Chapter 9

4.7K 143 1
                                    

Lance's POV

Damn! I said it.

Pero hindi ko yon napanindigan.
Nakita ko kasing nagulat siya. At alam kong hindi niya ako gusto. That's why I have to tell a lie. Hindi pa niya ko kayang tanggapin ngayon.  

I still need to make her love me. At alam kong hindi pa yon mangyayari ngayon.  Natakot ako na baka layuan niya ako dahil sa pag amin ko.  Kaya sinabi ko na nagbibiro lang ako.

Mabuti na lang at may pagkamanhid siya.  Naniwala siyang nagbibiro lang ako.  Kaya ngayon balik kami sa dati. 

I still have control over her. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan to.

"Lance ako na gagawa niyan. Hindi pa magaling yung kamay mo." sabi niya.

Magkasama kami sa library. May group project kami. Pero dahil ayoko ng may ibang kasama kami na lang ang gumagawa non. 

I look at her silently.  These past few days naging masaya ako.  Dahil nasaakin palagi ang atensyon niya. Alam din pala niyang makipag usap ng malumanay saakin at hindi yung palaging sumisigaw. 

Tsk.

"Bakit? Anong nginingiti ngiti mo?"

I always find her cute kapag nagtatanong siya saakin. Palagi kasi siyang clueless sa mga ginagawa ko. Minsan gusto kong isipin na sobrang manhid niya para hindi maramdaman ang feelings ko. 

"May load ka ba? Makikitext sana ako."

"Ang yaman yaman mo wala kang load. O ayan piso isang text ah."

I look at her eyes. Damn it! I really need to do something. Or else I will go crazy.

"Joke lang. Haha. Grabe ka makatingin. Magtext ka lang unli naman ako e."

Binigay niya saakin ang cellphone niya. I started to text my number. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko.

I was about to give back her phone when I saw what she was doing.

"Your answer is wrong. I'll teach you how to solve it." sabi ko.

"Talaga? Sige paturo nga. Hirap talaga ako sa mga numbers e."

When it comes to my feelings, I hope I can teach you too on how to love me back.

Kate's POV

"Pasado ako!" malakas na sigaw ko. 

Kasama ko ngayon si Lex dito sa room. Nagkaroon kasi kami ng surprise quiz kanina sa statistic. Mabuti na lang at tinuruan ako ni Lance.

"First time yan Kate ah. Mukhang napaghandaan mo yung surprise quiz kanina." sabi ni Lex. 

"Hindi nga e. Pero tinuruan ako ni Lance kanina sa library. Kaya may nasagot ako sa quiz."

"Speaking of Lance parang kakaiba siya ngayon. I smell something fishy."

Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit ba naiisip ko na naman ang biro saakin ni Lance. 

Ayoko mang aminin pero nadismaya ako sa biro niya. Hindi ko alam kung bakit. I just feel sad when he said he was kidding. 

I guess he will never like me. Ang lahat ng ginagawa niya ay para pahirapan ako. Ginagantihan niya lang ako dahil sa nasira niyang lovelife.

"May nagbago ba sakanya? Siya pa rin naman yung dating Lance. Yung nakakainis at mayabang." sagot ko kay Lex.

"Sigurado ka? Bakit nga pala wala siya rito? Hindi ba laging nakabuntot sayo yon?"

Sasagot na sana ako sa tanong ni Lex ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. 

"Kate!"

Sabay kaming lumingon ni Lexie sa nagsalita. Nandito si Beatrice a.k.a Bea. Ang cheer leader ng P.U cheering squad.

"Mabuti at nakita kita. I want to invite you tomorrow. It's my birthday party and I really need you to come."

"Ha? Pero bakit?"

Weird. Hindi naman kami close. The last time I check kaaway ang tingin niya saakin dahil siya ang president ng fans club ni Lance. Bakit naman niya naisip na imbitahan ako sa party niya?

"Please Kate sana pumunta ka. The thing is ininvite ko na si Lance. Pero sabi niya hindi siya pupunta kung hindi ka pupunta. I invited all my club members para sa party na yon dahil alam nilang pupunta si Lance.  Kaya Kate please come to my birthday party. Or else.. "

Kinabahan ako sa susunod niyang sasabihin. I know these things. Kapag involved si Lance siguradong gulo ito. 

"Or else they will ruin my party. Please Kate sayo nakasalalay ang party ko." pagmamakaawa niya. 

I knew it was trouble. War freak ang mga fans ni Lance. Kaya lang naman ako nakakatagal sa mga fans niya ay dahil palagi ko siyang kasama. Kaya hanggang tingin lang sila saakin. Kahit na alam kong ilang beses na nila akong pinapatay sa isip nila. 

"Pag iisipan ko Bea." sagot ko. 

Napangiti siya. Pero alam kong peke yon. Hindi niya pa rin maiwasang umirap saakin kahit humihingi na siya ng pabor. Maldita nga talaga siya gaya ng sabi nila.

"Sige. Here is the invitation. I hope I can see you there. Bye."
Paalam niya. 

"Ang arte talaga niya. Pumunta ka don Kate. Tapos bonggahan mo yung ayos at suot mo. Talbugan mo yung birthday celebrant."

"Lex wala naman akong pera para gawin yan. Remember mayaman si Bea. For sure mamahalin ang suot niya bukas."

"Don't worry Kate. I'll handle this. Tomorrow I will be your fairy god mother. And you will be my Cinderella." masiglang sabi ni Lexie.

I give in. Kapag ganyan ang tono ng boses ni Lex alam kong determinado siyang gawin ang gusto niya.

Hays. 

Anong klaseng gulo na naman kaya itong papasukan ko?

The Dare Where stories live. Discover now