CHAPTER 34

1.1K 35 9
                                    

THIRD PERSON'S POV:

"Ang sabi ko, hindi kita susukuan di ba? Kaya susubukan ko pa rin ..." Dahan-dahan syang lumuhod sa harapan ng dalaga. "Will there still be a chance for ME and YOU? Can I do something to make you mine again?" He laid his hand in front of her. "Can you hold my hand and never let go?"

She shook her head. "I'm...I'm sorry... Hindi ko gustong hawakan yung kamay mo kung bibitawan ko rin naman. Kaya please...tumayo ka na dyan."

"I love you... I still do. I love you so much."

She looked away dahil hindi na nya kayang makita ang nagsusumamong mga mata ng binata. "Awat naman na Edward oh...tama na please. Kasi kahit anong gawin mo, hindi na rin magbabago ang isip ko. Wala akong nararamdamang pagmamahal para sayo."

Nagdesisyon na syang tumayo. "Nasasabi mo lang yan ngayon kasi hindi mo ko maalala...but if you regain your memory, babalik din lahat ng pagmamahal mo para sakin."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Pinapahirapan mo lang yang sarili mo."

"Pareho lang naman tayo, ako, matigas ang ulo ko. Ikaw, matigas ang puso mo...kaya quits lang tayo di ba?"

Naiinis na talaga ito dahil sa kakulitan ng binata. "Bakit ba kasi hindi ka na lang humanap ng ibang mamahalin? Bakit kailangan mo pang mag-aksaya ng panahon sa isang taong hindi ka maalala?"

"Dahil utak lang naman ang nakalimot, hindi ang puso. Sabihin mo ng tanga, pero hanggang ngayon kumakapit pa din ako sa paniniwalang makalimutan man ako ng isipan mo, hindi ako kailanman makakalimutan ng puso mo, yun yung pinangako mo sa kin nung kinasal tayo."

Umiling sya. "Pwes, hindi ko na maalala. At kung totoo nga na sinabi ko yun, sorry, pero hindi ko na matutupad yung pangakong yun, dahil tuluyan ka ng nakalimutan ng isip at puso ko."

Hindi nya alam kong sadyang matapang lang sya dahil nakukuha pa rin nyang ipaglaban ang dalaga bagama't sobrang sakit na, o sadyang naging manhid na sya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nya. "Pero hindi yun yung naramdaman ko nung gabing nagsayaw tayo at hinalikan kita. Alam kong mahal mo ko, nakalimot ka lang, pero kung bubuksan mo ulit yang puso mo para sa kin, alam ko, manunumbalik ang pagmamahal mo. Just please, let me help you. Please..."

"Edward...don't make this hard for me. Kung mahal mo ko, pakakawalan mo na ko."

"I love you, that's why until now, I am still fighting for you. And because I love you, I won't let you go."

"Hindi ko na alam kung ano pang pwede kung sabihin o gawin para makawala ako sayo...Nahihirapan na ko Edward alam mo ba yun? Kaya please...I'm begging you, let me go."

Tinitigan sya ng binata, she's so near yet so distant. Minsan talaga, kahit gaano ka katapang, darating din yun time na panghihinaan ka talaga ng loob. Tulad ngayon, akala nya sapat na yung hinanda nyang tatag ng kalooban, kulang pa pala. He took a deep breath. "Can I...can I offer you a deal?"

"Huh? Anong...anong deal?"

Hindi nya alam kong tama ba ang gagawin nya, but for him, she's worth every risks. "Let me help you regain your memory." Hindi sya nagsalita, hinayaan lang nyang magpatuloy sa pagsasalita ang binata. "I-if...if after a year, hindi pa rin bumalik yung memory mo, you won't ever see me again, ako na mismo ang magpa-process ng annulment natin and..." He let out a deep sigh. "I will give you half of my wealth."

"So you think I will accept your offer because of your wealth?" She fussed.

"No. I didn't mean to offend you. It is not what you think it is. Gusto ko lang magkaron kayo ng magandang buhay ng mga bata kahit wala ako sa tabi nyo, kaya I made it a part of the deal. Please, I don't have bad intentions about it."

A CHANCE FOR ME AND YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon