Chapter 27: Sexy Dance

114 62 2
                                    



Laine POV



"Kuya!!"


"Oh??"


"Pasagutan naman ako nito plss!! Malelate na kami eh"
Kahapon ko pa kasi hindi masagutan yung math problem na yan! Pesteng Algebra yan! Hindi naman yan kailangan sa future ehh maliban nalang kung ganto ang mangyayari..


L a i n e 's  d a y d r e a m

"Ate pabili nga po ng kangkong"

"Ilan iha?"

"Dalawang xy po. Magkano po?"

"5xy lang iha isang tali"

~~~~~~~

"Kuya pasuyo po ng bayad"

"Saan galing to?" Driver.

"Kasasakay lang po. Magkano po pamasahe?"

"10mn(2xy)"

"Ahh ok po ito po bayad"
Tingin sa pera

P.20mn

E n d  o f  L a i n e 's   D a y d r e a m i n g




>>__<< jusko mahihilo ako kapag ganon ang mangyayari sa future!
Pero sa realidad! Dapat hindi na tinuturo yan eh, Addition Subtraction, division, at Multiplication lang dapat! Ang daming tinuturo makakalimutan din naman yan!


"Oh bakit nakasimangot ka pa?"
Nagtatakang tanong ni Kuya habang inaabot sakin pabalik yung notebook ko.


"Wala may naisip lang"


"Hahaha ang lalim ah"
Tinago ko yung notebook ko sa bag at nagready na.


"Psh! Sige na kuya salamat"
Lumabas ako sa kwarto niya at tinawag si Raine na nagsusuklay pa lang.



"Hoy! Raine! Dalian mo"
Bumaba na ko at nakitang nag aayos na si mama ng pinagkainan namin.


"Ma alis na kami"
Humalik ako sa pisngi ni mama


"Sige anak ingat ha! Si Zake hindi kayo susunduin?"
Umiling ako.


"Hindi ma maaga pumasok yun eh. Naghahanda sa sasalihan niya"

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now