Chapter 57: Skype

30 2 0
                                    

LAINE POV

Kinabukasan maaga kaming pinauwi dahil kuhaan lang naman talaga ng resulta ng exam ang mangyayari.

Nagpapasalamat ako sa boyfriend slash tutor ko dahil napasa ko lahat ng subjects. Ganon din sila Zake, Raine, Army at Cedric.

Kasama ko Army na pumunta sa Guidance Office. Inaasahan ko na makikita ulit namin ang masungit na guidance councilor na nakausap namin nung nakaraan, pero nakahinga kami ng maluwag dahil lalaking teacher ang bantay doon.

"Good Afternoon, Sir"
Bati namin. Tinanguan niya kami at hinarap. Mukha siyang mabait kahit may edad na.

"Good Afternoon din. Why are you here? Kanina pa nag-dismiss ah?"
nagtatakang tanong nito sa'min. Hinila ako ni Army paupo sa nakaabang na upuan para sa'min.

"Sir. Pwede po ba namin makita yung file ni Cheene at Alexander Liham Navarette po? Magpinsan po sila."
magalang na sabi ni Army. Nakangiting tumango si Sir at sinimulang maghanap sa student's file.

"Mabuti pa si Sir, mabilis kausap."
bulong ni Army.

"Kaya nga"
mahinang sagot ko.

Nang mahanap niya ito ay agad niyang iniabot sa'min. Kinuha ko agad ang profile ni Liham samantalang hinawakan ni Army ang kay Cheene.

Pinasadahan ko ng tingin ang nakasulat sa papel.

Katulad kay Samantha, nakalagay din dito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kaniya. Binaba ko ang tingin ko at nakita ang stamp mark na kagaya na kagaya kay Sam.

Dropped Out

"Laine, Drop na si Cheene."
kalabit sa'kin ni Army. Nagpalit kami ng papel at napatunayang wala na silang dalawa dito sa school.

Katratransfer lang nila. Balak ba nilang magpalipat lipat hanggang sa makatapos?

"Pinull out na nila ang grades nila."
Sabi ni Sir. Binalik namin sa kaniya ang tingin.

"Pinakiusapan nga ako ng mga MDT na huwag payagan si Mr. Navarette na magdrop."

Oo tama. Member si Liham ng MDT kaya siguradong malaki din ang panghihinayang nila sa kaniya. Magaling si Liham na mananayaw. Nakita ko na iyon.

"Ganon po ba Sir? Sige po salamat."
Ngumiti ako at tumayo na. Malinaw na sa'kin na umalis na ang dalawa.

Okay sana kung si Cheene lang ang umalis. Ang creepy kasi ng ugali ng isang 'yon. May hinala pa rin ako na siya ang nagkulong sa'kin sa CR nung pumapasok pa sila ni Liham.

"Thank you po, Sir."
Paalam din ni Army bago kami lumabas. Nakangiting tumango lang si Sir at nag-ayos ulit ng mga documents na nasa table niya.

Lumabas kami sa Guidance. Nakayuko ako habang naglalakad.

"Ang bilis niyo naman."
Salubong sa amin ni Cedric.

"Iba ang nagbabantay eh."
Kibit balikat na sagot ni Army. Nakangiting tumango ako nang binalingan ako ni Cedric ng tingin.

"Una na pala 'ko."
Paalam ko sa dalawa.

"Si Zake?"
Hanap sa'kin ni Cedric. Nauna na yata iyon. Dadaan ako ngayon sa condo niya at kay Raine.

Tumango silang dalawa at nakangiting kumaway sa'kin.

"Take care."
Simpleng usal ni Cedric. Tumango ulit ako at kumaway din kay Army bago tuluyang tumalikod.

Mabigat ang naging bawat paghakbang ko. Mula nung isang gabi ay hindi pa tumatawag si Kenzo. Nasan na kaya ang isang 'yon?

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora