CHAPTER 47

1.7K 42 20
                                    

"Y-you...you...." She said and everything went black.

"No no no...please...please, wake up. Andito na ko...please don't give up on me." He said as he caress her face to wake her up. Agad din nyang hinubad ang suot nyang jacket saka itinakip sa halos hubad na katawan ng dalaga. "I will get you out of here, babe. I promised." He uttered as he carried her.

Rinig pa rin ang putukan sa labas ng bodega at kailangan nya na ring makalabas sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon. Hindi pa man sila nakakalayo, natanaw na ni Edward si Micael kaya agad syang nagtago. Dahan-dahan nyang inilapag si Kirsten sa nakakubling sulok upang itago ito. Sumilip ang binata sa direksyon na kinaroonan ni Micael, may hawak itong baril at halatang may hinahanap.

"Edward! Alam kong naririnig mo ko! Kung talagang matapang ka, harapin mo ko!!" Sigaw nito saka nagpaputok ng baril sa kawalan. Hindi naman umimik si Edward. "Do you really think you can run away? Nah...I won't let you! So you better come out now before I get you! Ano?!!" Sunud-sunod ulit itong nagpaputok ng baril. Nanatili pa ring nakatago si Edward habang humahanap sya ng tyempo.

Dahil sa sunud-sunod na pagpapaputok ni Micael, nagising si Kirsten. Nakita naman ni Edward ang pagdilat ng mga mata nito kaya agad nya itong sinenyasang manahimik at magkubli.

"Huwag mo kong paghintayin kapatid ko! Dahil kapag nainip ako, pasasabugin ko ang buong lugar na 'to para sama-sama tayong lahat sa impyerno!!" Patuloy na pagsigaw nito. "Akala mo siguro nagbibiro ako noh...?!" Sumilip ulit si Edward, nakita nyang may hawak-hawak itong tila remote. Pinagmasdan nya ang paligid, sa bandang itaas nya ay may nakakabit na bomba, ganun din sa iba't-ibang sulok ng bodega. Sadyang pinaplano nilang pasabugin ang buong lugar pagkatapos maisagawa ang pagpatay kay Kirsten. Kailangan na nyang makaisip ng paraan sa lalong madaling panahon, dahil sa itsura ni Micael ngayon, alam nyang wala na ito sa tamang katinuhan.

Gusto nya itong paputukan ngunit medyo malayo ito mula sa kinaroroonan nya at sa oras na magmintis sya, makikita sya nito.

"I will count to three, kapag hindi ka pa lumabas, pare-pareho tayong mamamatay!" Dahan-dahan syang naglakad palapit kay Micael habang nakakubli. "One... Two... don't make say thre~"

"I'm here." Saad nito na ngayo'y nasa harapan na sya ng binata. May hawak syang baril bagama't hindi ito nakatutok dito.

"Oh...my beloved step brother...tanga ka rin talaga noh? You are willing to die for that bitch!"

"The woman you are calling 'bitch' happens to be my wife!" He stated firmly.

"Poor Edward, when will you ever learned? She had hurt you so many times, she's the reason why your mother died and yet you're still willing to save her? You're such a disgrace to our father!!"

"Say whatever you want to say, but I love her! And I can kill everyone for her, including you!"

"Then why don't you kill me now?!"

Itinutok nito ang baril sa kapatid, gustong-gusto nyang kalabitin ito ngunit parang may pwersang pumipigil sa kanya.

"You can't do it don't you? C'mon, kill your own brother!" He taunted.

Nanggagalaiti sya sa galit pero hirap pa rin syang iputok ang baril. Gusto nya itong pagbayarin sa lahat ng ginawa nito kay Kirsten ngunit hindi maaalis sa kanyang kapatid nya ito at hindi lang ang pagpatay dito ang paraan upang makabayad sya ng mga kasalanan nya.

"What are you waiting for?! C'mon shoot me!" Micael said as he spread her ams sideways to mock him.

"E-Edward...w-wag..." Rinig nyang sigaw ni Kirsten mula sa likuran nya. Hindi nya namalayan na nakalapit na ito sa kanila.

A CHANCE FOR ME AND YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon