Kabanata 11

158 86 8
                                    

Kabanata 11
Poetry


LAINE POV

Iba't ibang tula ang narinig ko ngayong oras. Tungkol sa love, family, friends at mga problema nila. Hindi ko alam pero mukhang pinag-tuunan talaga nila ng pansin ang paggawa. Masasabi kong magaganda ang mga ginawa nila.

Oo, mas maganda pa 'yung sa kanila kumpara sa'kin pero mas kinabahan ako nang tawagin na si Zake sa harapan.
Palihim akong napahawak sa dibdib ko dahil nararamdaman ko na naman ang kakaibang pagtibok ng puso ko. Pabilis nang pabilis, parang puputok na ang ugat ko sa puso at biglang sasabok. Boom! Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa kung ano mang epekto niya sa'kin.

"Start now, Mr. Bellin."

Tumango si Zake at ngumiti sa gawi namin. Si Kenzo nagthumbs up pa na tila pinapagaan ang loob ni Zake. Close na yata sila ng sobra.  Nagsimula siyang huminga nang malalim at binasa ang nakasulat sa papel na hawak niya.


"Natutuwa ako tuwing kasama kita.
Sumasaya ako kapag masaya ka.
Kinakabahan tuwing darating ka.
Totoo. 'Yun ang aking nadarama."

Una palang napakunot na ang noo ko. Mas nagtaka ako. Ako ba yung sinasabihan niya?
H

indi naman sa nag a-assume ako, pero ilagay niyo naman ang posisyon niyo sa sitwasyon ko. Ako lang naman ang laging kasama niya at halos lahat ng babaeng lumalapit sa kanya wala naman siyang pakialam. Sige, sabihin niyo. HINDI KAYO MAG-A-ASSUME?!


Para bang lahat kami dito ay hinihintay ang susunod niyang sasabihin. Lalo na ako.

"Kumain ka na ba?
Nasan ka na?
Hatid na kita,
Ayan ang laging sinasabi ko, tuwing umaga"

Nanlaki ang mata ko dahil malapit nang mapuno ang checklist ko na ako nga talaga ang tinutukoy niya. Totoo kaya 'yang sinasabi niya?

"Yung bibig mo mapupunit na."
N

apalitan ng pagsimangot ang malaking ngiti ko sa biglaang pagharap sa'kin ni Army. Bakit ba hindi nalang siya manahimik?


Titingin pa dito sa likod, e. Kitang nasa harapan ang nagsasalita. Nakita kong sumulyap pa siya at ngumiti ng matamis kay Kenzo pagkatapos niya akong tignan.

"Psh!" Mahinang singhal ko. Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Zake. Ayokong may makaligtaan sa sasabihin niya ngayon.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now