Kabanata 3

278 122 90
                                    

Kabanata 3
Baguio



LAINE POV



"Kuya!! bilisan mo maliligo na 'ko!"
binulabog ko na yung pinto ng CR ko ewan ko nalang kung hindi pa siya lumabas dyan

"WAIT LANG, NAGBIBIHIS NA 'KO!"
Sigaw niya sa'kin pabalik.

I just heaved a sigh nang makalabas na siya. Bakit kasi sa kwarto ko pa naliligo!
Pagkalabas na pagkalabas niya nakita kong may sabon pa yung tainga niya. Pfft! gusto ko siyang tawanan pero wala akong oras pa.

Hinila ko na siya palabas.

"Dalian mo naman kuya!"
Naghulos dili akong makapasok sa cr.







"Anak bilisan mo kanina pa naghihintay yung dalawa sa baba."

Narinig kong kumatok si mama sa pintuan ng kwarto ko. 


Bakit kasi sila nandito? Sabado kaya ngayon.
Wala naman kaming napag-usapan ni Espren na aalis kami tsaka ang aga aga pa kaya duh!

Natigilan ako sa pananalamin dahil naalala ko ang mga salitang sinabi sa akin ng hayop na Ramirez.

"Opo ma, pababa na."
Inayos ko na lahat. Sumulyap pa ako sandali sa salamin para masigurong maayos ang itsura ko.
Pagkababa ko, hindi nga si mama nagsisinungaling dahil nakita ko pa rin silang naghihintay.

Ngumiti sa akin si Zake samantalang tinanguan lang ako ni Ramirez na tila bagot na bagot kahihintay sa'kin.

Tinignan ako ng makahulugang tingin ni Espren at pasimpleng nginunguso nguso si Kenzo. Parang bigla namang pumintig ng husto ang puso ko sa tingin niya sakin.

Nagkibit balikat ako at pinahiwatig na hindi ko rin alam kung bakit nandito ang isang 'yon.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at nagtatakang pumustura sa harapan nila.

"Anong ginagawa mo dito?"
Namataan ng paningin ko si Kenzo. Tinignan niya lang ako na parang boring na boring siya sa buhay niya na nasa bahay ko siya ngayon.

Parang biglang nailang akong tumingin sa kaniya dahil naalala ko ang magaan at mabilis na pagdampi ng labi niya sa'kin kahapon. Hays Laine naman! sa dinami dami mong pwedeng alalahanin yun pa talaga.

"Tss. Obviously I'm sitting."
Wirdong sagot niya. Napaawang ang itaas na bahagi ng labi ko dahil sa naging sagot niya.

Aba letse to ah!

Hindi makapaniwalang lumayo ako sa gawi nila at lumapit kay mama. Ayokong mabadtrip lang ang umaga ko dahil sa pilosopong kausap kagaya ng lalaking 'yun.

"Ma alis na ko, sa labas nalang ako kakain."
Kumunot ang noo niya kaya dali dali kong tinuro ang dalawang lalaking naghihintay sa akin. Siguro ay nagtaka siya kung bakit ako aalis e samantalang wala naman kaming pasok.

Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong sabihin kaya tumango nalang si mama.
Tumingin ako kay kuya dahil parang hindi siya makalabas sa kusina dahil sa dalawang lalaki sa labas.

Naalala ko na dating kaibigan niya si Kenzo, hindi kaya naiilang siya?
Kung ano man 'yon ay hinayaan ko muna at hindi pinansin.

"Sige mag-iingat kayo ng batang iyon."
Agad sinundan ng mata ko ang nginunguso ni mama.
Halos manlaki ang mata ko dahil nakatingin siya kay Kenzo at ngayon ay nakangiti naman kay mama.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now