Chapter 50: Favor

52 11 1
                                    


~~

F l a s h b a c k

Hininto ni Kenjie ang sasakyang kaniyang minamaneho nang napansin ang dating kaibigan na nakaupo sa labas ng kanilang bahay habang nakatapat ang hawak nitong cellphone sa tainga niya.

  Tila may sinusubukan itong tawagan.

Napailing na lamang siya nang maisip na pinahihirapan nito ang sarili niya dahil pwede naman niyang kausapin ang kapatid sa personal.


Anong trip ng isang toh?

Sa isip isip niya.



Bumaba siya sa kotse niya at maangas na dumaan sa harapan ng binata.


"Kanina ka pa ba dito?" Maangas niyang sabi ngunit sa loob loob nito ay nag-aalala din siya

"No."
Matipid nitong sagot sa kaniya.


"Bakit ka ba nandyan? Pwede mo namang puntahan ang kapatid ko sa loob"
Napasinghap ang kausap niya sa sinabi ni Kenjie. Tumayo mula sa pagkakaupo si Kenzo at humarap sa kapatid ng nobya.

"Actually I'm here to talk to you"
Hindi niya naiwasan ang pagkabigla sa narinig niya mula rito. Sa tinagal tagal kasi ng panahon ay mukhang ngayon lang sila makapag-uusap ng sila lamang.



"Hibang ka ba? Kita mong kagagaling ko lang sa trabaho, pagod ako"
Agarang nasabi niya iyon sa kausap. Sinimulan niya ulit ang maglakad ngunit pinigilan siya ni Kenzo.

"Just for this once. Gusto kitang makausap"
Hindi talaga mapigilan ni Kenjie ang magtaka dahil ngayon lang nagpakababa ang dating kaibigan niya. Madalas kasi ay mahangin itong kausap kapag silang dalawa lang.

"Tsk"
Hindi na siya nag-abalang pumasok pa sa loob ng kanilang bahay at sumunod sa kausap na lalaki na ngayon ay nagsisimula nang maglakad .

Kung makaasta parang magkasing-edad lang kami.

Iiling iling na sabi nito sa kaniyang isipan.




Hindi rin nagtagal ay huminto si Kenzo sa isang parke kung saan ito ang pinakamalapit na lugar para makapag-usap sila.

Halos wala ng tao dito dahil madilim na ang paligid, tanging iilang street lights nalang ang nagpapaliwanag sa lugar na 'yon.

Umupo siya sa mahabang upuan kung saan maaaring magkasya ang limang taong uupo doon. Kasunod niyang umupo si Kenjie na halata sa mukha niya ang pagkabagot.



"Sabihin mo na ang sasabihin m-"
Natigilan siya at napasimangot dahil sa pagputol ni Kenzo sa kaniyang sasabihin.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora