Chapter 1

7.3K 194 4
                                    

Kate's POV

"Ano na namang nangyari?"

Inis na sabi ko. Nasa room kami ngayon at kasalukuyang gumagawa ng seatwork. Kasama ko si Lance. At dahil sa ginawa ko sakanya noong nakaraang araw hindi na niya ako tinantanan. Palagi niyang sinisira ang araw ko.

"Umalis sila. Ayaw nila sa group natin." walang ganang sabi niya.

"Umalis? Baka pinaalis mo. Wala tayong matatapos dito Lance."

Naaasar na ako sakanya. Ang hirap kayang maghanap ng groupmates. Halos lahat ng group kumpleto na. Ang malas ko pa dahil siya ang kagroup ko.

"Pinaalis ko nga. Ayoko sakanila."

"What? Hindi ko naman sinabing magustuhan mo sila ah. Paano yan? Kulang pa tayo ng dalawa."

"Tawagan mo si Lex. Sabihin mong pumasok siya." utos niya.

"Baliw ka ba? May sakit si Lex. At hindi ko classmate si Charm. Paano na yan?" inis na sabi ko. Wala talaga siyang pake sa nararamdaman ko.

"Edi tayong dalawa na lang."

Tinignan ko siya ng masama. Okay lang siya? Buod ng Noli at Fili kami lang ang gagawa?

"Kakausapin ko sila John. Sasabihin kong bumalik sila dito."

Tumayo ako sa upuan ko para umalis ng bigla niya akong hilain dahilan para mapaupo ulit ako.

"I told you to stay away from them." he said giving me a cold look.

"Lance, what happen to that day is just an accident. Hindi ko yon sinadya kahit kaaway ang turing ko sayo. And I also said sorry. Bakit ba hindi mo ako mapatawad?"

Natahimik siya. Basta binabanggit ko ang nangyaring yon sa mall ay nag iiba ang itsura niya.

That day I approach him saying I love you. Hindi ko alam na nasa phone pala siya at kausap ang ex niya. Nung araw na yon magkikita dapat sila. Pero dahil saakin nawalan na sila ng pag asang magkabalikan ulit. Iyon ang sabi ni Lance.
I admit it is partly my fault. Pero nag sorry na ako. Inalok ko pa siya na ako ang magpapaliwanag sa ex niya pero tumanggi siya. At ngayon ako ang ginugulo niya dahil sa nasira niyang lovelife. He is making my life miserable. And worst wala ng lalaki ang nagtangkang lumapit saakin. Dahil lahat sila pinapaalis niya.
Sinisira niya talaga ang plano kong magka boyfriend!

"Nawalan ako ng girlfriend dahil sayo. You said you love me? Tsk. Panindigan mo yan."

He is serious. Hindi ko pa nakitang ganyan ang mga mata niya. Nanatili na lang akong nakaupo sa tabi niya. Bahala na. Wala na akong magagawa. Siguro kailangan kong tanggapin na hangga't nandito si Lance sa tabi ko malabo pa akong magkaroon ng boyfriend.

The Dare Where stories live. Discover now