Chapter 14

4.1K 141 2
                                    

Kate's POV

Gusto kong umiyak dahil sa ginawa ko. Alam kong may nararamdaman din ako kay Lance.  Pero hindi ko siya nagawang sagutin ng maayos. Nalilito ako sa totoong nararamdaman ko sakanya. At natatakot ako na baka maulit lang ang mga nangyari noon. 

"Pwede ba tayong mag usap?"

Bungad saakin ni Lex na nakapasok na pala sa kwarto ko. 

"Sige Lex."

Lumapit siya sa kama at umupo sa tabi ko.

"Galit ka pa ba kay Lance?"

Napailing ako. Napatawad ko na siya simula ng mabasa ko yung sulat niya. 

"Then is it because of your past? Kaya nireject mo siya?"

Natahimik ako. Alam ni Lex ang nakaraan ko. Sabay kasi kaming lumaki kaya alam niya halos lahat tungkol sa buhay ko. 

"Ganoon pa rin ba ang rule mo sa paghahanap ng boyfriend? Ang gusto mo ay yung wala pang nagiging girlfriend at kung maaari dapat ikaw ang una?"

Lex is right. Kaya ako hindi nagkakaroon ng boyfriend dahil mapili ako. May ilang nagtangkang manligaw saakin pero lahat sila inayawan ko. Dahil lahat sila may mga ex na. Ayoko sa mga lalaking may past relationship. Iniisip ko kasi na iyon ang magiging dahilan para masira ang isang relasyon.

I had a painful experience in the past.
And that is the main reason why I end up making that rule.

"Hindi ba sa rules may mga exceptions? Tingin ko isa si Lance doon. He is one of the exceptions."

Napatingin ako kay Lex.

"Paano mo nasabi yan Lex?"

"I know he lied to you. Alam ko rin na may trust issue ka. Hindi ko sinasabing iba si Lance sa mga lalaking nang iwan sayo. Pero try to think of it Kate. Sinabi niyang mahal ka niya. Nagalit ka sakanya. Pero hindi ka niya iniwan. He even tried his best para lang magpaliwanag sayo. Hindi pa ba sapat yon para maniwala ka? Para magtiwala ka sakanya?"

Unti unti kong inalala lahat ng mga ginawa saakin ni Lance. Totoo lahat ng sinabi ni Lex. Hindi siya sumuko na suyuin ako. 

"Alam mo bang sa lahat ng nakita kong magkaaway kayo ang pinaka weird?"

Napakunot ako sa sinabi niya. 

"Kami ni Lance? Weird?" tanong ko. 

"Oo. Remember when he said your ugly? Sa sobrang inis mo kung ano anong pampaganda yung binili mo para lang maging maayos ang itsura mo kapag kaharap mo siya. Tapos nung inasar ka niya sa team building natin na loser? Nag init ang ulo mo kaya naman nakuha ng team natin ang second place. Syempre sila Lance ang first place. Hindi mo matanggap kaya palagi kang naghahanda kapag may team building tayo. Eto pa nung sinabi niyang ang pangit ng sulat mo at dapat kang bumalik sa elementary? Hindi ka natulog non dahil nagpractice ka gumanda lang ang sulat mo para maipamukha mo sakanya na mali siya. At nung sinabi niyang mataba ka alam mo kung anong ginawa mo?"

"Nag diet ako. At hanggang ngayon hindi ko hinahayaan na tumaba ako. I always make sure na nasa tama lagi ang timbang ko." sagot ko kay Lex. 

"See? Diba ang magkaaway ginagawa ang lahat masira lang ang buhay ng kaaway nila? Pero iba kayo ni Lance. Imbis na masira ang buhay niyo mas naging better pa nga e. Dahil kay Lance kaya maayos na yung sulat mo. Kaya marunong ka ng mag ayos. Kaya ka healthy living ay dahil din sakanya. You change not for the worst but for the better. Yan ang epekto niya sayo Kate. He influence you to be better."

Natigilan ako sa mga sinabi niya. Ngayon lang nagiging malinaw saakin ang lahat. Bakit ba hindi ko agad napansin na ang laki pala ng naging epekto ni Lance sa buhay ko?

The Dare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon