(12): I know you

1.3K 89 19
                                    




𝟸𝟶𝟸𝟻 𝙼𝚎𝚝𝚛𝚘 𝙼𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊, 𝙿𝚑𝚒𝚕𝚒𝚙𝚙𝚒𝚗𝚎𝚜
𝚃𝚑𝚞𝚛𝚍𝚜𝚊𝚢

𝚂𝚊𝚗𝚝𝚢'𝚜 𝙿𝙾𝚅
𝟷𝟸:𝟶𝟾:𝟷𝟺 𝚊𝚖 —

"Are you sure that you know him, Santy? Isn't he one of those stinky-deadly-creatures?"




"Well, tho he's attractive, I don't think that he's not infected, Santy. Look at his neck! We cant even tell if it's a bite or what. And.. omygash! His arm! It's bleeding!" I sighed.






"Stop being so hysterical, Tana. Kilala ko siya, just leave him to me. Asikasuhin niyo nalang 'yung mga nakuha nating pagkain at gamit kanina." Pagpapakalma ko sa kaibigan ko na wala ng tigil ang dada simula nang umalis kami sa dati naming lugar.






"Okay, fine! I'll go na, basta just scream and call us if something happen, okay?" Napangiwi naman ako dahil sa ka-oa-yan niya.






"Oo na." Nauubusang pasensya na sambit ko. Sinundan ko pa ng tingin ang pag-alis nito habang pakendeng kendeng kung maglakad. Napailing na lang ako dahil sa kaartehan ng babaeng 'yon. Ni hindi ko nga alam kung paano siya nagtagal sa magulong mundo na kinahaharap namin ngayon.






Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa lalaking ngayon ay tulog na. Nakita namin siya kanina nang dapat ay pupunta sana kami ng FCM, pero hindi na kami natuloy dahil bigla nalang dumagundong ang malakas na musika na nanggaling sa mart na iyon.






×××××××××××××××××

"Nasaan na sila Rex? Saka si coffee?" Tanong ko sa mga kasamahan ko nang hindi ko makita ang grupo nila Rex, pati ang pusa kong itim na si coffee ay hindi ko makita, dalawa silang magkasama at kinakabahan nanaman ako dahil mahilig humiwalay ang dalawang iyon saamin para gumawa ng kalokohan.




"Nauna na sila sa FCM, sila na raw ang kukuha ng mga pagkain at ibang kakailanganin natin. Kasama rin nila si coffee." Sagot naman ni Cass, isa sa mga babaeng kasamahan ko. Napatango naman ako bilang tugon at kahit papaano ay nawala ang kaba ko, ang akala ko ay may ginagawa nanaman silang kalokohan.






"Tara, sumunod na tayo." Pag-aaya ko sa tatlo ko pang kasama na sumunod sa FCM, ang pinakamalapit na mart para pagkuhanan ng mga kakailanganin namin.




Nang makarating kami doon ay nagtakha ako nang may makita akong apat na tao ang pumasok sa loob ng mart. Kaya senenyasan ko muna ang mga kasamahan ko na tumigil sa paglalakad.




Sino ang mga iyon? Survivor din ba sila?




Nabaling ang paningin ko sa isang sasakyan na itim na nakapark sa gilid kaya agad ko iyong pinuntahan, nagsisunuran naman ang mga kasama ko.




"Woah, may survivor!" Giit ni Cass nang pare-pareho naming makita ang isang lalaking prenteng natutulog sa loob ng sasakyan.




"Omg, ang gwapo!" Hindi mapigilan ni Tana ang pagtili nang makita ang lalaki, habang ako ay hindi na nakagalaw sa kinatatayuan ko nang mapagtanto ko kung sino ito.





Devoir.






Saglit na nag-alab sa galit ang puso ko bago muling sulyapan ang entrance ng FCM kung saan pumasok ang apat na tao kanina. Mukhang alam ko na kung sino ang kasama niya.





Lockdown Z [Survival Begins] Место, где живут истории. Откройте их для себя