Chapter 20

3.6K 112 2
                                    

Kate's POV

Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon. Saya dahil makikilala ko na ang pamilya ni Lance. At kaba dahil hindi ko alam kung matatanggap nila ako gaya ng pagtanggap saakin ni Lance.

"Love what's wrong? Bakit ang lamig ng kamay mo?" tanong niya.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa garden nila. Sobrang laki ng bahay nila. At talagang masasabi kong mayaman ang pamilya nila.

"Love kinakabahan ako. First time ko kasing gagawin to. Yung ipapakilala ako sa ibang pamilya." sagot ko sakanya.

Hindi siya sumagot. Hinila niya lang ako palapit sakanya saka ako tinitigan.

"Love wag kang kabahan okay? Magugustuhan ka ng parents ko. Just be yourself. Kagaya ng ipinapakita mo sa iba. And relax love. Kasama mo ako. Hindi kita iiwan." he said it with assurance. Gumaan naman ang pakiramdam ko ng sabihin niya yon. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras.

I notice that he is totally staring at me. In my lips in particular.

"Bakit love?" tanong ko. He just keep staring at me. At para akong matutunaw sa mga tingin niya ngayon.

"You're so beautiful."

Agad akong namula sa sinabi niya. Hindi kasi ako sanay na sinasabi niya yan. Siguro yung salitang I love you madalas lumabas sa bibig niya pero eto bihira lang.

"Love-"

"And I'm lucky you're mine."

What? Mas lalo yatang naging kamatis ang mukha ko dahil sa sinasabi niya. Hindi ko na tuloy magawang makapagsalita.

"Tss." iyon lang ang narinig ko bago niya ko halikan sa noo.

"I love you Kate." sabi niya.

Tinitigan ko siya sa mata. His eyes says it all. I can clearly see his sincerity. In his actions and through his words. Napangiti ako.

"I'm also lucky Lance. Dahil ikaw ang boyfriend ko." sabi ko habang nakangiting nakatitig sakanya.

"At mahal na mahal kita Lance." Dugtong ko.

Nakita ko ang pagkislap ng mata niya. Wala talagang maitatago saakin ang taong to. Halata kasi kapag masayang masaya siya e.

He moves closer to me. And I think he was about to kiss me when we suddenly heard a loud voice.

"My baby!"

Sabay kaming napalingon ni Lance sa nagsalita.
Papalapit saamin ngayon ang isang magandang babae. Maiksi ang buhok. Maputi at makinis ang kutis. At nakasuot ng isang magandang red dress.

"Oh my! Is that you Kate?" bungad niya ng makalapit siya saamin.

"Ma this is Kate. Siya ang girlfriend ko. Kate siya si Lanie Mendoza. Siya ang mama ko."
Pagpapakilala saamin ni Lance.

Magsasalita na sana ako ng bigla akong yakapin ng mama niya.

"At last I finally see you dear. Lance is right. You're so pretty." sabi niya habang nakayakap saakin.

Hindi ko naman maiwasang mailang. Naalala ko na naman kasi yung nangyari saamin dati. Nahihiya talaga ako pag naiisip ko yon e. Hindi ko nga yon sinabi kay Lance dahil hiyang hiya ako sa sarili ko.

Nang umalis siya sa pagkakayakap ay saka palang ako nakapagsalita.

"I'm glad to finally see you Tita La-"

"Ops! Just call me Mama. Girlfriend ka ni Lance right? Then I'll treat you like my daughter. Welcome to the family! Yieee! Sa wakas may anak na akong babae." excited na sabi niya.

The Dare Where stories live. Discover now