Chapter 18

3.7K 117 0
                                    

Kate's POV

"Love sayo muna to. Ikaw na bahala diyan." sabi ni Lance habang inaabot saakin ang cellphone niya. 

Mag iisang buwan na kami. At alam na yon sa buong university. Dahil nong araw na sinagot ko siya ay siya ring announce niya sa fb at ibang social media account niya.

Ewan ko ba diyan.  Masyado kasi siyang masaya nong araw na yon kaya hindi niya napigilan mag status agad. Naging masaya naman sila Charm at Lex para saamin. Kaya lang maraming umiyak na babae dahil taken na si Lance. At ako? Mukhang magiging sikat ako dahil palagi nilang pinupuna ang bawat kilos ko. 

Hay. Wala akong magagawa. Isang campus heartthrob kasi ang boyfriend ko.

"Nice shot!" sigaw ng coach nila. Nasa gym nga pala kami. Last practice nila dahil sa susunod na araw na ang championship.

Lumingon si Lance sa pwesto ko sabay kindat. Natawa na lang ako sa ginawa niya.

Patuloy lang sila sa pag practice habang ako eto kinakalikot ang cp niya. Hindi sa pakialamera ako ah. Pero gusto ko kasing malaman kung ano ang laman nito.

Noon pa man ay wala na siyang ibang nilihim saakin. Lahat ng social media accounts niya ay alam ko. May time pa nga na ako na mismo ang nagbubukas ng mga yon dahil tamad na tamad siyang asikasuhin ang mga accounts niya. 

Nang mabuksan ko ang fb niya bumungad saakin ang napakaraming friend request, notif at messages. Iba na talaga pag famous. Nagfocus muna ako sa mga messages. Nakita ko ang napakaraming message galing sa iba't ibang babae. Marahil ay galing sa mga fans niya. 

"Hindi kayo bagay ni Kate, tayo ang bagay Lance." - Bea

"Akin ka na lang my loves!" - Patricia

"Maghihiwalay din kayo ni Kate. Walang forever!" -Sandra

"Waahhhhhh! Stay single Lance! Para may pag asa pa ako sayo!" - Diane

Sanay naman na ako sa mga ganitong messages. Pero naiinis pa rin ako sa tuwing nakakakita ako ng ganito. Ewan ko ba. Siguro dahil affected ako sa mga sinasabi nila. 

Itinigil ko na ang pagbabasa nang bigla akong nakatanggap ng isang message. 

"Hi baby! How are you? I really miss you." - Lanie

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Si-sino to? Bakit niya tinawag na baby si Lance?
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Gusto kong magwala pero hindi ko yon ginawa. Huminga ako ng malalim at palihim na pinakatitigan si Lance.

May tinatago ka ba sakin? Kung meron man bakit mo ko hinayaang makita to? Bakit pinabayaan mo saakin ang cellphone mo kung alam mong may makikita akong ganito?

Napakunot ang noo ko ng magtama ang mga mata namin. Ang laki ng ngiti niya habang nakatingin saakin. He is happy. Pero hindi ko magawang maging masaya ngayon.

Agad kong binalikan ang message na yon. Ngayon pa lang kailangan ko ng malaman kung sino ka.

"Hello." reply ko. Tignan ko lang kung ano ang sasabihin niya.

"Wow! Himala at nagreply ka. You're not busy? Kamusta ka naman diyan?"

"Busy si Lance. Girlfriend niya ito. Pwede ko bang malaman kung sino ka?"

Hindi siya agad sumagot. At mas lalong nadagdagan ang kaba ko dahil don. 

"Are you Kate?"

Napakunot ang noo ko. Bakit kilala niya ko? Sino ba to?

"Yes. Kilala mo ba ako?" reply ko.

"I know you. Palagi ka niyang nababanggit saakin. I hope to see you soon dear!"

The Dare Where stories live. Discover now