Official First Date 2

118 48 3
                                    

Raine POV

"Saan sila pupunta?"
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Letchheee!!!

"Bakit bigla bigla ka nalang nagsasalita?!!!" Pinalo ko siya nang mahina sa braso niya.
Tumawa si Zake at kinamot yung ulo niyang may kuto!! Hehehe de joke lang peaceeee yowww!!!

"Eh bakit ka kasi nandito?!" Nagpamewang siya sa harap ko. Sa part na yun, hawig na hawig niya dun si bes haha.

Hindi ko lang maiwasang magtampo sa babaeng yun! Mula nung nakauwi ako she never try to have a date with me.

Poor me!! :(

"Ehh aalis kasi sila eh. Ayokong maiwan sa bahay nila Laine."
I said while pouting my lips. He looked at me like his not believing.

Tapos bigla siyang ngumisi. Ngiting aso

"Tsk. Iba na yan Raine ah, baka naman hinahanap hanap mo na ko"
Tinignan niya ko nang may nakalolokong ngiti. Napaatras ako sa paglapit niya.

Unti unting tumaas yung kilay ko at tinulak siya ng mahina

"Spell. Y-U-C-K mister??!! Are you out of your not-so-smart-mind?"
Kunyaring nagsuka-sukahan ako sa harap niya.

"Hahahaha yakk ka din! Bakett?!! Bawal magbiro ha??!"
Natatawang usal niya.

"Nakakatuwa naman kase talaga yang biro mo noh. Dalawang taon lang akong nawala lalong umiral yang pagka-ano mo haha"

"Pagka-ano?!"

"Pagkapilyo!!"
Binelatan ko siya.
Tumakbo ako papasok sa bahay nilang malaki, mas malaki to kumpara kila bessy.

"HOYY ABA! NAUNA KA PANG PUMASOK!!"
Natawa ako sa sigaw niya. Narinig kong sinara niya yung gate nila, Kilala naman na ko dito tsaka alam naman na nila na makapal talaga ang mukha ko hehehe.

"Hiiiiii Baby Zaineee!!!"
Lumuhod ako at sinalubong ang napacuteee at bibongggg anak nila Zake at Laine, si Zaine.

"Awrff! Awrff!"
Dinilaan niya yung kamay ko.

"Ohhh it's nice to see you too baby!!" Kinarga ko siya at hinele na parang bata hahaha.

"Hoyy baliw bitawan mo nga yan! Bahala ka ihian ka niyan hahaha"
Nilapag ko si Zaine at bigla ba namang tumakbo papunta kay Zake.

Tumalon ito na parang ngayon niya lang nakasama ang amo niya, samantalang lumabas lang naman sandali si Zake.

"Nasan mom mo?"
Tanong ko. I just notice na walang sumasalubong sakin ngayon sa bahay nila. Well kapag nandito si tita, every time na may bisita, siya ang nagbubukas ng pinto.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now