(19): How?

1K 75 21
                                    

Metro Manila, Philippines
December 2025

Santy's POV
— 5:51:15 pm —

DAPIT-HAPON pa lamang at hindi pa sumasapit ng tuluyan ang gabi ngunit sumalubong na sa amin ang nagdidilim na langit at ang pakonti-konting patak ng tubig na nagmumula sa kalangitan. Tila ba ito ay nagbabadya ng isang malakas na bagyo. Ngunit pare-pareho namin iyong hindi binigyang pansin at patuloy pa rin ang kanya-kanyang paglalakad sa gitna ng kalsada kung saan ang daan patungo sa hindi namin alam kung saan ang patutunguhan.



"Saan tayo nito ngayon tutuloy? Hindi na tayo pwedeng bumalik sa tinutuluyan natin dahil sa mga bwisit na walking dead na 'yon." Reklamo ni Tana habang hawak-hawak niya ang baril niya't panay ang lingon sa kung saan-saan nagbabakasaling may mahanap na pwedeng matuluyan.




Kahit ako pa man ay nagulat sa nangyari kaya kami nawalan ng tirahan. Paano ay kaninang umaga lang umalis kami ni Devoir at Rio para maghanap ng makakain para sa mga darating pang araw, ang kaso ay minalas kami dahil hindi pa man kami nakakahanap ng mapagkukuhanan ay natyempuhan na kami ng mga undead creatures na noon pala'y mga nagtatago lang sa sulok ng mga store at building at agad kaming pinag-susugod.





Kamalas-malasan namang nakagat si Rio sa braso niya at ngayon ay hindi namin alam ang nangyari sakanya dahil nagkahiwa-hiwalay kami ng direksyon noong sana'y tutulungan ni Devoir si Rio pero tumakbo ito sa ibang direksyon. Kaya ang nangyari ay dapat kaming dalawa nalang ni Devoir ang babalik sa bahay ngunit naabutan namin sina Rex, Cass at Tana na tumatakno na rin pasalubong saamin sa daan at doon lang namin napansin na hinahabol na rin sila ng sangkaturbang mga Zombies.





Hindi rin nila alam ang dahilan kung bakit bigla nalang daw nagsilabasan ang mga iyon. Tahimik ang dating lugar namin ngunit hindi gaano ka-safe kaya naman hindi na ako nagtakha kung bakit ganoon nalang kadami ang humahabol sakanila kanina.




"Si Rio kaya, nasaan na 'yon? Bakit kasi iniwan ninyo eh." Sambit naman ni Rex na kunot na ang noo kanina pa simula nang makita niyang hindi namin kasamang umuwi si Rio. Ipinaliwanag naman ni Devoir ang nangyari pero imbis na kumalma siya ay lalo siyang naghumirantado sa galit nang malaman niyang nakagat pa pala ito sa braso pero wala manlang kaming ginawa.


"Sinabi naman sayo ni Devoir, hindi ba? Hindi namin siya iniwan. Nagkahiwa-hiwalay kami dahil nga sa ibang direksyon siya tumakbo. Hindi na rin naman namin siya masusundan dahil kapag nagkataon na sinubukan pa namin siyang puntahan ay malamang kami naman ang napahamak!" Kunot noong pagpapaliwanag ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng ulo ko kaya naman saglit akong napa-buntong hininga.



Ayoko sa lahat ay 'yung nagagalit ako, dahil baka mamaya ay masamain nila at hindi kami magkaintindihan, mapunta pa sa trayduran at lahat kami ay mapahamak.

"I'm sorry, don't worry hahanapin naman natin siya agad-agad. Sa ngayon ay kailangan muna nating maghanap ng matuluyan bago sumapit ang dilim. Delikado na dahil mukhang may paparating pa na bagyo." Mabilis na paumanhin ko nang mapansin ko na hindi na nagsalita si Rex. Alam kong galit at seryoso siya sa tuwing hindi na siya nagsasalita pa. Mas matanda ako sakanya kaya naman dapat kong intindihin ang nararamdaman at sitwasyon niya . . nila.




Nanguna na akong maglakad nang ni isa sakanila ay wala pa ring nagsasalita. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sarili kaya naman nauna na ako. Naramdaman ko namang sumunod saakin si Devoir at ganoon nalang ang takha kong tumingin sakanya nang hawakan niya ang wrist ko. Agad ko namang inialis iyon sa pagkakahawak niya at iniiwas ang paningin ko.




"Are you okay? It's not your fault. Huwag mong masiyadong isipin. Rex will be okay, mahahanap din natin si Rio." Mahinang pagpapakalma niya.





Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now