Chapter XXXVII: Colossal Demon

1.1K 75 2
                                    

Kumuha si anton ng isang bato at inipon ni anton ang lahat ng aura niya sa bato, unti unting naglaho ng asul na liwanag ang buong katawan ni anton at ang bato na hawak hawak niya ay binaloy sa asul na liwanag.

Ibinato ni anton ang bato ni anton sa sibat na yari sa lava. At dahil sa matinding salpukan ay nag ang mga lava at nagtalsikan sa iba't ibang direksyon.

Inilagay ni anton ang kaniyang dalawang braso sa kaniyang harapan, at ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Pinakiramdaman ni anton ang daloy ng mana sa kaniyang paligid. Sinubukan ni anton pababain ang temperatura sa kaniyang paligid gamit ang magic control, at sinubukang gawing yelo ang oxygen, nagtagumpay si anton at inipon ni anton ang mga yelong oxygen at gumawa ng [Ice Wall].

(Note: air can freeze. Air is composed of 21% oxtgen, 78% nitrogen, and 1% argon (roughly, since trace gases like carbon dioxide and water vapor can also be in air). Oxygen freezes at -360.9 °F, nitrogen at -346.18 °F, and argon at -308.7 °F. Therefore, air will freeze if it gets cold enough to freeze oxygen.)

'Boom!'

'Boom!'

Lumikha ng pagsabog ang bawat lava na tumama sa ice wall. 'Sa tindi ng pag-ataking ito siguradong kaya nitong wasakin ang buong eutheria village.' Sa isip ni anton.

"Guuuuuaaaaah!" Sigaw ng Colossal Demon ng makita nitong buhay parin sila anton.

"Kailangan natin matalo ang demonyo na ito kung gusto niyo pang mabuhay.." wika ni arkisha.

Tumingin si anton kay arthur. "Ou.. naiintindihan ko anton na magiging sagabal lang ako.. pero di ko magagawa na iwan ka, lalo na sa ganitong sitwasyon.." wika ni arthur.

Hinawakan ni anton ang balikat ni anton. "Naiintindihan kita kaibigan.. subalit.." tumingin si anton sa direksyon ni ellen bago pa man niya ituloy ang kaniyang salita. "Di ko na alam ang gagawin kung mawawalan pa ako ng isa pang kaibigan.." habang sa mga gilid ng mata ni anton ay may nabubuong mga luha.

"Kaibigan.. hindi na ito laban para sa eutheria.. hindi ko sigurado ang aking kaligtasan.. ganun pa man nais kong makaligtas ka upang ipaalam sa lahat ng village ang tungkol sa magandang balita.. kailangan ka ng eutheria kaibigan.." dugtong pa ni anton.

Nagsimulang umiyak si arthur at niyakap si anton at nagdisisyon na umalis na at bumalik sa eutheria kasama ang bangkay ni ellen.

Tumingin si anton kay arkisha. "Ikaw wala ka bang balak na umatras at iligtas ang iyong sarili?" Wika ni anton.

Tumingin si arkisha sa higanteng ddmonyo na kasalukuyang winawasak ang kahit na anong bagay ang humarang sa daan nito.

"Sa mga oras na ito nakakasiguro ako na nasakop na ng Verssila kingdom ang Elven Region.. dahil hindi ko na nararamdaman ang Yggdrasil na nagiging dahilan ng paghina ng kapangyarihan naming mga Elf.. bilang isang prinsesa ng aming bansa tungkulin ko na manatiling buhay upang iligtas ang aking mga mamamayan at muling buhayin ang aming kaharian.. subalit.. hindi ko magagawang iwan ka lalo na't nasa kalagitnaan ka ng matinding laban.." wika ni arkisha at tumingin sa mga mata ni anton.

Namula ang buong mukha ni anton. "Hayaan mo.. mabubuhay tayo at sabay nating ibabalik ang karangalan ng inyong kaharian.." wika ni anton at nagsimula ng sumugod sa Colossal Demon.
--------------

Tumagal ang laban nila anton ng halos 4 na oras. Si anton ang humaharap sa higanteng demonyo at si arkisha naman ang sumusuporta kay anton gamit ang mga wind attack nito.

Madalas din gamitin ni anton ang 'Gravitational field' upang pabagalin at pahintuin ang galaw ng higanteng demonyo, dahil sa laki nito at bigat ay mas matinding gravitational force ang naranasan ng higanteng demonyo na naging dahilan upang mapaluhod ito.

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon