Kabanata 13

156 82 23
                                    

Kabanata 13
Hotel


LAINE POV

Minsan may mga bagay na kailangang kalimutan nalang para maging ok ang lahatHinayaan kong tumulo ang mga luha pababa sa pisngi ko. Kaya pala madalas sabihin ng iba ang mga bagay na akala ko biro lang.

"Hoy Laine at Zake, H'wag nga kayong magsama mukha na kayong kambal hahahaha!"

"Laine, bakit parang tumatagal nagiging kamukha mo 'yang best friend mo??!"

"Whaaaa! ang cute niyo para kayong magkapatid."

Akala ko hindi totoo. Marami naman kasi akong nakilala na magkaibigan lang, hindi naman magkaano ano pero kapag laging magkasama parang nagiging magkamukha nga. Never kong tinignan sa salamin ang itsura ko at ikumpara 'yon kay Zake kasi para sa'kin biro lang ang lahat. Haybuhayy! Bakit sa dinami rami ng taong kakilala ko, bakit kami pa ni Zake? Bakit ako pa? Bakit siya pa? Aminado akong minsan nakakalimutan ko na may sparks pala akong gustong mangyari sa'ming dalawa.

Nakakalimutan ko minsan na gusto ko siya pero kapag nasa tabi ko siya masaya na ako. Madalas siyang magsalita at kahit ano pa 'yon, makabuluhan man o hindi, gusto ko lahat ng sinasabi niya ay naririnig ko. Gusto ko lahat sa kaniya kahit minsan nagtatampuhan kami, tanggap ko siya.

Hindi ko kasi sinigurado at tinanong ang sarili ko kung infatuation lang ba ang nararamdaman ko? O puppy love? O baka naman pangkapatid lang talaga ang pagmamahal ko sa kaniya? Kung ano man ito ay naguguluhan ako ng sobra sobra. Hindi ko nga nagawang mandiri na mahal ko siya in a romantic way though we're twins. Kambal pa talaga. Mapanlarong buhay.

Kailangan ko munang makausap si Zake. Kaso paano? Mukhang hindi ko siya kayang kausapin! Kung makakaharap ko man siya ngayon din ay hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan. Mahirap pero kailangan naming tanggaping dalawa. Kung pwede kong burahin lahat ng maling nararamdaman ko sa kaniya ay gagawin ko magkaayos lang kami. Mahirap man pero 'yun ang tama. Kailangan ko lang tanggapin ang lahat.



"EH GAGO KA PALA EH!! KITA MONG WALA AKONG GINAGAWA DITO OH!"

Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ko ang tunog ng isang bagay na bumagsak. Napahinto ako sa paglalakad at pinakinggan kung saan nagmumula ang away na iyon. Kung nagtataka kayo kung nasan ako, 'yun ay hindi ko din alam. Hindi ko namalayan kung saan ako naglalakad dahil sa mga iniisip ko.

"ANO BANG PROBLEMA MO??!!"
Napalingon agad ako sa pinanggagalingan ng away dahil sa boses ng taong pamilyar na pamilyar sa'kin. Natigilan ako nang makita ko si Zake. Naka-school uniform din siya at pagewang gewang ang pagtayo niya. Lasing ba siya? Nanlaki bigla ang mata ko dahil kaharap niya ang isang malaking lalaking nakasara ang kamao at halatang galit na galit pa.

"ZAKE!" Agad kong naisigaw ang pangalan niya dahil mukhang papatulan niya pa ang lalaki. Mabilis akong tumakbo patungo sa direksyon nila. Omygod! Kanina lang iniisip ko kung paano kapag nagkita kami tapos ngayon naman makikita ko siyang ganito.

"Zake ano ba! Tama na!"
Pag-aawat ko dito.

Hinila ko siya palayo doon sa lalaki na dinadaganan niya at pinagsususuntok. Halata ko na agad na galit siya dahil sa nakita kong nakayukom niyang kamao at ang talim ng tingin niya sa lalaki. Nakakatakot siya. Parang hindi siya yung Zake na kilala ko. Kakaiba ngayon ang dating niya. Nawawala siya sa sarili. "Z..Zake." Nanghihinang tawag ko sa pangalan niya.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now