Chapter XVI: Undying Will part 2

1.2K 87 1
                                    

"Guwaah! Cough! Cough!" Sumuka ng dugo si anton at umubo habang tumatalsik ang dugo sa kaniyang bibig. Tumingin si anton sa kaniyang paligid at tumambad sa kaniya ang karumaldumal na eksena. Isa isang bumabagsak ang mga kasama ni anton habang walang awang pinapaslang ng mga goblin. Sa bawat hataw ng mga goblin ay siya ring namang talsik ng dugo at parte ng katawan ng kasama ni anton.

Awa, galit at lungkot ang nararamdaman ni anton dahil sa huli ay wala parin siyang magawa, palpak parin siya.. 'hanggang dito nalang ba ang lahat?' Sa isip ni anton. Gusto na niya sumuko pero ng tumingin siya kay ellen biglang nakaramdam ng kirot sa kaniyang dibdib si anton.

"Oh diyos ng kalangitan dinggin ang aking hiling! Wasakin mo ang lahat ng kalaban sa aking harapan! [Chain Lightining!]" Biglang nliwanag ang palad ni ellen at mula sa kaniyang palad ay lumabas ang kuryente na tila isang mabilis na ahas na gumagapang. Tumama ito sa isang goblin bumanda sa isa pang goblin, bumanda pa ito ng maraming beses bago naglaho. Dahil sa bilis ng pangyayare ay nagdulot ito ng liwanag sa paligid. Kung tutuusin ay mahinang mahika lang ang [Chain Lightning] pero dahil walang suot ang mga goblin upang proteksyunan sila sa kuryente't mahika nagdulot ito ng malaking pinsala sa kanila, ang iba'y nasunog na tila'y natupok ng isang malakas na apoy ang iba naman ay sumabog ang katawan at nagkalat sa paligid ang parte ng kanilang katawan at laman loob, dahil sa malakas na boltahe.

"Si ellen patuloy paring lumalaban at di parin sumusuko.." wika ni anton. Wala ng lakas si anton at may malaki pa siyang sugat sa kaniyang sikmura at wala na din siyang sapat na lakas upang gumamit ng heal sa sarili niya. Pagod na pagod na siya at gusto na nalang niyang sumuko, pero sa kaniyang harapan biglang lumitaw ang transparent screen na lumalabas lang sa tuwing sinasabi niyang 'board, points at status'.

-----------------------------------------------------------
Announcement!
- you satisfy the expectation of God and met the conditions to unlock the special skill [Undying Will (Rank SS)].
-----------------------------------------------------------

Sa hindi maipaliwanag ni anton ay biglang naging magaan ang kanitang pakiramdam at tila pakiramdam niya ay sobrang lakas niya. Bumangon si anton at pinagaling ang malaking sugat sa kaniyang sikmura at iba pang mga sugat. "Haaaaah!" Sigaw ni anton at kasabay nito ang pagsugod niya sa mga goblin. Di na alam ni anton ang nangyayare sa kaniyang paligid, wala siyang ginawa kundi ang iwasiwas ang kaniyang espada at wala na siyang pakialam kung kanino at sino ang tamaan nito.

Pinaulanan si anton ng mga goblin ng palaso pero isa isa niya lang itong hinila at pinagaling. Ilang beses na din siyang tinamaan ng espada ng goblin at palakol sa dibdin, tiyan at likod pero agad lang itong pinapagaling ni anton.
------------------

"Ayokong sumuko.. gusto ko pang mabuhay.. gusto kong baguhin ang buhay ko.. ayoko na bumalik sa dati kong buhay.. ayoko na maging talunan. Ayoko na maging duwag at mahina.. gusto ko na magbago.." wika ni anton. Habang nababalot siya ng kadiliman at umiiyak. Ilang sandali ay nakarinig si anton ng mahinang tinig.

"Anton.. anton.." mahina at malambing ang tinig pero tila hinaplos nito ang puso ni anton at nagbibigay init sa kaniyang katawan.

Napatigil si anton sa pagiyak at iniangat niya ang kaniyang ulo at dun lang siya na himasmasan at nalaman ang nangyayare sa paligid niya, sa paligid niya ay makikita ang nakakalat na mga bangkay ng goblin, tila isang sapa ng dugo ang buong lugar dahil sa dugo na nagmumula sa mga goblin nakakalat din ang mga piraso at parte ng katawan ng mga goblin. Nang tinignan ni anton ang kaniyang kamay ay nakita na punong puno ito ng dugo at naramdaman niya ang dugo na dumadaloy sa kaniyang katawan. Dun lang naisip ni anton na naliligo na pala siya sa dugo ng mga goblin.

naramdaman niya si ellen na yakap yakap ang kaniyang likuran habang umiiyak at ang kaniyang kasuotan at armor ay sira sira na.. 'a-anong nangyare?' Sa isip ni anton bago pa siya nawalan ng malay.

Pagdilat ng mga mata ni anton ang una niyang nakita ay ang kisameng nabubulok na gawa sa kahoy.. "so tama ang hinala ko.. ang misyon ko ay 'save the kuroro village' walang nakalagay kung saan ko sila ililigtas ang tanging gagawin ko lang ay iligtas sila hanggang matapos ang oras.. at kung di ko sila mailigtas bago matapos ang oras talo ako.. di ko alam kung anong parusa kapag di napagtagumpayan ang misyon.." wika ni anton at napansin niyang siya lang ang tao sa kuwarto.

"Board!"

-----------------------------------------------------------
[Objective:] Save the kuroro village.

[Time Limit:] 4 days 9 hours

[Reward:] 700 points
-----------------------------------------------------------

"Kung ganun halos dalawang araw na din ang lumipas.. naalala ko may bago pala akong skills" wika ni anton "Status!" Dugtong ni anton.

At lunitaw sa harapan ni anton ang transparent screen.

-----------------------------------------------------------
[Examinee]
- Anthony Perez

[Examinee No.]
- Ex-0499

[Weapon]
- Short Sword x2, Throwing knives x8, Helmet, gloves, armor, leggings, bracelet, armlet and boots, bow and arrows, and shield.

[Skills]
[Heal level 3 (Beginner)]
- slightly heal minor wounds and slightly restore stamina.

[Physical Buff level 2 (Beginner)]
- slightly increase physical capabilities.

[Special skills]
[Undying Will (Rank SS)]
- by forcefully or automatically activating this skill you'll be in the state of 'Berserk' and immune to any abnormalities such as: dizziness, stun, sleep, mind control etc.

- [forcefully activate] will enhance your physical and magical ability for 180 seconds. cool down: 12 hours

- [automatically activate] automatically activates when in dangerous situation or near death situation. will enhance dramatically your physical and magical strength for 120 seconds. Cool down: 1 day (can't control yourself)
-----------------------------------------------------------

Nagulat si anton sa kaniyang nakita mula sa kaniyang skills lalo na sa kaniyang special skills. 'Kung ganun ito ang dahilan kung baket wala ako maalala sa mga nangyare.. ang tanging naalala ko lang ay mamamatay na ako ng biglang lumitaw ang screen na ito at nagsasabing may bago akong skill..' sa isip ni anton.

"Pero di ko inaasahan na maaari kong mapalakas ang skills ko kahit na di ako gumamit ng points.. kung di ako nagkakamali maaari din ako matuto ng bagong skills ng di gumagamit ng points.. sayang ang lakas sana ng special skills ko kaso mukhang hindi ito puwede mapalevel up.." wika ni anton at npabuntong hininga nalang. "Kailangan ko ng makita ang itsura ng village at malaman ang sitwasyon kailangan ko din malaman kung nagtagumpay ang plano" dugtong pa ni anton at bumangon siya at lumabas ng kuwarto.

Paglabas ni anton ay nakita niya si ellen na naghahanda ng makakain "magandang umaga ellen.." bati ni anton, nagulat si ellen sa biglang sulpot ni anton. Nang makita ni ellen na si anton ang bumati sa kaniya ay agad nitong niyakap si anton at bakas sa mga mata nito ang luha dahil sa saya.

"Magandang umaga din anton.." sagot ni ellen.

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon