Chapter V: Victory!

1.7K 87 2
                                    

"Arrrgh!" Sigaw ni anton dulot ng matinding sakit dahil sa pagkakagat sa kaniya ng goblin. Bumaon ang matutulis na ngipin ng goblin sa balat ni anton at dumiretso sa laman ni anton sabay hinila ng goblin upang humawalay ang laman ni anton sa kaniyang balikat.

Sumirit ang madaming dugo mula sa balikat ni anton na nagdulot ng mas matindi pang sakit sa lahat ng mga naranasan niya. "Arrrrrggh! T*ng *n*!" Hinila ni anton ang braso ng goblin na nakapulupot sa kaniyang leeg at kinagat niya ito upang lumuwag ang pagkakagapos nito kay anton.

Binaliwala ni anton ang matinding sakit sa kaniyang balikat ng tumayo siya at buong lakas niyang binalibag ang goblin at wala itong nagawa dahil laki ng pagkakaiba ng katawan ng goblin at ni anton, mas di hamak na mas malaki at mabigat si anton kaysa sa goblin kaya naman wala itong nagawa sa pagbalibag sa kaniya ni anton. Habang hawak hawak ang kamay ng goblin ay pinagsisipa at tinatapak tapakan ni anton ang tagiliran at sikmura ng goblin at dulot naman ito sa goblin ng pagsusaka ng dugo.

Namilipit ang goblin sa sakit at dinampot naman ni anton ang espada sa di kalayuan at sinaksak naman ito ni anton sa dibdib ng goblin. Upang makisiguro si anton ay pati ang ibang goblin ay sinaksak din ni anton. Dahil sa sobrang pagod at sakit ng katawan ay umupo at sumandal si anton sa puno di kalayuan sa kaniyang direksyon. Ilang sandali ay may biglang sumulpot na pinto sa kaniyang harapan naikinagulat ni anton.
-------------------
"Congratulations! Anton!" Salubong ni atlas kay anton paglabas ni anton mula sa pinto, akma na sana nitong yayakapin si anton tinitigan siya ng masama ni anton. "Oh oh! Ang sama ng hangin dito! Kailangan ay magsaya ka! Dahil napagtagumpayan mo ang unang pagsubok!" Dugtong ng matanda sabay tawa.

"Pero may ilang oras pa bago matapos ang pagsubok.. kung ganun.." wika ni anton pero bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin ay pinangunahan na siya ng matanda.

"Tama ang iyong iniisip anton.. mas lalo mo akong pinapamangha!" Sabay tawa.. "ang pagsubok ay 'survive for 1 day' kung normal na tao ay di ito mapapansin, pero napansin mo.. paglabas mo ng pinto ay nandun na ang goblin at kelangan mo makaligtas ng isang araw.. ang iba ay gagawin tumakbo at magtago lang dahil una palang nabasa na nila na 'survibe for 1 day' pero napansin mo na kahit ano man ang gawin mong pagtakbo ay hahabulin ka nito kayo naman pinatay mo nalang ang goblin naisip mo na kung wala ng predator ay sigurado na ang kaligtasan mo" habang hinihimas ng matanda ang balbas nito.

"Prediksyon ko lang naman ang lahat ng iyon di ko sigurado kung kaya kong makaligtas o mabuhay.. pero naisip ko lahat ng mga sinabi mo ay hint sa pagsubok na ito.. tulad ng 'wala akong bagay na di kayang gawin kung gugustuhin' dun palang ay nakasigurado na akong tama ang gagawin ko." Wika ni anton habang kinakapa at nagtataka dahil di niya makita ang kaniyang mga sugat.

"Napakahusay!" Wika ni atlas habang pumapalakpak. "Sa tuwing makakatapos ka ng pagsubok ay bibigyan kita ng day off upang paghandaan ang susunod mong pagsubok.. bket di mo subukan ang Board?" Wika ni atlas..

"Board!"

-----------------------------------------------------------
Objective: Day off

Time Limit: 7 days

Points: 300
-----------------------------------------------------------

"Kung ganun may isang linggo akong pahinga.. para saan pala itong points na ito?" Tanong ni.anton kay atlas.

"Iyan ang bagay na magsisilbing tulay sa kapangyarihan anton.. at yan ang susi sa tagumpay kaya naman kailangan mong natutunan kung papaano gamitin yan ng tama.. sabihin mo lang 'status'. Pero tanging sa mundo mo lang ito maaaring magamit." Pagkatapos magsalita ni atlas ay agad nitong itinaas ang kaniyang kamay at sa tabi ni atlas ay may pintong lumitaw. "Samuli anton.."

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon