Chapter XVII: Ellen

1.2K 82 0
                                    

Ellena Christella D. Wolfheart yan ang aking tunay na pangalan.. marahil nagtataka kayo baket ako nagtataglay ng apelyido? Simple lang.. nagmula ako sa isang maharlikang angkan mula sa Verssila Kingdom.

Ang Verssila Kingdom ay napapalibutan ng matataas na pader. Di ko alam kung paano ito naitayo pero isa lang ang alam ko, ang mga pader na ito ay itinayo ng limang Diyos. Di ko alam kung ang mga pader na ito ba ay talagang nagbibigay ng proteksyon sa amin o nagsisilbi lang instrumento upang kontrolin ng church ang mga tao. Ang Verssila Kingdom ay may limang pader, ang pader na ito ay kumakatawan at sumisimbolo sa mga Diyos na siya rin namang sinasamba ng mga tao, ito rin ang nagsisilbing dibisyon na sumusukat sa estado ng tao. Ang unang pader o nasa pinakaloob at sentro ng kingdom ay tanging nakatira lang ay ang pamilya ng hari at reyna o ang royal family. Sa pangalawang pader ay ang duke, duchess at marquess, marchioness. At sa pangatlong pader naman ay ang earl, countess at viscount, viscountess. Sa pang apat na pader nakatira ang mga baron, baroness at knights, at ang huli ang pang limang pader ay ang mga mahihirap.

Ang aristocrat o ang mga mahaharlikang angkan ay nahahati sa apat na pamilya, Ang sumisimbolo sa Ginintuang Lion ay ang pamilyang Wimbledawn o ang Royal family. Ang sumisimbolo so wolf ay ang wolfheart family. Ang sumisimbolo sa usa ay ang pamilyang Elk. At ang sumisimbolo sa oso ay ang pamilyang Ursinae at ang huli ay ang sumisimbolo sa ibon ay ang pamilyang Raiwing. Sila ang pangunahing panilya na namumuno at nangangalaga sa Verssila Kingdom.

Subalit nagtaksil ang pamilyang Elk sa pamilya namin. Pinalabas nito na nagaaklas ang aking ama upang pabagsakin ang royal family at agawin ang trono. Inimbitahan nila ang aming buong pamilya sa isang okasyon, at huli na ng malaman namin na pinagpaplanuhan na nilang hulihin at patayin ang buo naming pamilya.

Sa tulong ng mga tapat kong alipin nagawa kong makatakas at makalabas mg verssila kingdom, subalit sa gitna ng aking pagtakas tinambangan kami ng malaking grupo ng mga barbarian.. ang Ironblood tribe.

Sa mura kong edad na labing apat na taong gulang nakita ko kung papaano paslangin ang aking buong pamilya sa aking harapan, at sa pagkakataong ito naman ay ang pinapaslang ang mga alipin ko na nagbuwis ng buhay upang iligtas lamang ako.

Nanginginig ang aking buong katawan dahilan ng sobrang takot.. huminto din ang tibok ng aking puso at paghinga.. unti unting lumalapit sa aking direksyon ang mga barbarian at wala man lang ako magawa dahil sa takot, pero naalala ko na marunong ako gumamit ng mahika.. sa verssila kingdom tanging mga maharlika lang ang may pagkakataong matuto ng mahika dahil sa kamahalan ng bayad sa Magic Academy.

Itinaas ko ang aking dalawang kamay at ginamit ang mahika na unang pumasok sa aking isipan. "Diyos ng lahat! Diyos na siyang lumikha! Ipagkaloob mo ang kapangyarihan na wasakin ang aking kalaban! [Fire Ball]!" Mula sa dalawa kong palad ay lumabas ang isang bolang apoy na kasing laki ng niyog. Tumama ito sa mga barbarian, sobrang saya ko ng magawa kong iligtas ang sarili ko ngunit halos maguho ang aking mundo ng makita kong di man lamang nagdulot ng malalaking pinsala sa barbarian ang mahika ko.

Agad akong tumakbo patungo sa gitna ng kagubatan at nagtago, subalit tila mababangis na lobo ang mga barbarian dahil sa lakas ng kanilang pang amoy at pakiramdam. Di nagtagal ay natunton din nila ang lugar na aking pinagtataguan. Suntok, sipa at bugbog ang tangi kong naranasan sa kanilang kamay..

Dinala ako kung saan sila nagtatago at nagkampo, pagdala sakin sa kanilang kampo ay agad na naglapitan ang mga mga barbarian sakin at kitang kita sa kanilang mukha ang saya o sa madaling salita ang uhaw na tila isa silang uhaw na uhaw na asong ulul.

Dinala ako sa sentro ng kampo kung saan matatagpunan ang pinaka malaking tent pagpasok ay agad na lumuhod at yumuko upang magbigay pugay sa kanilang pinuno. Pinilit nila akong magbigay pugay din sa kanilang pinuno. Di nagtagal ay umalis ang mga barbarian na nagdala sa akin sa kanilang pinuno.

Sapilitan niyang hinubad at sinira ang aking kasuotan pero pilit akong nagpumiglas sa kaniya. Pero para siyang bato sa tigas at laki ng kaniyang katawan. Gamit ang isang kamay ay inihagis niya ako sa kaniyang higaan.. walang laban niya akong ginahasa ng ilang ulit hanggang magsawa siya..

Hubo't hubad akong naglakad walang kain, walang ligo at walang pahinga.. nakagapos ang aking kamay na hila hila naman ng kanilang kabayo. Mangilang beses pa akong nawalan ng malay dahil sa pagod at naging dahilan upang kaladkarin ako ng kabayo..

Sa mga oras na iyon wala na akong ninanais pa kundi ang mamatay nalang.. di ko alam kung ano ba ang naging kasalanan ko para magdusa at maghirap ng ganito.. tuyong tuyo na ang aking mga mata dahil sa kakaiyak kaya naman kahet na gustuhin ko mang umiyak ay walang luha ang nalabas sa aking mga mata..

Sa tuwing tumitigil at nagpapahinga inaalis nila ang tali namin sa kabayo at hinahayaang magpahinga.. sa pagkakataong ito di na ako nagdalawang isip pa agad akong tumakbo sa bangin at tumalon..

Akala ko patay na ako pero laking gulat ko na buhay pa ako at dun ko lang nalaman na iniligtas ako ng lalakeng nagngangalang arthur. Tinulungan ako ni arthur at inalagaan at tinuring na sirili niyang anak.. ang alam ko ay may dati na siyang asawa't anak pero namatay dahil din sa Ironblood..

Mabilis lumipas ang panahon at taon at mabilis din akong nakamove on salamat sa mga mamayan ng kuroro village, lahat sila'y mababaet at lahat sila'y tinulungan ako na makalimot.. pero muling manumbalik ang aking masamang alaala ng malaman ko na may parating na isang istrangherong lalake na nakasuot ng armor na may sigil ng Ironblood.

Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko.. takot ba o galit? Sa mga oras na iyon ay sinisisi ko ang sarili ko dahil sa akin ay natunton ang village ng Ironblood baka hinahanap nila ako.. pero nung nakita ko ang lalake ay agad na nagulo ang isip ko.. 'ang mga barbarian ay maiitim.. pero malayo siya sa normal na kulay ng mga barbarian.. maputi siya na kung titingnan ay tila mula siya sa maharlikang angkan dahil sa kaniyang maamong mukha at kutis..' bukod sa paggamit ng [Magic Detection] gumamit din ako ng isang mahika na tinuro sa akin ng aking ina bago siya mamatay.. [Memory Link] gamit ang mahikang ito ay maaari kong makita lahat ng kaniyang memory at karanasan  na tila sarili kong memorya at karanasan..

Nang makita ko ang memorya niya ay agad akong nagulat "hindi siya nagmula sa mundong ito.. ang mundo na kaniyang pinagmulan mundo na walang mahika at tanging kapayapaan lang ang namumutawi.." sinabi ko sa sarili ko.. gaano kaya kasaya ang mamuhay sa ganoong mundo?

Nakita ko din ang nilalaman ng puso ng lalakeng ito na.nagngangalang anton.. nakita ko kung gaano kahirap at kasakit para sa kaniya ang kaniyang mga pinagdaanan.. sa di ko maipaliwanag ay di ko makita ang parte ng memorya ni anton bago siya mapunta sa mundong ito.. naging interesado ako ma pagkatao ni anton.. di ko alam parang inggit ata ang nararamdaman ko..

Pero nung lumusob ang mga goblin nagbago ang nararamdaman ko.. nakakamangha siya.. matalino siya at handa niyang isakripisyo ang sarili niya kahit na di niya kami kilala.. handa niya kaming tulungan.. para siyang bayani na ipinadala ng diyos.. pinagaling niya ang mga tao ng walang kapalit kahit na kapalit nito'y sarili niyang buhay.. sinakripisyo niya din ang sarili niyang buhay.para sa akin..

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon