Chapter XXXI: Liu Ye

1.1K 74 2
                                    

Note* Second Chapter for today 😁 sana sipagin pa hanggang pangatlo.
______________________________________

[Verssila Kingdom]
[House of Elk Family]

"Magbigay pugay sa mahal na Duke!" Sigaw ng taga paglingkod ni Liu ye at lahat ng kawal at alipin sa loob ng kaharian ay nagsiluhod.

"Mabuhay ang panginoong Duke!" Sabay sabay na sinigaw ng mga alipin at kawal.

Ilang taon na itong nasasaksihan ni Liu ye ang senaryong ito pero hanggang ngayon ay namamangha parin siya at tila lumulutang ang puso niya. 'Ganito pala ang pakirangdam na tingalain ng mataas..' sa isip ni Liu ye.

Bigla ay naalala ni Liu ye ang kaniyang nakaraan bago pa man siya mapunta sa posisyon na ito.

Nung nabubuhay pa si Liu ye ay isa siyang myembro ng isang maliit na gang sa China. Ang pinagmumulan ng kaniyang araw araw na gastusin ay mula sa mga hindi magagandang gawain.

Bagamat kinakatakutan ang kanilang grupo sa kanilang lugar, si Liu ye ay isa lamang alalay at utusan. Madalas ay binabatuk batukan lamang siya o sinisipa.

Dahil dito ay madalas nakakaranas siya ng inggit sa mga taong may maayos at masayang buhay.. naiinggit din siya sa kaniyang mga boss dahil sa kanilang kapangyarihan na tinataglay.

Pero dahil sa isang aksidente ay binago nito ang buhay ni Liu ye..

Ang gang nila ay nagdisisyon na mangholdap ng bangko, at sa di inaasahang pagkakataon iniwan siya ng kaniyang grupo at wala na siya nagawa pa kundi ang labanan ang mga pulis hanggang sa huli niyang hininga.

Lagpas sa benteng tama ng baril ang natanggap ni Liu ye kaya naman sigurado siya na namatay na siya..

"Ano to?" Wika ni Liu ye, habang tinitignan niya ang kaniyang paligid na nababalot ng liwanag.

"Welcome sa White room Liu ye.." malambing na tinig ng isang babae na nagmumula sa likuran niya.

Agad na tumingin si Liu ye sa kaniyang likuran at dito'y nakita niya ang isang magandang dalaga..

"Ako si Venus.. isang Diyosa, narito ka dahil napili ka na bigyan ng isa pang pagkakataon na mabuhay.. narinig ko ang mga panalangin mo Liu ye.. nagnanais ka ng matinding kayamanan, kapangyarihan, kasikatan at babae.. dahil sa matinding pagnanais mong ito ay ipagkakaloob ko sayo ang panibagong buhay sa paraang ito ay magagawa mo na ang kahit na ano mang naisin mo.." wika ni Venus.

At ang sunod na mga nagyare ay binalot si Liu ye ng matinding liwanag at pagdilat ng kaniyang mga mata ay nasa gitna na siya ng kagubatan.

Ang unang misyon ni Liu ye ay talunin ang mga goblin at nung matapos niya ito ay bumalik siya sa dating mundo. Nung una ay nais niyang maghigante sa kaniyang grupo pero naisip niya na wala pa siyang sapat na kapangyarihan.

Sa pangalawang misyon niya ay kailangan niya pumunta sa Verssila Kingdom at dito ay naging adventurer siya.

Nung ika tatlong misyon naman niya ay may nakita siyang isang grupo ng mga aristokrat, dahil sa inggit sa kanilang mamahaling kasuotan at alahas ay inataki ito ni Liu Ye.

Ilang beses niya itong ginagawa sa tuwing may misyon siya hanggang sa pang sampung beses niya gawin ito ay may lumabas na screen sa kaniyang harapan.
______________________________________

[ENVY]
- (Search) You can locate the other Deadly sins and locate anyone.
- (Deprive) by killing someone or anyone you will gain their 'Souls'. Use this collected 'Souls' to (Heal) yourself or (Enhance) you body or power.

Number of 'Souls' you possessed: 0
______________________________________

Alam ni Liu ye kung gaano kaimportante ang skill na ito kaya naman tuwang tuwa siya nung natanggap niya ito.

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon