Kabanata 10

181 91 45
                                    

Kabanata 10
Truth






LAINE POV


"Tara na, Zake!"

Pagkatapos kong magpaalam kay mama ay lumabas na ako ng bahay. Nakapagtataka lang dahil ngayon lang si Zake hindi pumasok sa loob. Nahalata ko din ang pamumutla niya kanina pa, maging si mama ay nagtaka.  "Ang tagal mo naman.Reklamo niya. 

Hindi ko pa rin maintindihan ang pagbabago ng ugali niya pero ngayon sigurado akong nasa normal na naman siya. Hanep! Ako pa daw ang matagal!

"Bakit kasi ayaw mong pumasok?? Problema mo?"
Kumamot siya sa ulo at umiling.

"Wala wala, tara na."
Nagsimula na siyang maglakad. Tignan mo 'to! Kinakausap tapos... hays kabastusan talaga.

"Ewan ko sa'yo. Napapansin ko na hindi ka na nag oopen sa'kin about diyan sa problema mo. Bahala ka nga dyan!"
Kunyaring pagtatampo ko. Inunahan ko siya sa paglalakad. Sa totoo lang ay malaki talaga ang pagbabago niya, hinahayaan ko nalang din na maging ganyan siya sa'kin atleast ngayon medyo pinapansin na niya ako. Minsan nakakatampo talaga pero nawawala din kapag kinakausap niya ako. Kahit anong gawin ko wala, e malakas talaga siya sa'kin.

 Sa kanya ko pa man din dinedicate yung spoken poetry ko para mamaya.

"Hoy! wait-" Napaigtad ako at agad napatigil sa paglalakad nang biglang may humintong kotse sa harap ko. Pati ang pagtawag sa'kin ni Espren ay nahinto din.

"JUSKO!!"
Napahawak ako sa dibdib ko. Bwisit! Kanino bang kotse ito at bigla bigla nalang bumubusina?! Wala ba siyang manners? Ke ganda ganda ng kotse niya, e.

"Kenzo!"
Patakbong sigaw ni Zake habang dahan dahang bumababa ang tinted window ng kotse na nasa harapan namin. Lumapit si Zake dito at kumaway. Aba!

"Tara sabay na kayo."
Narinig ko na naman ang boses ng hinayupak. Umagang umaga makikita ko agad siya nako naman! Paniguradong maninira lang 'yan ng araw. Kaya pala kung makabusina parang walang modo ang may-ari. Lumabas siya at binuksan ang pintuan ng kotse niya. Yung totoo? Nagmamayabang ba siya na may kotse siya? O ganyan lang talaga siya mag magandang loob? 

Well kung ganon nga, akala ko wala siyang asukal sa katawan eh.

"Ang tagal naman."
Napairap ako sa kawalan dahil sa bilis ng pagrereklamo niya. Binabawi ko na, wala pala akong sinabi. Wala pa ngang isang minuto 'yung paghihintay niya nainip agad siya?

Kasing bilis ng pasensya niya ang pagsakay ni Zake sa loob. Nakita ko nalang na nakasakay na siya sa passenger seat samantalang sumunod din na pumasok si Kenzo.

"ABA! WAIT LANG TAKTE!!"
Patakbo akong lumapit sa kotse dahil sinimulan na niyang buksan ang makina nito at isara ang binuksan niyang pinto. Seriously? Iiwanan nila ako dito? Napatingin na lamang ako sa sasakyang papaalis na sa harapan ko bago ko pa malapitan habang kumakaway ang kaliwang kamay ni Espren.

Huminga ako ng mariin para pigilan ang inis ko. Umagang umaga Ramirez! Pinapainit mo ang ulo ko. Bahala kayo maglalakad nalang ako! Kaya ko namang lakarin 'yon tutal medyo malapit lang ang Madallon. Letse talagang Ramirez 'yon!

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now