey na poker face lang kung makatingin saakin. Yabang ng pusa na 'to, pinakain ko lang ng isang box na lasagna feeling boss na. Batukan ko 'yan eh.



"Eh mas lalong hindi na namin mahahanap si Zerro kung ipagpapaliban pa namin 'to kinabukasan kapag dumating na ang bagyo. Mas mabuti ng ngayon na paulan-ulan pa lang, may tsansa pa." Sambit ko habang nakatingin sa labas na mukha ngang makulimlim ang langit. Balak namin ngayong hanapin ulit si Zerro kahit nung isang araw lang ay hinahanap namin siya. Wala e, kailangan naming hanapin hindi lang dahil pangako namin 'yon kay Avery, kundi sa kagustuhan talaga naming mahanap siya.




Speaking of Avery ay may sakit siya ngayon kaya hindi namin makakasama, palibhasa ay pinagod ang sarili kahapon kaka-ehersisyo gumamit ng mga armas nang hindi kumakain o umiinom manlang ng tubig, ayon nilagnat. May sayad din ata 'yon sa utak bukod sakin e hehe.




"Osiya, sige na. Lumarga na kayo para makauwi kayo ng maaga. Manguha rin kayo ng first aid supplies at mga gamot para may mapainom tayo ke Avery, eh baka naman mamaya mahanap niyo nga si Zerro maabutan niya naman itong si Avery na me sakit. Mayari pa tayo." Tatawa-tawa pang sabi ni Mama, kung ituring na din kasi ni Mama si Avery ay parang anak niya na rin, masiyado siyang maalaga saamin lalo na kay Avery. Korni amp. Ang lalaki na namin, kailangan pa alagaan.



"Ge, sibat na kame. Hoy ikaw whitey, be a good dog para may pasalubong ka sakin." Pag-pitik ko pa sa tainga ng itim na pusang nasa bisig ni Mama na wala nanamang ibang ginawa kundi ang magpa-cute. Sinamaan niya naman ako ng tingin atsaka sakin nagnganga-ngawa. Nakngtokwa! Hindi raw siya aso, pusa raw siya. Sinabi ko bang aso siya?!




"May sinabi ba akong aso ka? Sabagay mukha ka namang asong ulol tulad nung mga infected diyan sa labas. Hahaha!" Natatawa ko pang saad bago sila talikuran.



"Tara na, sa sobrang animal ng ugali mo, pati pusa nakakaintindihan mo." Sabat pa ni Kuya na nakapamulsa ang isang kamay at ang isa ay hawak ang susi ng campervan na gagamitin namin. Gusto kong iyon ang gamitin para kahit habang nasa biyahe kami ay makakahiga ako. Bakit? Dahil astig ako at wala kang pake.



"Pumunta muna tayong drug store." Saad ko habang hinuhubad ang leather jacket ko. Inilapag ko muna iyon sa kama atsaka ako naupo sa may sala. Si Kuya ang magda-drive kaya iintindihin ko muna itong baril na nakita ko dito sa isang collection ng Survival weapons. Hindi ko pa nagagamit kaya kailangan kong pag-aralan, mukhang magandang gamitin dahil kahit malaki ay magaan lang kapag binitbit. Hindi ko nga lang alam kung gaano kalakas kapag pinasabog ko 'to sa bungo ng mga infected sa paligid.





Lumipas ang minutong pagba-biyahe ni Kuya ay nakarating din kami sa isang tagong pharmacy. Lumalakas na din ang pagbagsak ng tubig ulan na kanina lang ay papatak-patak. Pareho kaming pumasok ni Kuya sa pharmacy at kinuha ang lahat ng kakailanganin na mga gamot at aid supplies. Hindi naman kami nahirapan makalabas dahil kakaonti lang ang nakakasalubong namin na mga infected at lahat ng iyon ay puro walkers pa kaya naman talagang easy-peasy lang saamin. Badtrip lang dahil basa na ako nang dahil sa lakas ng ulan. Letse pumili pa ako ng astig na damit mababasa lang naman pala.





Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now