Chapter 22

3.4K 115 4
                                    

Kate's POV

Pagkatapos ng pagkikita namin ng lolo ni Lance wala na akong naging balita pa tungkol sa application ko sa Mezzo Corp. I guess he really failed me.

Nakapag usap naman kami ni Lance after ng encounter ko sa lolo niya. Kaya lang hindi ko nasabi sakanya yung ibang detalye. Kasi naman naunahan niya ako e. Kung hindi niya sinabing malaki ang respeto at tiwala niya sa lolo niya malamang nasabi ko sakanya ang naging usapan namin nong araw na yon. Ayoko namang masira yung relasyon nilang mag lolo dahil sakin. Kaya shut up na muna ako sa issue na yon.
-
Abala ako ngayon sa pag aayos ng bahay ng mag ring ang cellphone ko. 

Si Lance.

"Hi Love! Napatawag ka?" bati ko sakanya. 

"Miss na miss na kita Love. Nasan ka?" tanong niya. 

Napangiti ako. Nagkita lang kami kaninang umaga ah. Bilis naman akong namiss neto.

"Nasa bahay love. Naglilinis ako dito ngayon. Bakit mo natanong?"

"Perfect timing. Someone's going to fetch you there love. See you later."

"Ha? Sino naman?"

Nagtaka ako sa sinabi niya. Ilang sandali pa may narinig akong katok mula sa pinto. 

"I think she's there. I'll talk to you later love. Nasa biyahe ako ngayon e. Bye love. I love you."

"I love you too. Ingat sa biyahe love." sagot ko. 

"As you wish. My love." sagot niya. 

Pagkatapos ng tawag agad ko ng binuksan ang pinto. At nabigla ako ng makita ko kung sino ang dumating. 

"Oh my! I miss you so much dear. Buti na lang at nandito ka ngayon. Matagal ko ng hinihingi ang address mo kay Lance. And today is my lucky day. Yieee! I'm so happy to be here!"

Tuwang tuwa si mama Lanie simula ng makapasok siya sa bahay namin. Hindi ko alam kung matutuwa ako ngayon dahil nandito siya. Makalat pa naman ang bahay namin at isa pa isa itong skwater's area. Pero parang wala lang yon sakanya.

"Ah. Mama paano po kayo nakarating dito? May dala po ba kayong kotse?" tanong ko.

"Actually meron. Pero nandon pa sa kabilang kanto. Nagtricycle ako papunta dito sa lugar niyo. Tapos nagtanong tanong ako sa mga kapitbahay niyo. Madali lang naman hanapin ang bahay niyo e."

Grabe ang mama niya. Hindi ko talaga ineexpect na kaya niyang pumunta sa ganitong klaseng lugar. Napansin ko rin ang suot niyang damit. Simpleng tshirt at pants lang ito. May dala siyang bag pero hindi ito gaya ng mamahaling bag na nakita ko nong party. Kung titignan sa itsura niya ngayon hindi mo halatang nanggaling siya sa isang mayamang pamilya. 

"Mama pasensya na po kayo sa bahay namin. Upo po muna kayo. Maghahanda lang po ako ng meryenda."

"Oh before I forget I need you to come with me. Please Kate? I badly want to do this with you."

Napakunot ako sa sinabi niya. Teka ano bang gagawin namin? At talagang pinuntahan pa ako ni mama Lanie dito sa bahay?

-

Guess what we're doing.

"Yiee! Patikim naman ako niyan dear. Paborito ko talaga ang monggo." masayang sabi ni mama Lanie.

Nandito kami ngayon sa kusina. Katatapos lang naming mag grocery at talagang nakakapagod ang ginawa namin. Siguro pagdating sa pamimili mas matagal siya  kumpara kay mama. Inabot yata kami ng tatlong oras sa grocery bago kami nakauwi dito sa bahay nila.  Yes. Nandito ako sa bahay nila Lance. At kasama ko ang mama niya sa paghanda ng dinner. Kaya pala sinabi ni Lance na 'see you later' dahil alam niyang pupunta ako dito ngayon.

The Dare Where stories live. Discover now