Chapter 29

3.5K 108 11
                                    

Kate's POV

"Love nasasaktan ako."

Pinilit kong tanggalin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Subalit nabigo ako.

Dinala niya ako sa kotse niya at saka yon pinaharurot.

"Love saan ba tayo pupunta?"

Kanina pa siya hindi nagsasalita. At ngayon pa lang natatakot na ako sa maari niyang gawin.

Makalipas ang ilang minuto ay huminto siya sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung saang lugar na ba kami napadpad.

Katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Wala ni isa saamin ang gustong magsalita.

"You lied to me." sa wakas at nagsalita na rin si Lance.

"Love hindi yon gaya ng iniisip mo. Let me explain."

"Ano? Nakita ko kayo Kate! Kitang kita ko kayo ng lalakeng yon!"

This is the first time he yelled at me like this. He is really angry. At kapag galit siya nawawala siya sa tamang pag iisip.

"Lance makinig ka muna. Ang lahat ng nakita mo ay aksidente at nagkataon lang. Hindi ko ginustong kausapin siya." paliwanag ko.

"Then why the hell he signed that damn contract? You talk to him! You chose to talk to him and lied to me!"

Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Parang gusto niyang iparating saakin na sinungaling ako at mas pinili ko ang ibang tao kaysa sa kanya.

"Oo aaminin kong pinuntahan ko siya. Pero hindi ko siya kinausap gaya ng gusto niyang mangyari."

Napansin kong nag iba ang ekspresyon ng mukha niya. Unti unti siyang kumalma mula sa kaninang galit na awra niya.

"Sinabi ko sakanyang nag resign na ako sa kompanya niyo. At hindi na ako kabilang sa project na gagawin niyo. Sinabi ko yon dahil alam kong gagamitin niya ako laban sayo. Ayokong mangyari yon kaya naisip kong mag resign sa trabaho. Para wala na siyang dahilan para kontrolin tayo."

Totoong sinabi ko lahat yon kay Kiel. Pero bago ko sabihin yon pinapirma ko muna siya sa kontrata. Noong una nagbakasakali lang ako na pipirma siya. Pero mukhang swerte ako dahil pumirma muna siya bago kami nag usap. Hindi naman ako nagtagal sa opisina niya. Pagkatapos ko kasing magsalita ay bigla na lang akong umalis doon ng walang paalam.

Alam kong medyo bastos ang ginawa ko. Pero hindi ko matanggap ang ginagawa niyang paglalaro saamin ni Lance.

"Nag resign ka? Dahil saakin? Do you think it will make me happy?"

"Love hindi lang naman to dahil sayo. Para din to sa ikaaayos ng kompanya at-"

"Maayos ang kompanya? Paano tayo? Hindi tayo maayos Kate. Dahil hindi mo sinabi saakin lahat ng balak mo. Naglihim ka at sinolo mo ang problema. Ano ba ko sayo? Sino ba ako sa buhay mo?"

Tinamaan ako sa mga sinabi niya. Mababakas ang panunumbat sa tono ng boses niya. I feel guilty. Dahil totoo lahat ng sinabi niya. Hindi ko siya nagawang sabihan ng mga plano ko. At ako lang ang nag isip ng solusyon sa problema na kaming dalawa ang involve.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang gawin ito love. Naisip ko kasing hindi ka papayag sa gusto kong mangyari. Kaya hindi ko na sinabi sayo agad."

"Mahal mo ba talaga ako?"

Nagulat ako sa tanong niya. Kinabahan ako ng makitang seryoso siyang nakatingin saakin ngayon.

"Mahal na mahal kita Lance. Bakit mo naman naitanong yan?"

The Dare Where stories live. Discover now