Kabanata 14

158 80 18
                                    

Kabanata 14
Girly Stuffs



GAB POV

Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ako green minded noh! Sadyang sinabi ko lang ang nakikita ko. Nagulat kami dahil unti unting gumalaw si Zake. Ito namang kuya mo tulog tulugan pa ang peg.  Hindi namin inasahan ang dahan dahang pagtanggal ni Zake ng sinturon niya. Opss! Beybeh Spg muna.

"Hmmm ang init." Pag-iinarte ni Zake.

"A-auhmm." Pag-iinarte niya ulit.


Tinignan ko agad naman si Laine na namumula ang mukha. Halatang naiilang pa siya. Ang sarap nilang videohan ngayon tapos ipapanood ko kay Ken para maasar ko siya. Natatawa ako sa matalino kong utak.

Pero bago ko asarin si Kenzo, Si Laine muna dahil halatang hindi niya alam ang gagawin.

"Sige Laine una na 'ko. Tinignan ko lang talaga kung ok na kayo."
Pagkukunwari ko habang inaayos kunyari ang nagusot kong damit. Hmm? Hindi naman na ako magtataka kung pipigilan niya ako ngayon din. Siguradong hahabulin niya ako at magmamakaawa siya para mapalitan ko si Zake ng damit. Pustahan pa tayo, hindi niya kayang palitan si Zake ng damit mag-isa.

"Ahh..."
Mukhang hindi niya alam ang sasabihin. Ngumiti nalang siya sa'kin at tumango. "Sige. Ingat ka.Nahihiyang sabi niya pa. Naitaas ko naman ang isang kilay ko. 

Lumapit siya sakin para siguro ihatid ulit ako sa labas. Wait-Won't she stop me?

"Sigurado ka?!" Paninigurado ko. Nakita kong nagtaka ang mukha niya. Engot Gabby! Syempre magtataka 'yan kung bakit nagdadalawang isip kang umalis.

"Oo. Kaya ko naman 'to. Tsaka baka nakakaistorbo na sa'yo gabi na din oh."
She nods at me. Tumingin ako sa wrist watch ko, 10:13pm na. Oo nga naman. Mabuti pa siya naiisipan na nakakaistorbo sila, si Kenzo kasi hindi. Kumag na 'yon!

"Ahh hehe sige."
Bago ako umalis, sinulyapan ko muna ng tingin si Zake na ngayon ay nakabukas na ang zipper ng pantalon. Uh oh! 

Paktay tayo dyan! Spg na talaga dis!

"Ingat Gab, Salamat na din." Mahinang tumawa siya hanggang sa tuluyan na niya akong naihatid sa nakabukas na pinto. Patay din ako neto! Wala ba talaga siyang balak pigilan ako?Papagalitan ako ng kumag sa labas niyan, e.

"Hindi mo ba ako pipigilan??"
Mahinang bulong ko.

"Ano?"
Inosenteng tanong niya. Nag-isip ako kung uulitin ko pa ba o hindi pero sa huli napagdesisyunan ko ding huwag nalang ulitin.

"Walaaa! sabi ko enjoy kayo hehe."
Napakamot ako sa buhok nang tuluyan na akong makalabas ng pinto nila. Huwag lang sana ako makita ni Kenzo.  Dahan dahan niyang isinara ang pintuan matapos niyang kumaway. Nakaharap pa rin ako sa pintuan nila at pinakikiramdaman ang presensya ni Kenzo. Kumag kase talaga ang isang 'yon parang sindikato kung makapag-utos.

Dahan dahan akong lumingon sa gilid ko kung saan nakapwesto ang elevator.

"Nasan na kaya si Kenzo??-AYY!"
Nagulat ako dahil hindi pa ako nakakagalaw sa harap ng pinto nila Laine, nakita ko siya agad na may nilalarong tinidor at masamang nakatingin sa'kin. Yan na nga ba ang sinasabi ko. Ngumiti ako sa kanya ng pilit at kumaway hehehe.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now