CHAPTER 23

1.1K 43 9
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Binabaybay nila ang EDSA. Nakadagdag sa init ng ulo ni Micael ng sobrang traffic.

"Kelan mo balak sabihin sa kin na boss mo ang Edward na yun?!" Bigla ay tanong nito.

"I thought you knew, the copy of the contract and job offer is at home. Malay ko ba na hindi mo nakita."

"Of all companies? Sa kumpanya pa talaga ng lalaking yun mo napiling magtrabaho?!" Galit na tugon nito.

"Why not? They have stable company, ang laki ng offer nila sa kin at marami pang benefits."

"I want you to resign immediately!"

"No." She answered firmly.

"What?!"

"I said no. Hindi ako aalis dun dahil lang sa sinabi mo."

"I'm your boyfriend, siguro naman may karapatan akong mag-demand!"

"You are my boyfriend and I love you, but you very well know that I love my children more than I love myself so it's a no."

"Bakit? Kaya ko naman ibigay ang kung anong inoffer sayo ng lalaking yun, mas higit pa! Pero mas pinili mong magtrabaho sa kanya!" He said furiously. Hindi nya matanggap na she chose the other guy over him.

"Ilang beses ba natin dapat pagtalunan 'to? Alam mo naman ang rason ko kung bakit ayokong magtrabaho sa kumpanya nyo."

"Pero sa company ni Edward okay lang ganun?!"

"Ano ba kasing ikinagagalit mo? Wala naman akong ginagawang masama para magalit ka sa akin ng ganyan."

"You knew how much I hated that guy pero pinili mo pa ring magtrabaho sa kanya. Sinong hindi magagalit dun?!"

"I have my reasons, I have to work for my kids and of all the companies, theirs had the best offer. Di ba dapat, ikaw ang mas higit na nakakaintindi sa kin?"

"Gusto kitang intindihin, pero pano ko gagawin yun kung ako mismo hindi mo maintindihan?"

Hindi na umimik si Danielle, alam nyang walang patutunguhan ang pagtatalo nilang yun. Greatest competitor ng company ng dad nya ang company nila Edward kaya ganun na lamang ang galit ng nobyo nito ng malaman na sa rival company nila nya napiling magtrabaho. Pero kasi pagdating sa welfare ng mga anak nya, lahat gagawin nya even if it means disobeying Micael. "Hatid mo na ko, mag-usap na lang tayo kapag kalmado ka na." She said coldly.

He tried to utter a word but then he saw her looked away so he decided to shut up. Tahimik sila sa buong byahe hanggang sa makarating sila sa bahay ng dalaga hindi pa rin sya nito iniimik, kaya minabuti na lang nyang umalis. Hahayaan na lang muna nyang lumipas ang galit nila pareho kesa crash silang dalawa.

___________________________________________________

Few days later...

EDWARD'S POV:

I was invited by DI-LAW SCHOOL for their 20th Foundation Day, and because our company is their greatest contributor, I was asked to give a speech. 10AM supposedly ang start ng program but it's already 11AM pero hindi pa din nagsisimula. So I decided to wander around kesa naman mabored ako. The institution is both for elementary and highschool students. Napadpad ako sa may mga batang naglalaro. Nakakatuwa silang pagmasdan, I envy their innocence, wala pa silang muwang sa mga nangyayari sa paligid nila. Basta makapaglaro, ayos na. Kung sana ang buhay ay ganun lang kadali. But unfortunately, once you grow up, life became so much complicated.

A CHANCE FOR ME AND YOU (Completed)Where stories live. Discover now