CHAPTER 39

1.1K 36 12
                                    


Nang mahimasmasan, nagpunta sya sa may pool area. Umupo sya semento habang ang mga paa nito ang nakalubog sa tubig. Maya-maya, naramdaman nyang may nakatayo sa likuran nya.

"Lalim ng iniisip mo ah. Pwede ba kitang samahan?" She looked up to her and motioned her to sit beside her. It's Melissa, umupo ito sa tabi nya. "May problema ba?"

"Nagpapahangin lang Ate." Pagkakaila nito.

"Nagpapahangin o nagpapalipas ng sama ng loob?"

She stared at her blankly. "A-alam mo?"

"Oo. Nakasalubong ko kanina si Edward eh, ayun umalis sya."

"Medyo nagkasagutan lang po kami Ate. Kasalanan ko din naman po, I provoked him." She said sincerely.

"Wag mo masamain ah, w-wala ka pa bang naaalala maski kaunti lang?"

Matagal itong nanahimik hanggang sa napailing ito. "I-I'm sorry, wala pa po eh."

"Ganun ba, ayos lang naman kung wala pa talaga. Siguro nga sadyang grabe lang ang naging epekto sayo nung aksidente kaya hanggang ngayon, wala ka pa ring matandaan."

"Y-yan din po yung sabi ng doctor, it will take time daw po."

"Pero...gusto mo pa bang makaalala? O masaya kana sa buhay mo ngayon?"

"Sa t-totoo lang Ate, hindi ko alam. Bakit nyo po naitanong?" She asked skeptically.

"Wala naman, baka lang kasi masaya kana sa buhay mo ngayon kaya hirap kang maalala ang nakaraan. Minsan kasi, kapag pinipilit lang ang isang bigay, mas mahirap gawin o makuha. Baka kasi pinipilit mo lang makaalala kaya mas lalong nahihirapan ka."

"Ewan ko, minsan hindi ko na rin po alam kung ano po talaga ang gusto ko. Kapag nakikita ko si Edward na magiliw na nagkukwento ng mga ginagawa namin dati, mga special events sa buhay namin at mga lugar na pinupuntahan namin, hinihiling ko na sana, maibalik yung nakaraan namin. Pero kapag naiisip ko yung mga pinagdaanan ko sa loob ng anim na taon, parang gusto ko na lang magsimula ng panibagong buhay at tuluyan ng kalimutan ang lahat."

"Alam kong mahirap para sa iyo ang lahat ng 'to, mahirap mangapa lalo na kung wala kang ideya kong alin ang totoo sa hindi, sa tama o mali. Pero kung nahihirapan ang isipan mo na makaalala, bakit hindi mo hayaang ang puso mo ang magpasya?" She kept silent. "Naalala ko dati nung kasal nyo, ang sabi mo kay Edward, na kahit maging ulyanin kayo, mamahalin mo pa rin sya. Kasi, makalimutan man sya ng isip mo, maaalala pa rin sya ng puso mo." Sa di maipaliwanag na dahilan, unti-unting pumatak ang luha nya. "Bakit, hindi mo subukang buksan yang puso mo para kay Edward? Malay mo, maalala sya ng puso mo."

"H-hindi ko alam kung k-kaya ko ulit buksan ang p-puso ko para sa kanya." She said in a cracked voice. "At sa ngayon po, m-mukhang malabo ng mangyari yun ka...kasi, may mahal na po akong iba."

"Hindi ka pala sigurado kung kaya mong buksan ang puso mo sa kanya, bakit mo pa sya binigyan ng pagkakataon kung sa huli, wala na rin pala syang pag-asa?" She asked in calm voice though medyo nadidisappoint sya para kay Edward.

"Dahil gusto ko po syang bigyan ng chance na patunayan ang sarili nya. Believe me, I begged him to let me go pero ayaw nya, he's so stubborn, until I end up agreeing to all of these."

"So binigyan mo sya ng chance na makapasok ulit sa buhay nyo?" She nodded. "Kung ganun, gawin mo kung ano ang tama. Ibigay mo ang pagkakataon na nararapat sa kanya, yung walang kondisyon, walang pagkukunwari at walang alinlangan. Kasi kung pinipilit mo lang ang sarili mo na gawin ang lahat ng 'to, useless lang, mas masasaktan mo lang sya dahil aasa lang sya sa wala."

A CHANCE FOR ME AND YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon