Chapter XLII:

1.1K 71 3
                                    

Chapter 42: Anton Vs. Liu ye part 2

pinagaspas ng pulang dragon ang kaniyang dalawang malalaking pakpak at lumipad patungo sa direksyon kung saan nakatayo sila Liu ye.

"Magic Aura.." mahumalay na winika ni Liu ye at binalot ang buo niyang katawan ng liwanag.

si Wan er ay tumakbo at sinalubong ang pulang dragon, itinaas ni Wan er ang kaniyang braso at itinapat ang palad sa pulang dragon. "Void Gate!" sa harapan ni Wan er ay lumitaw ang isang malaking black hole.

hinigop ng black hole ang pulang dragon, at tumlon si Liu ye patungo kay anton.

"Magic Eye! Aura!" mula sa itim na mata ay mabilis na nagbago ito at naging ginintuan.

sasakalin sana ni Liu ye si anton, buti nalang ay agad na naka ilag si anton at tumalon paatras upang lumayo kay Liu ye. nilabas ni Chester ang kaniyang espada at sumugod kay Liu ye subalit sinalubing si Chester ng isang lalake na gumagamit ng sibat.

mabilis at sunod sunod nitong pinaulanan si Chester ng kaniyang sibat, pero walang hirap lang itong inilagan ni Chester. "mahusay ka.. pero kinalulungkot ko hindi mo maaaring  gambalain ang laban ni boss Liu ye kaya naman hayaan mong kalabanin kita, ako si Zao yhun, the lance master.." wika ni Zao yhun gamit ang lingwahe ng kabilang mundo.

"ako si Chester, subukan mo akong pigilan kung kakayanin mo.." sagot ni Chester.

ngumiti si Wan er kay William. "William, the destroyer.. ngayon wala na ang red dragon mo tignan natin kung gaano ka kalakas!" wika ni Wan er.

ngumiti lang si William. "Spirit Fusion!" wika ni William at binalot ng apoy ang buo niyang katawan.

"paanong nangyare?!" nagulat si Wan er at napaatras dahil sa takot kay William.

"ang red dragon ay isang spirit, gamit ang mana ay nagagawa ko siyang imaterialize.. kaya naman kaya ko siyang tawagin o isummon kahit nasaan pa man siya! Dragon Breath!" wika ni william at s kaniyang palad ay lumabas ang naglalagablab na apoy.

hindi na nagawa ni wan er na umilag, buti nalang ay agad na hinarang ng isang lalake ang apoy gamit ang kaniyang shield. "salamat Bambang.." wika ni wan er.

"ako na ang bahala sa kanila William tulungan mo si anton!" wika ni chris at nilabas ang kaniyang pana.
----------------

"yan pala ang Magic Eye.." wika ni Liu ye.

tumingin lang ng masama si anton kay Liu ye at hindi sumagot, ilang sandali ay nagsalita si Liu ye gamit ang kakaibang lingwahe pero nakakasiguro si anton na nagsimula na itong magcast ng magic, at tama nga ang kaniyang hinala at lumutang si Liu ye.

mula sa kalangitan ay muling nagsalita si Liu ye gamit ang kakaibang lingwahe at sa pagkakataong ito ay mas mahaba na ito at mas matagal, biglang naglitawan ang mga liwanag na hugis espada sa paligid ni Liu ye.

"[Ethereal Blade]" wika ni Liu ye at tinuro niya si anton, ang dulo ng talim ng mga espada na yari sa liwanag ay tumutok kay anton at mabilis na tumungo sa direksyon ni anton.

"Shit!!" bulalas ni anton. gamit ang magic eye ay sinubukan ilagan ni anton ang mga espada na yari sa liwanag.

sa tuwing tatama ang mga espadang ito ay lumilikha ito ng mga matitinding pagsabog, mabibilis ang ang mga espada at hindi sapat ang bilis ni anton para ilagan ang mga ito kaya naman tinamaan parin si anton sa binti, tagilirn, braso at balikat.

"arrrrgggh! heal!" agad na pinagaling ni anton ang kaniyang mga sugat, subalit bago pa man niya mapagaling ng tuluyan ang kaniyang sarili ay nagsimula ng muling magChant si Liu ye.

biglang naisip ni anton na maaaring ito na ang kaniyang katapusan. "LIU YE!!" sigaw ni William.

tila hindi inaasahan ni Liu ye ang pagdating ni William, sinuntok ni William si Liu ye at tumalsik pa si Liu ye at tumama pa sa mga gusali na lumikha ng matinding pagsabog.

mula sa mga guho ng gusali ay umangat si Liu ye at lumutang.

"William.. isa ka sa mga kinakatakutan sa kabilang mundo kahit na hindi ka nagtataglay ng Seven Deadly sins.. pero sa kasamaang palad dito na magtatapos ang kasaysayan mo.." tinaas ni Liu ye ang kaniyang braso at unti unting nagdilim ang kalangitan, unti unting naghiwa hiwalay ang mga ulap at mula sa mga pagitan nito ay lumitaw ang mga higanteng espada na yari sa liwanag.

"[Ethereal Punishment]" sinara ni Liu ye ang kaniyang palad at naghugis kamao at kasabay nito ay nagbagsakan ang mga higanteng espada na yari sa liwanag.

"[Divine Sacrifice]" wika ni William.

sa paligid ni anton ay binalot ng liwanag na hugis ulo ng isang dragon at sa harapan at gitna nito ay nakatayo si William.
______________________________________

Divine Sacrifice

- sacrifice yourself and receive all the damage, and grant invincibility to one person.
______________________________________

nagulat si anton sa skill na ginamit ni william, subalit wala siyang magagawa ito nalang ang natitirang paraan.

sa bawat higanteng espada ay lumilikha ng isang matinding pagsabog na kayang pabagsakin ang isang gusali na may 500 feet ang taas.

nang matapos ang pagbagsak ng mga higanteng espada at pagsabog ay naglaho na din ang liwanag na hugis ulo ng dragon na bumabalot sa paligid ni anton, at nakita ni anton na bumagsak si william at wala ng buhay.

narinig ni anton na tumatawa si Liu ye, marahil dahil nagdiriwang na ito ng makita niyang napaty niya si William.

napaluha si anton hindi dahil sa kawalan ng pag-asa kundi dahil sa matinding galit na namumutawi sa kaniyang puso, nagagalit si anton dahil wala man pang siya nagawa at sa isang iglap ay mabilis na namatay ang isa sa kaniyang mga kaibigan.

pumikit si anton at sinuntok niya ang lupa, at biglang may pumasok na ideya sa kaniyang isipan.

tumayo si anton. "hindi pa natatapos dito ang lahat! hindi mo pa ako napapatay kaya wag ka magdiwang!" sigaw ni anton.

napatingin naman si Liu ye kay anton at natigil ang kaniyang pagtawa, walang sabi sabi ay tinapat ni Liu ye ang kaniyang kamay sa direksyon ni anton at nagsimula ng magChant.

mula sa kinatatayuan ni anton ay lumitaw ang malaking Magic Circle.

"[Ethereal Beam]" wika ni Liu ye at nagliwanag ang Magic Circle.

"Reverse Gravitational Field!" sigaw ni anton at buong lakas siyang tumalon at dahil hindi na alinlangan ang gravity ay nakatalon ng mataas si anton at nanatili sa ere.

"Ice Wall!" subalit sa pagkakataong ito mas nagfocus si anton sa temperature kaysa sa kapal at tibal ng Ice wall. dahil sa sobrang lamig ay nakalikha si anton ng Ice Crystal, kaya naman ang dating Ice wall ay nagmukhang Ice mirror.

tumalon ng mataas si anton upang makakuha ng tamang angolo, kung hindi siya nagkakamali ang magic na ginagamit ni Liu ye ay liwanag kaya naman naisip ni anton ang basic Law of Reflection.

(Note: the principle that when a ray of light, radar pulse, or the like, is reflected from a smooth surface the angle of reflection is equal to the angle of incidence, and the incident ray, the reflected ray, and the normal to the surface at the point of incidence all lie in the same plane.)

"Gravitational Field!" wika ni anton, ang isa niyang kamay ay nakatapat sa Ethereal Beam at ang isa naman ay sa direksyon ni Liu ye.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon