Chapter 7

4.8K 163 8
                                    

Lance's POV

Just what the heck happen?
Natapunan ako ng juice sa mukha at sa harap pa ng maraming tao. 

"So-sorry hindi ko sinasadya." sabi ng babaeng kasama ko. 

Kumuha siya ng tissue at inabot ito saakin. 
Tinignan ko lang siya ng masama. Ang bobo ko talaga.  Bakit ba nasabi ko pa yon sakanya.

Tinaas ko ang kamay kong may benda. Alam kong gets na niya ang gusto kong sabihin.

"Ah sige.  Wait lang ha."

Kumuha pa siya ng extra tissue at saka inumpisahan ang pagpupunas sa mukha ko. 

She is so close that I can even hear her heart beating. It is beating so fast.  Tingin ko masyado siyang nabigla sa sinabi ko. 

I look at her and realize something.  Bakit ba hindi ko to nakita sakanya noon? She has a very beautiful eyes. Her face is not perfect but when I look at her everything looks so nice. I admit she is one of a kind. 

Siya ang unang babaeng hindi nagka interest saakin.  Siya lang ang babaeng kayang gumanti sa mga kalokohan ko. Palaban nga talaga siya gaya ng sinabi nila.  At hindi niya gusto ang natatalo. 

Maybe that's the reason why she got my attention. Masarap kasi siyang asarin lalo na at naaasar din siya.  Kapag nakikita kong naiinis siya feeling ko buo na ang araw ko.  At kapag binabawiian niya ako pakiramdam ko nagiging exciting ang buhay ko. Nasanay ako sa ganoong klase ng routine. Aasarin ko siya at gagantihan niya ako.

But things change when I heard those words from her. Everything change. And when I say change it also includes my feelings for her.

Noon hindi ko alam kung anong dahilan ng pagbabagong yon. Pero ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Hindi pala ako masaya dahil naaasar ko siya.  Masaya ako kasi nakikita ko ang mukha niya. Inaasar ko siya hindi dahil gusto kong mainis siya kundi dahil gusto kong makuha ang atensyon niya. Yung atensyon na alam kong hindi niya ibibigay saakin kung hindi ko siya guguluhin. 

Alam kong dahil sa dare kaya niya nasabi saakin ang mga salitang yon. Dati wala akong pakialam doon. Ang balak ko lang ay pagtripan at gantihan siya. But now everything change. Ngayon mas lalo kong gustong mapalapit sakanya. And I will do anything just to hear those words again. And this time I hope it's not because of a dare. 

Kate's POV

Nasa mall kami ngayon ni Lance. Dito niya gustong pumunta ng matapos ang klase namin. At pinagtitinginan kami ngayon. Alam niyo kung bakit?

Kasi kasama ko lang naman si Lance at nasa likod niya ako habang bitbit ko lahat ng pinamili niya.  Ang walang hiyang to ginawa akong alalay!

Ito ba ang tinatawag na date? May tawag dito e. Yung polo y servicio ba yon? Tama yon nga. Yung sapilitang pagtatrabaho.
Nakakainis talaga! Humanda ka sakin Lance kapag gumaling na yang injury mo. 
Matitikman mo ang bagsik ng isang alipin!

"Anong masasabi mo? Bagay ba?"

Tanong niya paglabas sa fitting room. Ito ang pangatlong stall ng damit na napuntahan namin. 

"Ewan ko." walang ganang sagot ko. Lahat naman tinatanong niya sakin.  May salamin naman.  May mata siya para tignan kung bagay o hindi. 

"Eto?" tanong ulit niya sa sumunod na damit na sinukat niya. 

Ganoon pa rin ang sagot ko.  Nakakainis naman.  Pinagtitinginan kami dito e.  Bakit ba kasi ako ang kailangan magdecide sa mga bibilhin niya?

"Hindi tayo aalis dito Kate. Alam mo kung bakit."

Tinignan ko siya ng masama.

"Bakit ba kailangan mo pa ng opinyon ko? Bilhin mo na lang lahat ng gusto mo."
Inis na sabi ko. 

"Eto bagay ba?"

Arghhhh! Hindi siya marunong umintindi.

"Oo bagay. Kahit anong isuot mo babagay sayo. Kahit magsuot ka ng basahan babagay pa din sayo.  Kasi gwapo ka at malakas ang dating mo.  Kaya lahat yan bagay sayo!" sigaw ko. 

Nakita kong napatingin saakin ang mga sales lady pati na rin ang ibang customer dito. 

Pero hindi ko sila inintindi. Ibinalik ko ang tingin ko kay Lance. Pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Nakatitig siya saakin ngayon habang nakangiti.

Anong nginingiti niya diyan?
Nababaliw na ba siya?

Humarap siya sa isang sales lady. 

"I'll buy it." sabi niya. 

"Itong shirt na suot mo sir?" tanong ng sales lady. 

"Yes. Pati yung mga nauna. I'll buy it all."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 
Seryoso? Lahat yon bibilhin niya? Sa pagkakaalam ko mahigit sa lima lahat ng damit na sinukat niya e.
Ang lakas talaga gumastos ng mga mayayaman. 

Napansin kong napatingin saakin yung sales lady tapos bigla siyang napangiti at tumingin kay Lance. 

Hala iniisip yata niyang may relasyon kami. Umiling na lang ako. Pero hindi ko namalayan na halos lahat pala ng tao dito nakatingin at nakangiti rin saakin. 

May nasabi ba ako para maging ganyan ang reaksiyon nila?
Inisip ko yung huling sinabi ko. 

"Kasi gwapo ka at malakas ang dating moKaya lahat yan bagay sayo!"

Kinilabutan ako ng maalala ko yung sinabi ko. Tinapik tapik ko ang bibig ko. Don't say bad words Kate. Kaaway mo ang lalaking yan.  Huwag kang magpalinlang sa itsura niya. 

The Dare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon