Kabanata 12

143 86 10
                                    

Kabanata 12
The Story Behind



LAINE POV

Natulala ako sa may edad na lalaking nasa harapan ko. Nakasuot siya ng asul na polo at nakamaong pants. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon. Ang lalaking hinahanap ko. Yung lalaking laging naka-display sa picture frame sa kwarto ko.

Naramdaman ko agad ang pag-init ng mata ko.

"Anak-"

"Ma, sino siya?"
Agad na sagot ko. Hindi ko alam ang dapat sasabihin. Lumayo ako kay mama na ngayon ay hawak hawak ang braso ko. Gusto kong magmaang maangan ngayon dahil kahit sigurado ako, ayokong umasa. Naalala ko ulit ang sinabi sa'kin ni Zake. Bumalik na naman ang nakalimutan kong sakit.

"Anak."

Tawag sa'kin ng lalaki. Oo, alam kong tatay siya ni Zake. Si Mr. Bellin. Hindi naman masamang magpanggap na walang alam diba?

"Anak? Okay lang po ba kayo?"
Sarkastikong tawa ko.

Ewan ko kung nakakainsulto ang tanong ko o nakakawalang galang pero wala eh, yan ang gustong lumabas sa bibig ko. Ang alam ko lang ngayon ay galit ako. Nasasaktan ako. Nalulungkot ako.

"Laine makinig ka... Siya ang tatay mo!"
Galit akong lumingon kay mama matapos niyang ipagdiinan sa akin ang mga salitang iyon.

"Ma, ano ba?!"
Hindi ko napigilan ang magtaas ng boses.
Tinabig ko ang kamay ni mama na nakahawak sa'kin. Nang bitawan niya iyon ay lumayo ako sa lalaki.

Lumunok ako para pigilan ang pagpiyok ng bosed ko kung mangyayari man. Nanghihina na naman ako.

"Kahit kailan wala akong tinuring na tatay! Kahit kailan wala akong tinawag na papa. Tapos ngayon kung kailan kaya ko na ang sarili ko tsaka ekeksena 'yang TATAY ko!?"
Hindi ako nagdalawang isip na tignan ang lalaki sa harapan ko.

"Bakit? Tuturuan mo ba akong maglakad? Papabasahin mo ba ulit ako ng alphabet letters? Kukunin mo ba yung card ko sa school? KAHIT KAILAN WALA KANG GINAWA.. HINANAP MO BA KAMI??? HINDI DIBA?? KASI WALA KANG KWENTANG AM-"

Pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan nang makatanggap ako ng malakas na sampal kay mama. Hinawakan ko ang pisngi ko at hindi na napigilan ang pagbuhos ng luha.

Ngayon lang niya ako sinampal. Akala ko ba masaya kapag makita mo na ang tatay, pero bakit doble ang sakit nang makita ko siya? Para idiin sa'kin ang katotohanan?

"WAG NA WAG MONG PAGSASALITAAN NG GANYAN ANG AMA MO!! Una sa lahat wala kang alam!"
Pahina nang pahina ang pagsasalita ni mama. Nagsimula nang tumulo ang luha sa mga ni mama. Kasalanan ko bang wala akong alam? Kasalanan ko bang sa tuwing magtatanong ako tungkol dito, isang pilit na ngiti lang ang ibibigay niya sa'kin??

"Kasi kahit kailan hindi ka naman nagkwento ma."
Pinunasan ko ang luha ko. Umiiyak ako dahil sa nag-uumapaw na emosyong nasa loob ko. Ako pa ang mali? Ako ba?

"Lannie, ako na ang kakausap."
Sabi ni Tito Zhary. Mukhang hindi ko kaya marinig ang lahat ngayon. Wala ako sa wisyo para gumalang dahil konti nalang bibigay na 'ko.

"Hindi na 'PO'. Next time nalang kapag may gana na ko." Mapait akong ngumiti.
Pinunasan ko ang panibagong luha sa mukha ko at nagsimula tumalikod at maglakad.

"Isang araw nagkaroon kami ng problema ng nanay mo, ni Lannie. Doon ko nalaman na pinagbubuntis ni Lannie ang magiging anak namin at ikaw yun. Kaso nang malaman ng nanay ko, ng lola mo. Marahas niya kaming pinaghiwalay."

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now