CHAPTER 30: SECRET REVEALED

Start from the beginning
                                    

Nagsmile siya sa akin at hinawakan yung kamay ko na nasa ilalim ng lamesa. Ngumiti na lang din ako sa kanya.

Nagliligpit na kami ng mga pinagkainan namin ng biglang may narinig kaming humintong sasakyan sa labas. Napatigil kami sa ginagawa para lumabas ng bahay at tiningnan kung sino yung dumating.

Nakita ko na lumabas sa sasakyan ang parents ni Savannah. 

“Hello guys. Nageenjoy ba kayo?”cool na sabi ng Mama ni Savannah sa amin. Yun ang gusto ko sa Mama ni Savannah eh, parang bagets lang din.

Lumapit kaming lahat para magmano at batiin sila.

“Oh Kenneth? Kasama ka din pala nila?”gulat na tanong ng Papa ni Savannah kay Kenneth.

“Syempre. Ano naman masama dun? Eh pinsan naman siya ng anak natin.”narinig kong sabi ng Mama ni Savannah.

“MAGPINSAN?SINO?”sabay sabay na tanong namin maliban kila Savannah, Kenneth at Chezter.

“Naku po Tita…parang uulan yata. Tara na sa loob.”narinig kong sabi ni Chezter sa Mama ni Savannah habang hinihila ito papasok ng bahay.

Uulan? Eh tirik na tirik kaya ang araw?Humarang ako sa dadaanan nila papasok ng bahay.

“Tita…sino po ang magpinsan?”tanong ko sa Mama ni Savannah. Para kasing hindi maganda ang kutob ko eh.

“Si Kenneth at Savannah…Pinsan ni Savannah si Kenneth. Hindi ba siya pinakilala sa inyo ni Savannah?”nalilitong sabi sa amin ng Mama ni Savannah habang nagsasalitan ng tingin sa amin.”Akala ko naman pinakilala niya sa inyo.”

“Susmeng batang ito. Bakit hindi mo pinakilala sa kanila yung pinsan mo?”sabi ng Mama ni Savannah kay Savannah.

Hinayaan ko na lang makadaan na sila Chezter at ang parents ni Savannah para makapasok sa loob ng bahay.

“So ganon pala? After all these years…naglilihim ka sa amin?”galit na sabi ko kay Savannah.

“Uhm…Nat, let me explain.”sabi ni Savannah sa akin habang lumalapit sa akin.

“Bakit? Ano ba kailangan mo pa iexplain? Eh sa Mama mo na nagmula mismo ang inililihim mo sa amin.”sita ko kay Savannah. Hindi ako makapaniwala...sa lahat ba naman ng tao. Si Savannah pa ang maglilihim sa akin? Akala ko kaibigan ko siya? Akala ko ba walang lihiman?

“Nagawa ko lang naman yun dahil gusto ko maging kaibigan ninyo. Alam ko naman kasi na kapag nalaman ninyo na pinsan ko ang isang loser at nerd ng school natin...hindi ninyo ako hahayaan maging kaibigan ninyo. Lalo ka na Nat…kaya sana naman maintindihan mo bakit ko linihim yun.”paliwanag ni Savannah sa amin habang nagsisimula na umiyak.

“Hindi mababago nun na naglihim ka pa rin sa amin…lalo na sa akin Savannah. Alam mo gaano ko pinapahalagahan ang mga kaibigan ko. Hindi ako nakikipagkaibigan sa kung sino sino lang. Tapos ikaw pa? Ikaw pa ang pagmumukhain akong tanga?”singhal ko sa kanya pagkatapos ay tinalikuran ko siya at umalis.

“Mine.”narinig kong habol sa akin ni Kenneth.

“Isa ka pa. Kasabwat ka din nyan eh. Ang galing ninyo grabe. Naloko ninyo kami.”mapaklang sabi ko sa kanila. “This vacation is now over. Uuwi na ako. Kung ayaw ninyo pa umuwi. Pwes uuwi ako mag-isa.”

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-

Narinig ko nagvibrate yung Iphone 6 ko. Kinuha ko ito at tiningnan. Nakita ko na may 15 messages at 20 missed calls galing kina Savannah, Benj, Kenneth at Claire.

The Other Side of the Door [COMPLETED]Where stories live. Discover now