Chapter 28: Surprise failed

97 60 2
                                    




Zake POV



"Pamilya

Isang bagay na hindi dapat hinahayaan.
Hinahayaan umalis at iwan ka sa inyong tahanan.
Mahalin sila, sa utak isaksak
May nanay, tatay, anak at ibang kamag anak
Ayan ang katangian ng pamilyang matatag
Matatag kahit ilang pagsubok, problema at trahedya ang dumaan.
Kahit magkahiwalay pero patuloy ang laban.
Paalisin, palayasin ka at ipagtabuyan
Pero nandyan ang salitang mahal para ika'y ibalik at damayan.

Masaya na parang sasabog ang puso sa ligaya
Na may tatay at nanay na gumagabay sayo sa Tuwina
Na mauupuan at masasandalan mo na parang silya.
Mapupuno ng yakap at halik ang iyong mukha
At sasabihan ka ng mga salitang 'anak mahal kita.'

Kapatid na aagapay sa likod mo
Kapatid na mahihingian mo ng payo
Kapatid na hindi magsasawang sumuporta sayo
At gagawin ang lahat mapasaya lamang ang kapatid na matigas ang ulo.
Hindi man laging nasasabi ang mga salitang 'mahal kita' sa iyo
Pero tandaan mo kaya niyang iparamdam ang salitang minimithi mo.

May nanay, tatay, anak at ibang kamag anak

Iyan ang katangian ng pamilyang matatag

Nagkahiwalay man o magkasama
Iisa ang dugong dumadaloy sa katawan ng bawat isa
Dugo na nagsasabing kapamilya kita
Na magpaparamdam ng salitang kilala kita
Magpapakita ng senyales na ikaw, ako, tayo ay iisa.

Pareha o iba man ang pinagmulan
Pareha o iba man ng magulang ikanalakihan
Pareha o iba man na mundo ang kinabilangan
Darating ang panahon na magkikita kita at sa huli ay magmamahalan

Ang pamilyang nagkalayo
Ang pamilyang hindi nagkita at nagtago
Ang pamilyang nakahiwalay at hindi pamilyar sayo.
Ang pamilyang puno ng sikreto at misteryo
Sa isang iglap nagkasama sama at nangakong hindi na muling magkakalayo."


Ngumiti ako matapos kong bigkasin ang spoken poetry ko. Oo na! Wag niyo kong sisihin kung hindi kagandaan yang ginawa ko! Masisise niyo ba ko?


Ehhhh sa..



Walang inspirasyon eh!



"Thanks you for sharing that Mr. Bellin, remember na sa friday ang final speaking ha, After class hour. Im expecting na before 7am nasa Conference Room na kayo. Okay?"


"Ok po maam"
Sabi ng iba kong kasama. Magagaling din sila eh, pero MAS ako!
Hahaha


"You can go, leave now"
Lumabas na ko sa faculty ni Maam Perez.


"Oyy"


"Oyy ka din"
Maka-oyy to ah. Haha si Samantha, kasama ko siya sa Spoken Poetry at kahapon ko pa lang siya nakausap pero kung maka-oyy tong babaeng to.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant