Chapter XLI

1K 71 1
                                    

Chapter 41: Anton Vs. Liu ye (part I)

nagmamadaling tumungo si anton sa meeting room at pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang lahat ng miyembro ng PGE kasa si Chairman Lee, kasunod ni anton si Christina na pumasok sa kuwarto.

"nagawa mo pang makipag landian sa mga oras na ito? kanina pa kami nag aantay sayo!" wika ni Chris na nagbago ang mood at nagsimulang magalit ng makita niyang kasama ni anton si Christina.

"pasensya na bumisita lang ako savaking pamilya.." sagot ni anton at sabay umupo sa bakanteng upuan.

"bumisita? kasama mo pa talaga si Christina huh?!" sigaw ni chris at tumayo pa ito at hinampas ang lamesa.

"chris! tama na.." wika ni william habang nakatingin ng masama kay chris.

walang nagawa si chris kundi ang umupo at manahimik subalit tumingin ito kay anton ng masama.

nang tumahimik ay nagsimula ng magsalita si chester.

"tulad ng ating nalalaman.. si Liu ye ay patungo sa pilipinas at inaasahang darating siya dito sa pilipinas sa loob ng isang oras.." wika ni chester.

"isang oras? sobrang iksi para maghanda! kasalanan mo to! dahil sayo naubos ang oras kakaantay sayo!" sigaw ni chris at sabay duro kay anton na katabi naman si Christina.

hinampas ni william ang lamesa na naging dahilan para magulat si chris at biglang manahimik.

"walang kasalanan si anton, una sa lahat ay hindi natin inaasahan ang pagdating ni Liu ye sa pilipinas at huli ng dumating ang balitang ito sa atin.." wika ni chester.

"malabo pa kung anong dahilan ni Liu ye ng pgpunta niya dito sa pilipinas pero isa lang ang kailangan nating gawin.. ang maging handa sa kung ano mang bagay ang maaaring mangyari.." dugtong pa ni chester at binalot ng katahimikan ang buong paligid.

biglang binasag ni anton ang katahimikan ng nagsimula na siyang magsalita. "satingin ko alam ko ang dahilan.. may larawan ba kayo ng grupo ni Liu ye?" wika ni anton at sa kaniyang sinabi ay nagtaka ang hiong grupo.

kinuha ni chester ang isang remote control ng flatscreen TV at pinakita ang isang video ng CCTV ng airport sa China.

"wait lang! yan ipause mo diyan!" wika ni anton at pinause ni chester. "ang dalagang yan ay nakalaban ko at isa pang binata na gumagamit ng baril pero parehas ko silang natalo at napatay ko pa ang binata subalit nakatakas lang ang dalagang yan.." wika ni anton at sabay turo sa screen.

"si wan er? at kung hindi ako nagkakamali si c-cheng ang natalo mo? p-pero paano?" nagulat si chester sa sinabi ni anton at bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat.

"spatial stirage!" wika ni anton at sa kaniyang tabi ay lumitaw ang isang black hole na naging ebidensya naman sa kaniyang sinasabi.

"inambush nila ako at sinubukang dukutin.. di ko alam kung paano nila nalaman pero nakuha ko ang special skill na [Pride].." wika ni anton.

tumango tango si william at nagsalita. "ngayon malinaw na sakin.. nung una nagtataka ako kung paano tumaas sa maikling panahon ang magic power mo.." wika ni william.

"ngayon alam na natin ang dahilan.. hindi natin maaaring hayaan na makuha ni Liu ye ang [Pride] siguradong may masama siyang plano kaya gusto niyang makumpleto ang seven deadly sins.." wika ni chester.

"sinubukan mo na bang makontak ang gobyerno? siguradong tutulungan nila tayo dahil maaaring ituring na national threat ang pagdating ni Liu ye sa pilipinas.." wika ni william.

"isa na yun sa mga problema.. sinubukan naming makontak ang gobyerno subalit hanggang ngayon ay wala parin kaming natatanggap na sagot mula sa kanila.." sagot ni chairman Lee.

bakas ang galit sa mukha ni william at chester ng marinig ito. "siguradong sinuhulan sila ng mga intsik! kahit kailan mga mukhang pera!" sigaw ni chris.

"patawarin niyo ako.. pati kayo nadamay.." yumuko si anton at tila ba ay bigla siyang nakaramdam ng matinding kirot sa kaniyang dibdib.

"wala kang dapat ihingi ng pasensya anton una sa lahat ay di mo ginusto ang skill na iyan at isa ka sa mga miyembro namin kaya naman responsibilidad namin na proteksyonan ka.. ang kailangan nating gawin ay paghandaan ang pagdating nila.." wika ni william at tumayo na at umalis.

"sasabihan ko na lahat ng staff at emliyado na dismiss na ang kanilang padok at pwede na silang umuwi upang maiwasan ang kahit na anumang sakuna.. Christina at dad kayo din ay kailangan niyo na ding lumayo dito.." wika ni chester.

"magiingat ka anak.." wika ni Chairman Lee at niyakap ang kaniyang anak.

naiyak si Christina at biglang niyakap si anton "anton magiingat ka.. kailangan mong mabuhay dahil may mahalaga akong sasabihin sayo.." wika ni christina at sabay umalis ng meeting room.

-------------------

mabilis na lumipas ang oras at nakatanggap sila ng impormasyon na nakarating na si Liu ye sa pilipinas at ilang sandali pa ay biglang may pumitaw na black hole sa harapan nila anton at mula sa black hole ay lumabas si Liu ye at sa tabi nito ay si wan er at may kasama pang dalawang lalake.

"Good afternoon Mr. Liu ye.. welcome to Philippines.." wika ni chester at ngumiti.

nagsalita muna salita si Liu ye na gamit ang lingwahe ng kabilang mundo. "salamat sa pagsalubong mo chester at william.." wika ni Liu ye.

tumingin si anton sa dalaga at dito ay nakita ni anton na bakas sa mukha ng dalaga ang matinding galit.

"biglaan ata ang pagdating mo dito sa pilipinas? sana nagsabi ka man lang upang naka paghanda kami ng maayos.." wika ni william pero nagsulubong ang kaniyang mga kilay at tumingin ng masama kay Liu ye.

tumingin muna si Liu ye kay anton at biglang ngumiti. "sa tingin ko alam niyo na ata ang dahilan ng pagparito ko.. ibigay niyo sa akin ang kailangan ko at makakasiguro kayo na aalis ako sa lugar na ito ng walang nasasaktan.." wika ni Liu ye.

"tandaan mo Liu ye wala ka sa teretoryo niyo.. at may alyansa kami sa America, Japan, Korea at Uk.. handa ka ba kalabanin ang alyanse namin? Red Dragon!" wika ni william at lumitaw ang higanteng pulang dragon sa likuran ni william.

"guaaah!" atungal ng dragon at nagbuga pa ito ng apoy na naging dahilan upang mapaatras ang dalawang lalake na kasama ni Liu ye, subalit si Liu ye at wan er ay di man lang natinag.

to be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon