CHAPTER 22

1.3K 49 14
                                    

A/N: Hi friends! Sorry sa super tagal na update ha. Sobrang dami kasing work kaya pagod most of the time. Medyo mahaba ang update na 'to kaya I hope maging sapat na syang pambawi. Hihi..Thank you! 

THIRD PERSON'S POV:

It's their second day in Batanes. Naboboring na si Danielle dahil hindi naman sila lumalabas ng lodge. Nanghihinayang sya na hindi man lang nya malibot ang buong lugar. Wala naman syang magawa pagka't tila walang balak mamasyal ang boss nya. Tapos na silang nag-almusal at gusto na nyang maligo ngunit hindi sya makapaglabas ng isusuot pagkat isinilid ng binata ang kanyang maleta sa itaas ng cabinet. Masyado itong mataas para sa kanya. Ayaw naman nyang i-approach si Edward kasi tutok na tutok ito sa harap ng laptop nya.

She let out a deep sigh. Kung bakit ba naman kasi isinilid nya yung maleta ko sa lugar na di ko maabot. She thought. Kabilin-bilinan ng binata na ayaw nya ng makalat, she's aware of it kaya nagtataka ka sya kung bakit iniligpit ng binata ang maleta nya gayong hindi naman ito nakakalat.

She examined the entire room for a stool or a chair na pwede nyang tungtungan but unfortunately, yung inuupuan lang ng binata ang kaisa-isang upuan na sa tingin nya'y hindi kabigatan. Furnitures in their rooms were all made from solid wood kaya lahat mabibigat, even the center table was made of solid wood. She laid her eyes on a wooden accent chair. Nilapitan nya ito at nung sinubukan nyang iangat ito, dun nya napagtantong mabigat pala talaga. Kung bakit ba kasi puro gawa sa kahoy yung mga upuan dito? Ang bibigat tuloy! Reklamo nya sa isip nya. Since she cannot lift the chair, she tried dragging it instead. And because it was heavy, it made a screeching sound.

"What are you doing?" Edward asked blankly.

"Dragging a chair sir."

"Yeah, I know. But what are you going to do with the chair?"

"I want to put it there." She said as she points the side of the closet.

"Whatever it is you're thinking, you better stop it because you're making an irritating sound." He stated firmly.

She tried dragging the chair slowly pero maingay pa rin ito. She heard him let out a deep sigh pero hindi nya na lang ito pinansin kasi ang main goal nya sa mga oras na yun ay ang maibaba ang maleta nya. A moment later, pagod na sya pero hindi pa rin sya nakakarating sa may harapan ng cabinet sapagkat dahan-dahan nyang hinihila ang upuan.

"Hindi ka ba talaga titigil? Naririndi na ko sa ingay nyang upuan! Pati yung mga naka-check in sa baba, for sure naririndi na rin sila sa ginagawa mo!" He said irritatedly.

"Eh kasi sir kelangan ko talaga madala 'tong upuan dun."

"Alam mo namang mabigat yan bakit kasi yan pa naisipan mong hilain? Tignan mo nga yang itsura mo, hirap na hirap ka na."

"Hindi kaya! Yakang-yaka ko 'to noh! Malakas kaya ako!"

He shook his head. "Ts, mukha ka talagang lalaki!"

"Nakakailan kana sir ah...sa ganda kong 'to, mukha akong lalaki? Bulag ka ba sir?" Turan nito. Kanina---no, kagabi pa sya nito sinasabihan na para syang lalaki. Tapos kaninang nag-almusal sila, sinabihan na naman syang para syang lalaki kung kumain kasi super dami nyang kinaing pancakes. Anong magagawa nya kung paborito nya talaga yun at malakas syang kumain? Tapos ngayon na naman na may hinihila syang mabigat, sasabihan na naman sya na mukhang lalaki. Like seriously?

"Hey, it's not what I mean. Look at you, you're a woman and yet you insist on dragging that heavy chair on your own instead of asking me for help. I've been telling you to stop with what you're doing pero mapilit ka pa rin. Akala mo kasing lakas mo yung mga lalaki."

A CHANCE FOR ME AND YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon