Chapter 6

4.9K 162 4
                                    

Kate's POV

Two days na akong wala sa sarili.  At dahil yon sa katangahang ginawa ko. 

Flashback

"Sigurado ako."

Napangiti siya ng marinig ang sagot ko. 

"Then take a picture with me." sabi niya. 

"Sige.  Yon lang pala." kinabahan pa ako.  Yon lang pala ang gusto niya. 
Lumapit ako sakanya para magpapicture.

"Closer."

"Ha?"

"I said closer. Wala naman akong nakakahawang sakit. Bakit ang layo layo mo sakin?"

Humakbang ako palapit sakanya.  Naiilang kasi ako. At hindi ko alam kung bakit. 

"Closer."

Napatingin ako sakanya.  Masyado na kaya akong malapit. Anong gusto niya magdikit ang balat namin?

"Tsk. Ang tigas ng ulo mo."

Pagkasabi niya non bigla na lang niya  akong hinila at saka inakbayan. Sa gulat ko napatingin ako sakanya not knowing na ang lapit ng mukha niya saakin. 

At..
At..

Wahhhhh!!!!!

Nahalikan ko siya sa pisngi!

*Click!

End of flashback

Akala ko matatapos na doon ang kalbaryo ko. Pero nagkamali ako. Pinost lang naman niya ang picture namin sa FB niya.  Siguradong pagkakamalan kaming may relasyon. Dahil kitang kita sa picture na yon na nahalikan ko siya sa pisngi! Wala akong takas kahit magcomment ako at iexplain ang side ko.
Kaya pala inadd niya ako para makita ko yung post niya. 

Gustong gusto ko talaga siyang sakalin ng makita ko yon. Pagkatapos bigla akong nakatanggap ng message galing sakanya.

"Kung gusto mong bumawi alagaan mo ako. Para gumaling agad ang injury ko."

Arghhhhh!! Kailan ka ba mawawala sa buhay ko Lance!

*Tick!

"Aray!" nabalik ako sa huwisyo ng may pumitik sa noo ko. 

"Ano bang iniisip mo diyan? Kanina pa kita kinakausap ah."

Napatingin ako kay Lance ng masama.  Ang brutal niya.  Pasalamat siya injured siya. 

"Wala kang pake sa iniisip ko." sagot ko. 

Nasa canteen kami ngayon at kumakain.  Hindi siya nakasama sa training nila dahil sa injury niya.  At ako ang nagsilbing nurse niya dito sa school. 

"Are you thinking of someone?" tanong niya.  Biglang humina yung boses niya. 

"Oo bakit?" sagot ko. Iniisip kitang hayop ka.  Kung bakit kasi hindi ka pa mawala sa buhay ko. 

"Sino naman?"

"Bakit mo tinatanong?"

Natahimik siya.  Minsan ang weird niya. Bigla bigla na lang kasi siyang tatahimik e.

"Here. Kumain ka."
Inalok niya saakin yung carbonara.

"Okay lang. Busog pa naman ako."

Sa mga titig pa lang ng mga fans mo dito busog na busog na ko e. Nang dahil sa post na yon ni Lance pinagpipyestahan na ako ng mga fans niya. Alam ko galit sila saakin. Kung ba't naman kasi siya pa ang ace player ng team.  Ang dami tuloy niyang fans.

"Ayaw mong kumain? Gusto mong subuan pa kita?"

Ayan na naman siya. Kinakabahan ako kapag ganyan ang kilos niya.  Sa loob ng two days na magkasama kami paminsan minsan nagiging mabait siya. Paminsan minsan lang ha. Nakakapagtaka nga e. Hindi kaya may taning na ang buhay niya at naisip niyang hindi maganda kung mamamatay siyang may kaaway?

"Kaya ko na ang sarili ko.  Intindihin mo yang pagkain mo." sagot ko. 
Kinuha ko yung inaalok niyang pagkain.

Habang kumakain ako napansin kong nakatitig na pala siya saakin. 

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko. 

Hindi siya sumagot.  Nanatili lang siyang nakatitig saakin. Naiilang na ako sakanya kaya naman inalis ko ang tingin sakanya at kinuha ko yung juice. Kasalukuyan akong umiinom ng marinig ko siyang magsalita.

"Let's go on a date."

*Pffft!

Sa sobrang gulat ko naibuga ko sakanya yung iniinom kong juice. 

"Ano?" sigaw ko.

Nakita kong nainis siya. Pero wala akong pakialam sa juice na natapon sa mukha niya.  Ang concern ko ay yung sinabi niya. 

Totoo ba yung narinig ko?
My mortal enemy ask me on a date?
Is he serious?

The Dare Where stories live. Discover now