Chapter XVIII:

1.3K 84 0
                                    

magKasabay na kumain ng agahan sina anton, ellen at arthur at doon lang nalaman ni anton na mag-ama pala si ellen at arthur. Habang sa pagkaen ay di maiwasang hindi tignan ni anton si ellen, at napansin ni anton na sa bawat kilos at sa pagkaen ay may etiquette si ellen. 'Siguro dati siyang noble bago maging alipin.. di na nakakapagtaka kung baket siya nagtataglay ng kagandahan' sa isip ni anton..

Pagkatapos kumaen ay umalis na silang tatlo upang tumungo sa bahay ng pinuno para sa pagpupulong, sa kanilang daan ay nakita ni anton na abala ang lahat sa pagaayos ng mga bahay at gusali. Isa rin sa mga inaayos ay ang pader at tarangkahan lahat ng nakakasalubong nila sa daan ay binabati si anton ng 'magandang umaga'. Napansin naman ni ellen na nagmamasid sa paligid si anton. "Nuon malabong magkasundo ang mga tao sa village kaya naman kahit kailan di sila nagtulungan pero likas na sa kanilang puso ang pagiging mabuting tao, salamat sayo anton kaya naman nagawa nilang magtulungan.." wika ni ellen.

Pagdating ni anton sa bahay ni borav ay agad siyang niyakap ng matanda at kinamusta, kinamusta din si anton ng ibang taong nanduon. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang kanilang pagpupulong.

"Tagumpay ba ang plano?" Wika ni anton.

"Ou.. tulad ng plano mo ng makapasok na ang lahat ng goblin ay agad naming sinelyohan ang tarangkahan upang wala ni isang goblin ang makakaligtas at mabubuhay sa ganuong paraan walang goblin ang makakahingi ng tulong.." wika ni arthur.

"Ito ang listahan ng mga napinsala at bilang ng mga namatay.." inabot ni borav ang piraso ng papel kay anton.

Nang tignan ni anton ang nilalaman ng papel ay nanlaki ang mata ni anton.. 'p*t*! Ano to? Wala akong maintindihan! Naalala ko.. galing pala ako sa ibang mundo.. siguro ang matandang yun ang dahilan kung baket ko sila nauunawaan pero ang paraan ng kanilang pagsusulat ay wala akong maunawaan.. di ko na to naisip dahil ang akala ko parehas lang na linguahe ang aming ginagamit' sa isip ni anton..

"Ahem.. wala akong maalala kaya naman di ko magawang mabasa ang mga nakasulat diyan.." wika ni anton at sinauli ang papel kay borav. "At teka lang.. ba-baket nga pala sa akin kayo nagrereport?" Pagtatakang tanong ni anton.

"Di pa ba nasabi sayo ni arthur?" Wika ni borav at tumingin kay arthur at napailing lang si.arthur.. "kung iyong rarapatin nais sana namin na ikaw ang mamuno sa amin.. nagpakita ka ng kakaibang tapang at talino.. gamit ang iyong influensiya ay nagawa mong pamunuan kami laban sa goblin at ikaw ay nagtagumpay.. 37 ang namatay at 128 ang sugatan.. kung tutuusin ay isang himala na ito lang ang pinsala na natanggap natin.." wika ni borav at di alam ni anton kung ano ang isasagot niya.

'Paano ang mga susunod pang pagsubok ko? Teka lang.. ang lahat ng pagsubok na hinarap ko ay magkakonektado.. kung ganun kung ano man ang mangyare sa pagsubok ko ngayon yun din ang magiging pagsubok ko sa susunod.' Sa isip ni anton.

"Tinatanggap ko.. pero sa isang kondisyon.. gusto ko na ako ang magkokontrol at mamumuno sa lahat ng nasasakupan at pagaari ng kuroro village" wika ni anton.

"Masusunod pinuno.." wika ni borav at niyuko nito ang kaniyang ulo at may kinuha sa kaniyang kabinet. "Pinunong anton eto lang ang tanging maibibigay ko sa iyo kapalit ng pagliligtas sa aming village.." wika ni borav at inabot nito ang ginintuang medallion na punong puno ng diyamante kay anton.

Nagulat si anton sa kaniyang hawak. Ang medallion ay may sigil ng ulo ng dragon sa gitna at ang paligid ay may mga diyamante at ang buong medallion ay gawa sa ginto. "D-di ko kailangan nito.." wika ni anton at akma na sanang ibabalik ang medallion.

"Sayo na yan anton.. dito sa village ay hindi importante ang ginto't kayamanan.." wika ni borav at wala ng nagaw apa si anton kundi.ang tanggapinang medallion.

Pinangunahan ni anton ang pagpaplano kung papaano muling maibalik at maayos ang village. Ang una ay tinuruan ni anton mga mamamayan kung paano gumawa ng pataba ng patanim, dahil hindi nasa tamang paraan ng pagtatapon ng dumi ang mga tao ay bumabaho at naging madungis ang village, nagpagawa ng mga public toilet si anton sa mga dwarf at sinimulang linisin ang village. Sa paraang ito ay maiiwasan ng mga tao ang magkasakit at ang mga dumi na maiipon ay maaari ding gamiting pataba ng pananim.

Nagpagawa si anton ng mga kariton upang mas mapadali ang trabaho ng mga tao. Manghang mangha ang mga tao sa kariton dahil sa panahong ito ay kalesa at wagon palang ang naiimbento. Nagpagawa din si anton ng water pump o poso upang mas mapabilis ang pag-igib ng tao sa balon.

Dahil ilang araw pa o linggo bago maani ang mga pananim ay tanging pangangaso lang ang pinagmumulan ng pagkain ng mga tao. Tinuruan ni anton kung paano madaling makakahuli ng mga ibon, isda at mga kuneho gamit lang ang mga patibong.

"Arthur at ellen may konting pabor lang sana ako kung inyong rarapatin.." wika ni anton ng matapos ang pagpupulong.

"Ano yun anton?" Wika ni arthur.

"Maaari niyo ba akong turuan makipaglaban? Gusto ko matuto ng tamang pamamaraan ng espada at ng mga mahika. Para kung sakaling sunalakay muli ang mga goblin ay wala ng tao pa ang mamatay.." wika ni anton sa mababang tono na tila nagpapaawa.

Ngumiti si ellen at arthur sa nais ni anton at sumangayon. Kaya naman ang apat na araw na natitira sa kaniyanh time limit ay inilaan niya lang sa pagsasanay upang matuto ng tamang pamamaraan sa espada at ng mahika. Sa umaga ay si ellen ang nagtuturo sa kaniya at sa hapon naman si arthur ang nagtuturo.

"May skill ka na heal kaya sa palagay ko ay madali ka ng matututo ng mahika dahil halos parehas lang naman sila ng paraan.. ang una ay dapat mong matuto ng [Mana Perception] kailangan mo munang pakiramdaman ang mana sa iyong katawan.. ang mana ay uri nng enerhiya na tinataglay ng bawat tao ta lahat ng bagay sa mundong ito.. kapag nasobrahan ka ng gamit sa mahika at naubos ang mana sa katawan mo makakaranas ka ng matinding pagod, hilo at sakit ng ulo hanggang sa mawalan ka ng malay.." wika ni elle habang nakatingin si anton.

Si anton naman ay nakaupo (indian sit) at ang kaniyang mga kamay ay nakapatong sa kaniyang tuhod at humihinga ng malalim.. 'pakiramdaman ang enerhiya sa loob ng iyong katawan.. at hayaang dumaloy ang enerhiya sa buong katawan..' sa isip ni anton habang nagmemeditate at biglang nagliwanag ang kaniyang isipan.. idinilat niya ang kaniyang mata at nakita ang asul na liwanag sa dalawa niyang palad.

"Iyan ang mana.. gamit ang [Magic Perception] magagawa mong maraman ito at makita.. pagnapalakas mo ang [Mana Perception] ay maaari mo ding maramdaman ang mana sa paligid mo o ang mana ng ibang salamangkero kahit ilang layong milya.. paraan ng [Mana Manipulation] ay maaari mong kontrolin ang mana sa kahit ano mang anyo nito at ang pinaka mataas na lebel ay maaari mo itong gawin sa kahit ano mang uri ng elemento.." wika ni ellen.

Sinubukan ni anton na baguhin ang anyo ng mana. Hugis palaso, espada at panangga aliw na aliw si anton sa kaniyang ginagawa. At nalaman din naman ni.anton gamit ang incantation o dasal ay mas lalo niyang mapapalakas ang kaniyang mahika sa paghiram ng kapangyarihan sa diyos.

Pagdating ng hapon ay tinuruan naman siya ni arthur.

"Mahusay ka anton at matapang subalit hindi ito sapat upang maging mahusay na swordsman.. sa iyong pakikipaglaban ay napansin kong tila may.ginagaya ka kaya naman di mo ganap na napapasunod ang espada sa nais mo.." wika ni arthur.

Dun naalala ni anton nung rest day niya ay nagsearch lang siya sa internet at ginaya ang.mga.galaw ng martial artist. Kung ganun yun pala ang dahilan kung bkit tila parang naninigas ang kaniyang katawan.

"Ikaw at ang espada ay iisa lagi mo yang tatandaan.. lagi mo isangalang alang na ang espada ay parte ng iyong katawan.. upang mapasunod mo ito sa nais mong gawin.." wika ni arthur habang ipinapakita nito kay anton ang tamang galaw sa pamamaraan ng espada.

Habang hawak hawak ni anton ang kaniyang espade ay pumikit siya at pinakiramdaman.. at nagsimulang ipakita kay arthur ang sarili niyang pamamaraan.. tila sumasayaw si anton sa ilalim ng bilog na buwan..

Habang tumutulong sa village ay nageensayo din si anton at mabilis na lumipas ang apat na araw at sa kaniyang harapan ay lumitaw ang pinto, pagpasok ni anton ay muli niyang nadatnan ang matandang si atlas na masayang masaya sa kinalabasan ng kaniyang pagsubok..

To be continue..

Imperium: Legend of Anton (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon