(9): Sunset Battle

1.4K 109 21
                                    

𝙻𝚞𝚖𝚒𝚎𝚛𝚎 𝚁𝚎𝚜𝚒𝚍𝚎𝚗𝚌𝚎, 𝙿𝚊𝚜𝚒𝚐, 𝙼𝚎𝚝𝚛𝚘 𝙼𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊

Avery's POV
- 𝟼:𝟹𝟶:𝟶𝟷 𝚙𝚖 -

ISANG buntong hininga ang aking pinakawalan nang sunod-sunod naming marinig ang takbuhan at atungal ng mga Zombies sa labas nang tuluyan nang makalabas sila Tita Ana at Zerro.





"Tara, tara, tara! Bilis!" Nangibabaw ang boses ni Yves sa aking pandinig dahilan para mabalik ako sa katinuan at lakas loob na sumunod kay Yves, habang si Kiel naman ang nasa likuran ko.





Sumandali pa muna kaming sumilip sa labas at sinigurong walang mga kalaban at tila nabawasan ang kaba na kanina ko pang dala-dala nang makita namin na wala ni isa ang naroon kaya naman mabilis kaming nagsi-kilos at nagkanya-kanyang takbo at hanap ng matino at malaking sasakyan na sasapat saaming lima.





Ngunit lahat ata ng nakikita ko ay kung hindi tumba at wasak na ay masiyadong maliit at wala pang susi.




"Ano ba naman 'yan! Mga bulok! Wala manlang maayos-ayos ang kingina!" Rinig kong bulalas ni Yves nang wala rin itong mahanap, si Kiel naman ay hindi ko alam kung nasaan. Magpapatuloy na sana ako sa paghahanap dahil kaonting oras lang ang mayroon kami pero nangunot ang noo ko nang may maapakan ako na kung ano kaya mabilis ko itong tinignan dahilan para ikagulat ko nang mapagtantong baril ito.




"Ikaw ba Avery, may nakita ka diyan?" Tanong ni Yves kaya naman mabilis ko siyang sinagot na wala atsaka pinulot at ibinulsa ang baril kahit hindi naman ako marunong gumamit nito.





"Alam mo ba?" Muli akong napaharap kay Yves nang lumapit ito sa akin.




"Nakita ko si Zerro kanina sumandok ng tubig sa inidoro, kadiri ang kingina. Tapos ang malupit pa non, nilagyan niya ng kaonting gatas na natira sa may kabinet, saka niya hinalo gamit yung daliri niya. Hahahaha putsa, ininom niya ba 'yun? Lakas din ng topak ni Zerro, 'no?" Tatawa-tawang sambit niya, pero dahan-dahan ay nagkasalubong ang dalawang kilay ko.





Tama ba ang narinig ko?




"Ano kayang lasa ng tubig sa inidoro? Hahahaha!" Humagalpak siya ng tawa, at nang dahil don ay nangasim ang pagmumukha ko at pakiramdaman ko ay masusuka ako.




Kadiri! Kung ganon, iyung pinainom niya sa akin kanina ay tubig na galing sa inidoro?! Anak ng! Kaya pala lasang inidoro 'yun, bwisit ka talaga Zerro!




"Asan na ba si Kiel? Taena! Sabi ni mama, tatlong minuto lang. Limang minuto na ata tayo dito." Dagdag pa ni Yves sa kanyang sinabi habang sinisipa ang mga sasakyan na nakikita niyang hindi mapapakinabangan.





"I'm here! May nakita ako dito!" Pareho kaming napalingon ni Yves sa direksyon ni Kiel nang marinig namin ang sigaw nito habang kumakaway, kaya pare-pareho kaming napangiti at hindi na nag-dalawang isip pa na puntahan ang sasakyan na nakita ni Kiel.




Ngunit mukhang minamalas yata ako dahil pagka-hakbang na pagka-hakbang ko ay nagulat ako nang may humila sa paanan ko mula sa ilalim ng sasakyan dahilan para matumba't mapahiga ako.




Lockdown Z [Survival Begins] Where stories live. Discover now